Date Part II

1.9K 58 1
                                    

Pagkarating namin sa mall ay nagpark lang muna sya bago kami pumasok. Maraming tao sa mall karamihan ay mga couple na nagdedate. Nagulat ako ng hawakan ni Blake ang kamay ko.

"Baka magkahiwalay tayo madaming tao" sabi nya ng hindi nakatingin sakin.

Napangiti naman ako holding hands kami while walking sabi ko na nga ba date to eh 'oh sige mag assume ka pa Ree ng masaktan ka!' Sabi ng panira kong konsensya.

"Ano bang gagawin mo dito?" Tanong ko sa kanya

"May bibilhin lang ako" sagot nya

Nalungkot naman ako ibig sabihin saglit lang kami dito dahil may bibilhin lang sya.

"Nagugutom ka na ba?"

"Ha?"

Nagulat naman ako sa tanong nya akala ko ba bibili lang sya.

Ngumiti sya sakin. Omg ngumiti sya!!.

"Kumain muna tayo"

"S-ige"

Ano ba yan nauutal pa ako nakakahiya pero okay lang basta nagdedate kami masaya na ako.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong nya

"Spaghetti lang tsaka cheeseburger"
Nandito kasi kami ngayon sa mcdo ibig sabihin ba nun love nya ako kaya dito kami kakain?

Nakaupo na ako habang sya ay umuorder pa. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Rose.
'Bessy nagdedate kami ng kuya mo'
Pagkasent ko pa lang ilang secondo lang ay nagreply agad si Rose bilis ah.
'Omg!!!! Talaga???!!'
Natawa naman ako sa reply nya sasagot pa sana ako ng dumating na si Blake

"Let's eat"

Tahimik lang kaming kumakain wala kaming imikan nahihiya naman ako na magsalita hanggang sa matapos kami wala manlang moment na pahidan ng sauce sa gilid ng labi kaya nga spaghetti ang pinili ko eh kaso di naman sya tumitingin sakin.

"Tara na" aya nya sakin bago hinawakan ulit ang kamay ko atleast naman diba holding hands parin.

Napadaan kami sa tindahan ng mga chocolate.
"Gusto mo ba?" Tanong nya

"Sige" nakangiting sagot ko sa kanya

Binilhan nya naman ako ng marami ewan ko ba dito bakit ang bait nya sakin ngayon.

"Ano pang gusto mong gawin?" Tanong nya

"Ha? Akala ko ba may bibilhin ka lang"

"Yeah pero mamaya na yon sulitin na natin ang walang pasok"

"Okay! Sige" masiglang sagot ko sa kanya

Hinigit ko naman sya papunta sa World of Fun paglingon ko sa kanya ay nakita ko syang nakangiti pero agad din namang umiwas ng tingin.
Bumili sya ng token at pumunta kami sa basketball

"Ang matalo sasayaw!"

Natawa naman sya sakin at nagsimula na syang magshoot ng bola. Sa huli sya ang nanalo kaya kelangan kong sumayaw hindi pa naman ako magaling sumayaw para akong bulate na sumasayaw at sya naman ay nanunuod lang sakin habang tumatawa hawak nya pa ang phone nya na nakatapat sakin. Matapos kong sumayaw ay lumapit ako sa kanya.

"Burahin mo yan!" Utos ko

"Haha mamaya na"

"Basta ha buburahin mo"

Tumatawa naman syang tumango. Nang mapadaan kami sa toy catcher ay may makita akong larva stuff toy
"Kunin mo yon" utos ko sa kanya sabay turo sa laruan

"Okay" nakangiting sabi nya

"Go go go" cheer ko sa kanya

"Ahhh!" Sigaw ko ng malapit ng makuha pero nalaglag pa.

Nakasampung try na sya kaya halatang naiinis na kinuha ko naman ang phone ko at pinicture-an sya ang cute kasi kahit nakakunot ang noo nya

"Yeyyy!" Sigaw ko ng makuha nya ito sa ika fifteenth try. Ang cute magkadikit si Red and Yellow

Dahil sa pagod ay nag decide kaming umuwi na. Pagkasakay sa kotse ay inaya ko syang magpicture.
"Picture tayo" nakangiting sabi ko

"Sige" natuwa naman ako kasi pumayag sya.

Tinapat ko na ang camera ng phone ko habang yakap ko ang larva lumapit naman sya sakin at inakbayan ako halos nakayakap na sya sakin. Tinignan ko ang picture namin at napangiti ako ng makita ito nakasmile sya doon habang nakatingin sakin ako naman ay nakanguso at nakapeace sign.

Nagmamaneho na sya ng may maalala ako.
"Akala ko may bibilhin ka"

"Hayaan mo na yon" nakangiting sabi nya

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon