Kapatid

1.9K 45 3
                                    

Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan ang mga magulang namin tungkol sa business nila.

"Ang ganda mo ngayon bessy ah parang may pinagpapagandahan ka hahaha" pang aasar sakin ni bessy at dahil doon ay nabaling samin ang atensyon ng mga magulang namin.

"Tama ka anak dalagang dalaga na ang anak Greg" sabi ni tito Seb

"Haha tama ka at mukhang may nagugustuhan na yan" sagot ni dad

Namula naman ako sa pangbubuking nya nakakahiya.
"Dad naman" reklamo ko

Nagtawanan naman sila parang tuwang tuwa silang inaasar ako.

"Blake iho salamat at naisipan mo kaming tawagan salamat din at nag aalala ka sa anak ko" baling ni dad kay Blake

"Wala po yon parang kapatid ko narin naman po si Ree" sagot nya kay dad

Napalingon silang lahat sakin ng sabihin ni Blake yon. Grabe pakiramdam ko nareject ako masakit pala.

"Haha mabuti naman pala at may kuyang gagabay sa anak ko sa tuwing wala kami dito" sabi ni dad at tumingin sakin ngumiti naman ako sa kanya na parang sinasabing okay lang ako dad.

Nawalan na ako ng gana kaya naman pinaglalaruan ko na lang ang pagkain sa pinggan ko habang iniintay ko silang matapos kumain. Siniko naman ako ni bessy dahil sa ginagawa ko pero tinignan ko lang sya ng malungkot.

Matapos kaming kumain ay nagpunta na sa sala ang magulang namin si Blake naman ay sa garden at kaming dalawa ni bessy ay sa kwarto ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni bessy

"Haha ano ka ba ako pa syempre wala lang yon" sagot ko kahit ang totoo ay masakit talaga.

"Crush lang naman diba" dagdag ko pa

Crush lang pero bakit ganito kasakit? Malas yata ako sa love una niloko ako tapos ngayon naman kapatid lang turing sakin.

"Sige magpanggap ka pa" sabi ni bessy

"Eh wala naman akong magagawa diba?"

Lumapit sya sakin at niyakap ako.
"Okay lang yan mababaw pa naman nararamdaman mo makakalimutan mo rin yon"

Tama sya mababaw pa lang naman nararamdaman ko eh kaya madali lang ako makakamove on.

Nakakatawang isipin na mag momove on ako sa kanya kahit di naman naging kami. Umasa kasi ako na baka pwede na mahulog sya sakin kasi nga diba caring naman sya sakin yong mga pakilig nya tapos yon pala kapatid lang turing nya sakin! Bakit pa sya nakipagtitigan paasa sya!.

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon