IKATLONG araw sa isang linggong ibinigay ko sa sarili, nangangalahati na ako sa Diary project. Tatapusin ko iyon bago dumating si B. Kung kinakailangang hindi na ako matulog ay gagawin ko.
Binalikan ko ang mga natapos kong entries at articles.
And Diary ko at ang Bad Boy
Ang entry sa Diary na Meah na nagsasalaysay ng hirap na tinitiis ng babae sa eskuwelahang pinapasukan. Walang kaibigan si Meah, inaapi ng lahat, ang muse sa lahat ng klase ng pambu-bully. Ang diary lang ang kakampi ng babae, ang tagasalo ng lahat ng bigat na nasa dibdib.
At hindi nag-iisa si Meah sa ganoong sitwasyon...
"Babasahin ko at ipagkakalat sa buong St. James ang laman ng Diary! Gusto mo, Leia?"
"Ross. Ross na nga!"
"Mag-sorry ka na tinawag mo akong manong."
"Kailangan pa 'yon?" reklamo niyang napasimangot, nakatitig siya sa Diary na mahigpit na hawak nito.
"Ang guwapo ko para tawagin lang na 'Manong'. Nasaktan ako."
"Para manong lang, eh..."
"Hindi ka magso-sorry?"
"Sorry, Manong—Oy, sandali!" napahabol si Leia nang bigla na lang tumayo si Ross at naglakad palayo dala ang Diary niya. Mabilis siyang sumunod. Sa takot na kumalat ang sekreto niya ay yumakap siya nang mahigpit sa baywang ni Ross para tumigil ang lalaki sa paghakbang—nangyari nga, lalo niyang hinigpitan ang yakap.
"Ross na. Ross na! Please, ang Diary ko."
Hindi umimik si Ross, parang posteng yakap niya.
"Sorry na! Sorry, Sir! Sorry, Master, Kamahalan, Boss! Sorry na nga!"
Hindi pa rin umimik ang lalaki.
"Sige na naman, oh? Sorry na..."
"Mag-sorry ka kasama ang pangalan ko."
"Sorry...Ross, please, ang Diary ko!"
"Ang higpit ng yakap mo, o!"
"Ayaw mong ibigay ang Diary ko, eh."
MARIIN akong pumikit. Hindi na normal ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, bawat buklat ko sa Diary ni Meah ay isang harang ang nawawala. Panipis nang panipis ang pagitan ko at ang kinatatakutan kong makita. Halo-halo na ang pakiramdam ko. Bakit tila iisa ang kuwento namin ni Meah?
Parehong-pareho rin kami ng pinagdaanan. Ano na kaya ang buhay ng babae sa kasalukuyan?
Sa mga sumunod na entry ni Meah sa Diary ay ikinukwento na ng babae ang gumagandang friendship kay Sir Pangit, ang pangunahing tauhan sa Diary.
Nagpatuloy ako sa pagbuklat—mga ordinaryong araw na naglalahad lang si Meah ng pang-araw-araw na ginagawa sa school at sa bahay. Karamihan ng setting ay sa eskuwelahan. Sa dulo ng halos sampung entry ay nakasulat in red ink ang: Skip. Go to the next page.
Nagpatuloy ako sa pagbuklat, hinanap ko ang kasunod na entry na wala ang red ink instruction ni B.
Dear Diary,
Ang Bubog at First kiss ko.
Bigla kong itiniklop ang Diary ni Meah. Parang gripong nabuksan ang eksenang pabalik-balik sa isip ko. Ang eksena noong nag-dinner kami ni B na halos hindi nagpatulog sa akin. Ang eksenang kahit sa isip lang ay awtomatiko ang epekto sa pintig ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Diary ng Maganda [Leia's Diary Sequel]- PREVIEW
RomanceNOTE: UNEDITED version Sa Dear Beautiful, ako si Venusa. Kilala ng online readers bilang witty and sarcastic lady-adviser na walang pakundangan kung magtapon ng masakit na katotohanan sa mga diary entry-sender. Iisa lang naman kasi ang problema ng m...