"Nakakatamad naman" reklamo sakin ni bessy habang nagbibihis kami
"Hayaan mo na dalawang oras lang naman" sabi ko sa kanya
"Pero papawisan tayo"
Natapos na kaming magbihis ay reklamo sya ng reklamo kahit naglalakad na kami papunta sa basketball court.
"Manahimik ka na nga" saway ko kay bessy
"Okay fine basta ichecheer natin si kuya mamaya pag sya na ang naglalaro ha"
"Oo na"
Pagdating namin ay nagsisimula na maglaro ang mga lalaki ng basketball magkalaban pala ang grupo ni Dave at ng kuya ni bessy.
"Ay past versus future haha" pang aasar ni bessy
"Tumigil ka nga ikaw lang naman nag iisip ng ganyan"
Saway ko sa kanya"Bakit ayaw mo ba sa kuya ko gwapo naman sya ahh"
Hindi ko na lang sya pinansin at nanuod na lang ng game nila. Sa tuwing makakascore ang team nina Dave panay ang sigaw ni Melissa haaay mapapakanta na lang ako ng 'That should be me' haha nababaliw na ako kaya hindi ako makamoveon eh.
At halos mabingi naman ako sa sigaw ni bessy para sa kapatid nya sa tuwing makakascore ang team nila.
Sa huli team ni sungit ang nanalo kaya naman sobrang lakas na tili ang ginawa ni bessy napakasupportive na kapatid.
Pagkatapos ng boys ay kami namang girls ang may laro volleyball ang p.e namin magkateam kami ni bessy at ang kalaban namin ay sina Melissa. Hindi ako magaling maglaro ng volleyball tapos si Melissa captain yan ng volleyball team ng campus namin grabe goodluck na lang samin diba.
Maayos naman ang laro namin lamang ang kalaban namin. Napatingin ako kay Melissa noong sya ang magseserve ng bola ngumisi sya sakin at tinira ang bola.
Ang bilis ng pangyayari basta ang alam ko lang nahihilo na ako pero bago ako tuluyang bumagsak ay may sumalo sakin.
Si sungit
BINABASA MO ANG
Ang Kuya Ng Bestfriend Ko
HumorPano nga ba kung nasaktan ka na kakayanin mo pa bang magmahal ulit ? Eh pano kung ang iibigin mung muli ay ubod naman ng sungit ? Handa ka bang paamuhin at palambutin ang puso nyang naging bato na sa sobrang tigas at yelo na sa sobrang lamig read my...