Seven

1.1K 49 0
                                    

Nalilito ka na ngayon?

Hindi ko maintindihan.

O hindi mo gustong intindihin?

Apat na taong hindi ko siya nagawang abutin.

O ikaw ang lumayo?

Hindi ko na alam kung alin sa dalawa.

Bakit naguguluhan ka ngayon?

Hindi ko alam kung tama ang nararamdaman ko.

Nararamdamang ano?

Na ako ang bumitaw. Na hindi talaga siya nawala sa akin.



LAMPAS hatinggabi na nang dumating si B. Naka-set na ang isip ko na tapusin ang huling trabaho ko bago mag-umaga. Pumasok si B gamit ang susi niya sa bahay ni late Lolo Jose.

Tumingin lang ako sa pinto nang marinig ko ang warning knock. Hindi niya ako inabutang nakasalampak ng upo sa sahig sa sala kaya inaasahan ko nang tutuloy siya sa kuwarto ko.

Bumukas ang pinto. "Hey."

"Hey, B." tugon ko na hindi man lang tumingin sa pinto.

"Busy?"

"Lagi naman. Nag-dinner ka na?"

"Yeah."

"Snacks?"

"No, thanks."

Naramdaman kong pumasok siya. Hindi ko man siya sinundan ng tingin, alam kong umupo siya sa kama ko. Hindi iyon ang unang pagkakataong ginawa niya iyon. Alam ko na rin ang susunod na mangyayari, hindi na siya iimik pa. Paglingon ko pagkatapos ng trabaho ay makikita kong nakatulog na siya. Ako na lang ang matutulog sa guest room para hindi na maistorbo ang tulog niya—iyon ang routine ko sa mga ganoong pagkakataon.

Tahimik na nga siya nang mga sumunod na sandali. Itinuloy ko ang naudlot na trabaho...


DEAR Beautiful,

Once upon a time, a witchy-beautiful princess believed that somewhere in the universe, a knight in shining armor was meant for her, so she ditched him—a frog with a pure heart. Five years later, the frog has transformed himself to a real prince—a prince who's back to pursue someone else, her Cinderella sister.

What a tragic ending.

Cupid just released his cursed arrow...and it hit me real hard.

Cursed Princess


LUBID o blade?

Sa tanong na 'yan gusto kong simulan ang final draft ng huling article ko pero malalagot ako kay B. Limang ulit niyang ipapa-rewrite sa akin iyon sa iba't-ibang approach. Sing-lupit ni Hitler ang boss ko, hindi 'yon naawa sa akin kahit minsan. Hindi iisang beses na may kinuyumos siyang draft ng article sa harap ko dahil masyado raw akong malupit. Ang isang malupit galit sa kapwa malupit. Lagi kaming nagbabanggaan. Ako nga lang ang laging talo sa mga argumento. Boss siya eh, si Venusa lang ako.

Isa mga regrets nating MAGAGANDA ay ang pinakawalan—or worse, nilait, sinaktan, inapi at ni-humiliate nating frog NOON, na nagbabalik bilang isang prince na may gusto nang iba, worse scenario uli, may mahal nang iba NGAYON. Ang sakit lang, hindi ba? Lalo na kung si ambisyosong frog NOON na naghahangad ng ganda natin ay ang prince nang laman ng ating mga pangarap NGAYON.

Diary ng Maganda [Leia's Diary Sequel]- PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon