Bumaba ako sa sala para intayin sina bessy nanuod na lang muna ako ng tv habang iniintay ko sila.
"Ma'am andito na po ang bisita nyo" sabi ng bagong katulong namin
Lumingon ako at nakita kong papasok si bessy at nasa likod nya ang kuya nya.
"Hey okay ka lang?" Tanong ni bessy ng makalapit na sya sakin
Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Oo naman sanay naman na ako" sabi ko
"Wag ka mag alala papasayahin ka ni kuya yieee hahaha" pang aasar nya
Kahit kelan talaga tong si Rose lagi nyang iniaasar sakin ang kuya nya .
"Baliw ka talaga tara sa kwarto ko" aya ko sa kanya
"Ako ba o si kuya?" Tanong nya habang may nakakalokong ngiti.
"Syempre ikaw baliw"
Lumingon ako kay sungit
"Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya
"Sa kusina lang ako tutulong na lang ako sa kasambahay nyo"
Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. Umakyat na kami ni bessy sa kwarto ko pagkarating namin ay agad humiga si bessy sa kama ko at tumingin sakin.
"Ree yong totoo wala ka bang nararamdaman manlang sa kuya ko?" Tanong nya
Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nararamdaman kong umiinit ang pisngi ko.
"Anong nararamdaman pinagsasabi mo dyan"
"Hmm alam mo na yon"
Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko nakakaloko nyang ngiti.
"Hmm crush yata?" Sabi ko sa kanya na parang hindi sigurado.
"Kyaaaaahhh oh my gosh!!" Tili nya kaya naman napatakip ako ng tenga kasi sobrang lakas at nagtatatalon pa sya sa kama ko natigil lang sya ng biglang bumukas ang pinto.
"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni sungit.
"Ah wala girls talk" sabi ko na nahihiya kaya naman umalis na lang sya at sinarado ang pinto.
Tumingin ako kay bessy.
"Wag ka ngang maingay nakakahiya" saway ko sa kanya.
"Ayiiiee okay secret lang natin to hahaha"
BINABASA MO ANG
Ang Kuya Ng Bestfriend Ko
HumorPano nga ba kung nasaktan ka na kakayanin mo pa bang magmahal ulit ? Eh pano kung ang iibigin mung muli ay ubod naman ng sungit ? Handa ka bang paamuhin at palambutin ang puso nyang naging bato na sa sobrang tigas at yelo na sa sobrang lamig read my...
