Leaving

2K 52 0
                                    

Fresh na fresh parin sakin ang nangyaring 'date' namin ni Blake noong valentines kahit na isang buwan na ang nakalipas at malapit na kaming grumaduate. Napagdesisyonan ko na dito na lang ako sa North University mag cocollege as well as Rose ewan ko lang si Blake kung saan hindi ko naman sya matanong kasi malayo na ulit ang loob nya sakin madalas rin syang wala. Ang sabi ni Rose may inaayos daw ang kuya nya hindi nya lang daw alam kung ano yon.

"Hoy tulala ka na naman bessy"

"Nasaan ba kasi kuya mo?"

Wala ulit ang kuya nya ngayon sobrang dalas na ng pagliban nya sa klase kung kailan malapit na ang graduation.

"Hindi ko alam eh bakit miss mo na no? Yiiiieee"

"Haha wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo"

"Eh ano naman?"

"Wala nakakahiya lang kasi"

Pero wala talagang hiya si Rose inasar nya lang ako ng inasar hanggang hapon.

Mabait naman ang boyfriend ni Rose hinahatid muna nila ako bago sila magdate.

"Salamat bessy ingat kayo" paalam ko sa kanila

"Sige ikakamusta na lang kita mamaya kay kuya kapag nasa bahay sya haha"

Ngumiti lang ako at kumaway sa palayong sinasakyan nila.
Nang malayo na sila ay saka ako pumasok sa loob ng bahay haaay.

"Ma'am nag iintay sayo si sir Blake sa garden" bungad sakin ni manang

Hindi na ako sumagot pa at tumakbo na lang sa garden. Nakita ko na nakaupo si Blake sa swing.

"Blake" tawag ko sa kanya

Lumingon sya sakin at ngumiti pero kita ko sa mga mata nya na malungkot sya.
Lumapit sya sakin at nagulat ako ng yumakap sya sakin

"Blake"

"Ree"

Ramdam ko na may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi. Bumuntong hininga sya bago bumitaw sa yakap nya.

"Anong problema?" Tanong ko

"I'm leaving" sagot nya

"Ha? Oo naman magbabakasyon kayo ni Rose okay lang yan babalik naman kayo diba?" Umaasang sabi ko sa kanya

"No hindi yon I'm leaving tomorrow sa Us na ako tutuloy ng pag aaral kailangan ako ni Dad"

Kitang kita ko ang lungkot sa kanya parang kapatid nga pala ako nito kaya siguro nalulungkot syang iwan ako.

"Mag iingat ka ku--ya"

Nanlaki naman ang mata nya sa sinabi ko at niyakap nya ako ng mahigpit.
"No please Ree don't call me that" nakikiusap na sabi nya.

"Pero diba kaya ka nagpapaalam sakin dahil parang kapatid mo na ako?"

Lalong humigpit ang yakap nya sakin na para bang mawawala ako sa kanya pag niluwagan nya.

"No Ree I like you I really do but I'm afraid to admit it. I hate it when you looked at your damn ex I hate it when you're crying and I hate to see you hurt"

Napahigpit ang yakap ko sa kanya ng sabihin nya ang mga yon. Nanaginip yata ako naramdaman ko na nababasa na ng luha ang mga mata ko.

"I like you too"

Bumitaw sya sa yakap at nilagay ang noo nya sa noo ko habang nakangiti sakin.

"Will you wait for me?" Tanong nya sakin.

"Only if you will come back"

"Ofcoarse I will" sabi nya bago ako hinalikan sa noo at niyakap muli ng mahigpit.

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon