Parents

2K 54 0
                                    

Ilang sandali pa akong nakatitig sa magulang ko na parehas nakangiti.

"Oh baby don't you want to give your mom and dad a warm hug?" Tanong ni dad

"Ah yeah" sagot ko at lumapit sa kanila at yumakap

"I miss you princess" sabi ni mom

Kumalas na ako sa yakap at ngumiti sa kanila.
"Mom I'll go upstairs and rest na po" paalam ko sa kanila

"Ayaw mo bang sumabay samin kumain?" Tanong ni dad saakin

Ngumiti lang ako at umiling ewan ko ba parang sanay na akong wala sila kaya nagulat ako na umuwi sila ngayon ay wala namang okasyon.

"Wait sinong naghatid sayo?" Pahabol na tanong sakin ni mommy

"Ah that was Rose brother po Blake" sagot ko

Matapos yon ay nagtungo na ako sa kwarto ko at nilagay sa mini fridge ang cake na gawa ni Blake. I find it weird calling him Blake dahil sanay ako na sungit ang tawag ko sa kanya.

Nagtungo ako sa banyo at naglinis ng katawan bago nagpalit ng pantulog ko.
Humiga ako sa kama at tumingin lang sa ceiling haay hindi ko alam bakit nandito ang parents ko pero atleast naman umuwi sila kahit baka may business lang silang aayusin.

Maaga akong gumising kinabukasan. Naligo agad ako at nagbihis sunday ngayon at sisimba ako kasama si bessy.

"Oh may lakad ka anak?" tanong sakin ni mommy

"Yes mom sisimba po ako"

Ngumiti sakin si mommy at tumango.
"Take care okay? Pasensya na hindi ka namin masasamahan may aayusin pa kami ng dad mo eh"

Ngumiti na lang ako at hindi na lang sumagot dahil baka humaba pa ang usapan namin. Wearing my jeans and v-neck white tshirt with white rubber shoes nagsimula na ako maglakad papunta sa bahay ni bessy malapit lang naman kaya nga nagtataka ako kung bakit hinatid pa ako kahapon ni sungit.

Nakarating ako sa bahay nina Rose.

"Bessy!" Tawag ko kay Rose

"Hey it's too early in the morning and you're already shouting"sita sakin ni sungit

"Haha sorry naman para lang bumaba na si Rose sisimba kami sasama ka ba?" tanong ko

"Yes" maikling sagot nya

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago bumaba si Rose.
Nagtungo na kami sa labas at nakaready na ang sasakyan ni sungit.
Sa likod kami umupo ni Rose.

"Haha mukhang driver natin si kuya" natatawang sabi ni bessy

Sinamaan lang sya ng tingin ng kuya nya kaya naman natawa ako.
Limang minuto lang ay nakarating na kami sa simbahan.

"Bessy ako dyan sa tabi"

Nakipagpalit sakin si Rose dahil gusto nya daw sa tabi para malapit sa electric fan pero halatang iba ang dahilan kasi panay ang kalabit nya sa tagiliran ko.

"Ano ba?!" Bulong ko kay bessy

"Yieeehh"

Inaasar na naman nya ako dahil katabi ko ang kuya nya.
Lalong tumindi ang pang aasar nya ng dumating na sa part na aawit habang magkakahawak ang kamay.
Ang higpit ng hawak sakin ni bessy habang si Blake naman ay maluwag lang pero ewan ko ba parang umiinit ang pisngi ko sa katotohanang magkahawak kami ng kamay oh my! Anong nangyayari sakin?.

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon