Maaga akong gumising ngayon kahit wala naman kaming pasok kasi sabado.
Naligo ako bago nagbihis at umalis na ng bahay.
Pumunta ako sa isang salon nagpagupit ako ng buhok hanggang balikat."Sure ka? Sayang naman ang haba na ng hair mo girl" sabi nung bakla
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
Matapos akong gupitan ay napatingin ako sa buhok ko na nasa sahig bago tumingin sa salamin at tignan ang reflection ko. Napangiti ako
"This is it new life" sabi ko sa sarili ko.Hindi muna ako umuwi sa halip ay kina Rose ako pumunta. Tanghali na pero sigurado tulog pa yon. Pagpasok ko sa bahay nila nakita ko si Sungit na nanunuod ng tv sa sala nila.
"Hi" bati ko sa kanya
Tumango lang sya sakin kaya nagsimula na akong umakyat sa taas papunta sa kwarto ni bessy.
Nasa kalagitnaan ako ng hagdan ng magsalita si sungit."Bagay sayo" sabi nya
Napatigil ako at pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko.
Nagmadali akong umakyat at muntik pa akong madapa sa pagmamadali ko."Oh bakit namumula ka?" tanong ni bessy na kalalabas lang sa banyo
"Ha? Ano mainit lang sa labas" sagot ko
"Parang di naman. Wait ohmyG!! Nagpagupit ka!" sigaw nya at hinawakan ang buhok ko
"Nagmomove on ka na Ree I'm so happy for you papaligawan na kita kay kuya hahaha" biro nya
"Baliw ka talaga ansungit sungit ng kuya mo eh"
"Pero aminin mo kinilig ka noong sinalo ka nya ng tamaan ka ng bola yiiiieee" asar nya sakin
"Hindi ah tigilan mo nga ako" saway ko sa kanya
"Yiiiiee pero alam mo nakakapagtaka si kuya ang bilis nyang nakalapit sayo kesa sakin samantalang mas malayo ang pwesto nya"
"Mabagal ka lang talaga"
Sinamaan nya ako ng tingin
"Oyy di kaya grabe ka pero basta kinikilig ako sa inyo ni kuya yiiiiieeee""Tigilan mo ako Rose tara bumaba na lang tayo alam kong di ka pa nakain" aya ko sa kanya
Bumaba kami ni Rose at mabuti na lang wala na doon ang kuya nya kung hindi baka mahiya ako. Sabihin ba namang bagay daw sakin haay ano ba yan umiinit na naman ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Ang Kuya Ng Bestfriend Ko
HumorPano nga ba kung nasaktan ka na kakayanin mo pa bang magmahal ulit ? Eh pano kung ang iibigin mung muli ay ubod naman ng sungit ? Handa ka bang paamuhin at palambutin ang puso nyang naging bato na sa sobrang tigas at yelo na sa sobrang lamig read my...