Eleven

1.1K 53 0
                                    

Dear Diary,

Bike at ulan.

Bike ang parang kakambal ni Sir Pangit. Lunes hanggang Biyernes, nagpapapawis siya pagkagaling sa School, sunset time iyon. Kapag Sabado naman, sa sunrise time. Maaga ang gising niya para gumala kasama ang bike.

Kung may buhay ang bike, malamang siya ang girlfriend ni Sir Pangit. Hindi niya matiis na hindi makita sa isang araw ang bike, eh. Kalilimutan siguro ni Sir Pangit ang mga assignments niya pero hindi ang bike na iyon.

Tuwing pinapanood ko si Sir Pangit, nakikita ko ang isang masayang eksena—nakaangkas ako sa bike, yakap ko siya habang namamasyal kami. Matutumba ang bike, babagsak kami pareho sa lupa, nasa ilalim siya at nasa ibabaw ako. Magtatama ang mga mata namin at...eeeehhh! Kiss na—hindi matutuloy dahil malakas na bubuhos ang ulan. Tutol ang langit—ESPIP Day 21

P.S. Sa pantasya na nga lang, naudlot pa ang kiss!

Sayang talaga.

Meah

June 27, 2009



HINDI ko napigilang ngumiti sa entry na iyon ni Meah. Kasabay nang gumuhit na sakit sa puso ko ay isang uri ng sayang hatid ng alaala—isang araw noon, ang bisikleta, ang mga piraso ng pandesal at ang mga patak ng ulan ay nag-ukit rin ng isang magandang alaala...



JUNE 27. Pandesal and Raindrops

"Hi, Leia."

Nagulat ang dalagitang si Leia pagkarinig sa pagbati. Bilog ba ang buwan o end of the world na bukas? Binati siya ng Bad boy?

Lumingon si Leia pero wala na si Ross. Dumaan lang pala sakay ng bisikleta na lagi nitong dala. Ang magandang bisikleta ng lalaki na kasama nito kahit saan. Sa umaga bago sumikat ang araw, at pagka-uwi ni Ross galing sa School ay nag-iikot rin gamit ang bisikleta. Especially designed yata iyon. Sa kinang pa lang ay mukhang sobrang mahal. Mukha ring matibay, hindi 'yong tipo ng bisikleta na ginagamit ng mga binatilyo at bata sa lugar.

Lihim na tinatanaw ni Leia mula sa terrace ng silid niya ang pabalik-balik na pagdaan ni Ross sa tapat ng bahay.

Tinapos ni Leia ang pagdidilig ng halaman. Makulimlim ang panahon. Sa tingin niya ay hindi magpapakita ang araw. Unti-unti rin na naiipon sa kalangitan ang mga abuhing ulap. Ulan yata ang babagsak mayamaya.

Bumalik si Leia sa kabahayan at nagpaalam sa ina. Gusto niyang maglakad-lakad sa labas habang walang init. Kaagad naman na pumayag ang kanyang Nanay. Mas gusto nito na lumalabas-labas rin siya. Lagi raw kasi siyang nagkukulong lang sa kuwarto.

"Leia!"

Ilang hakbang pa lang ang layo ni Leia mula sa gate ay narinig niya ang boses ni Ross. Nasa likuran na niya ang lalaki paglingon niya. Hindi pala siya nagkamali ng dinig, binati talaga siya ng Bad boy kanina. Ano kayang nakain nito at kinakausap na siya ngayon? Maganda ang naging epekto ng lagnat?

"Saan ka pupunta?"

Hindi nakasagot si Leia. Wala naman talaga siyang pupuntahan sa labas. Maglalakad-lakad siya dahil gusto niyang makita si Ross at tanawin tuwing dadaan ang lalaki sa tapat niya. Paikot-ikot lang naman kasi ang bisikleta sa kalye nila.

"S-Sa ano...sa bakeshop. Bibili ng pandesal."

Nasa labasan pa ng subdibisyon ang bakeshop, ilang hakbang bago ang main road ng siyudad.

"Maglalakad ka lang? Ang layo pa ng bakeshop."

"Walking exercise."

"Bukas ka na lang mag-walking exercise. Ibibili na lang kita."

Diary ng Maganda [Leia's Diary Sequel]- PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon