Pafall

1.9K 55 0
                                    

It was December 24 today at talagang parang binibiro nila ako dahil dahil sama sama daw kami ng pamilya ko at pamilya ni bessy sa noche buena ayaw naman nila akong saktan no?

"Anak magbihis ka na mamaya pupunta na dito ang pamilya ni Rose" sabi ni mommy

"Sige po"

Nagbihis ako kahit parang ayoko ng lumabas mas gusto ko na lang magkulong sa loob ng kwarto ko makikita ko lang si Blake tapos ano? Maalala ko na kapatid lang turing nya sakin.

Sa huli wala rin akong nagawa kundi bumaba at sumama sa kanila sa hapag kainan. Ito na naman kami sama sama  sa pagkain.

"Bessy excited na ako sa gift mo" sabi sakin ni Rose

"Haha basta talaga sa regalo ang saya mo"

Ngumiti naman sya sakin. Speaking of regalo nakakainis pero binilhan ko parin ng regalo si Blake nakakahiya naman kung lahat sila binigyan ko tapos sya lang wala.

Nasa sala kami ng mabigayan na kami ng regalo.

"Thank you Ree" sabi ni tito at tita matapos kong ibigay sa kanila ang regalo ko

Hikaw ang kay tita at relo naman kay tito ang binigay ko.
Wala naman kasi akong maisip na panregalo.

"Here mom and this is for you dad" sabay abot ng paper bag kay mommy and daddy

Isang dress ang para kay mommy while for dad is cup na may print na mag ama mahilig kasi si daddy magkape kaya naman ng makita ko yon ay sya ang naalala ko.

"Thank you anak you're so sweet" sabi ni daddy at niyakap ako

Bumaling naman ako kay Rose at ngumiti sa kanya. Inabot ko sa kanya ang paper bag na para sa kanya.

"Yey thank you Ree" she said and hug me.
Bracelet yon na may pangalan nya nasabi nya kasi dati na gusto nya magpagawa ng ganun.

Ang pinakahuli si Blake ngumiti na lang ako at binigay sa kanya ang regalo ko.

"Thank you" sabi nya lang.

Sapatos yon para lumayo na sya sakin yong ang sabi ng iba na ibig sabihin daw nun.

I received make up kit from tita and dress from tito. Galing naman kay bessy ay bestfriend shirt dalawang babae na makaakbay ang print nito at sa likod naman ay nakasulat ang 'Ree and Rose'  napangiti ako sa regalo nya. Ang bigay naman sakin ni mommy ay yong librong gusto ko at nagtaka naman ako sa regalo ni dad susi?.

"Dad bakit susi?" Tanong ko

"Haha anak tingnan mo garahe"

Nanlaki ang mata ko at tumakbo sa garahe at nakita doon ang isang bagong kotse.
"Oh my bessy may sasakyan ka na" sabi ni Rose.

Yumakap naman ako kay dad.
"Dad thank you kahit naman hindi ganoon kamahal ang regalo mo pero thank you parin"

Tumawa lang sya sa sinabi ko.
Wala akong natanggap mula kay Blake pero okay lang makamove on lang ako sa kanya masaya na ako. Nakakatawang isipin bago pa lang ako napapamahal sa kanya pero move on na agad ang kailangan.

My parents and Rose parents are drinking wine habang si Rose naman ay nakatulog na sa kwarto ko habang si Blake naman ay di ko alam kung nasaan baka nasa isa sa mga guest room. Pumunta ako sa garden at umupo sa swing. Happy birthday Jesus sabi ko sa sarili ko habang nakatingala sa langit na puno ng bituin.

Naramdaman kong may malamig na bagay na dumampi sa leeg ko.
"Merry Christmas" bati nya habang nasa likod ko.
Matapos nyang ikabit ang bagay na yon sa leeg ko ay naramdaman ko ang kamay nya na bumalot sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko hindi ako makapagsalita. Tumagal ng ilang minuto ang yakap nya bago nya ako binitiwan at naramdaman kong lumakad na sya palayo.

"Pafall ka naman Blake eh nakakainis" sabi ko alam ko namang hindi nya na yon maririnig dahil malayo na sya.

Nasasaktan ako dahil kapatid lang ang turing nya sakin pero di ko maiwasan umasa na baka naman magbago pa yon.

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon