Ten

1.1K 49 0
                                    

Dear Diary,

Shower.

May lagnat ako ngayong gabi. Hindi ako nakapasok sa School kaya nagpunta si Nanay para kausapin ang Class adviser namin. Kasalanan ni Sir Pangit. Nag-asaran na naman kami kahapon. Napikon siguro, bigla na lang akong hinila sa loob ng banyo, itinapat niya ako sa malakas na buhos ng shower! Ang sama 'di ba? Pero hindi naman niya alam na masama na ang pakiramdam ko nang araw na iyon.

Nilagnat ako. Sa unang pagkakataon, napagalitan ni Nanay si Sir Pangit. Inaasahan kong sasagot-sagutin ni Sir Pangit si Nanay, mali ako. Hindi umimik ang loko. Hindi sumagot nang kahit isang salita. Tinanggap niya lahat ang mga sinabi ni Nanay. Pagkaalis ni Nanay para pumunta sa eskuwelahan, nagulat ako sa biglang pagpasok ni Sir Pangit sa silid ko. Masama ang pakiramdam ko, hindi ko kayang makipag-away kaya tinalikuran ko na lang siya. Akala ko, sa akin niya ibubunton ang mga hindi niya nasabi kanina kay Nanay, na sa akin niya ilalabas ang inis niya—mali na naman ako. Walang ginawa si Sir Pangit. Hindi rin nagsalita. Naupo lang siya sa may paanan ko at pinagmasdan ako.

Ang tagal niyang nasa silid ko, tahimik lang, para bang binabantayan ako.

Nag-aagaw antok na ako nang maramdaman ko ang palad ni Sir Pangit sa noo at leeg ko. Napadilat ako, agad na pinalis ang hawak pero hinuli niya ang kamay ko. Nagulat ako sa mahigpit niyang hawak. Hinila ko ang kamay ko pero hindi binitiwan ni Sir Pangit. Naupo pa siya sa may ulunan ko!

Nakatulog akong hawak ni Sir Pangit ang kamay ko.

Nakita ko na lang ang sarili ko na yakap-yakap ni Sir Pangit, ibinubulong niya ang 'sorry' at 'magpagaling' ka—ESPIP Day 10.

Meah

June 16, 2009



JUNE 16. Shower.

PILIT ko mang pigilan ay awtomatikong binuhay ng entry sa Diary ni Meah ang eksena sa isip ko. Gusto kong tawagan si B at itanong kung bakit ang laman ng Diary ni Meah ay mga eksenang mismong kinatatakutan ko, ang mga eksenang hindi ko gustong balikan dahil hihilahin ako pabalik sa nakaraan. Nakaraang bumuo sa aking pagkatao ngunit parehong nakaraang hindi ko na maibabalik pa anuman ang gawin ko.

Pero ayokong marinig ang boses ni B...



Malakas ang buhos ng shower. Bumabagsak ang lahat ng tubig kay Ross na nakaupo sa tiled na sahig at yakap ang sarili.

"Sir Ross?!" shocked si Leia. Hindi siya makapaniwalang ang lalaking tila walang kahinaan, ang lalaking kung itaboy ang lahat sa St James ay parang mabubuhay mag-isa, ang lalaking walang emosyon ay ang parehong lalaking nakikita niya ngayon sa ilalim ng buhos ng shower, animo ay lost child na lamig na lamig at naghihintay ng isang taong sasagip at maghahatid rito sa isang ligtas na tahanan.

Wala sa bahay ang Nanay ni Leia nang araw na iyon. Iyon ang araw nang pagluwas ng ina niya sa Maynila para sa regular na pakikipag-usap kay Tita Amelia. Masyadong abala ang ginang kaya ang Nanay ni Leia ang pinaluluwas nito sa Maynila para kunin ang lahat ng kailangan para sa susunod na buwan.

Sa St. James pa lang ay hinahanap na ni Leia si Ross. Hindi niya nakita ang lalaki sa mga paborito nitong lugar sa School. Hindi sila magkaibigan at magaspang ang trato nito sa kanya kaya hindi maintindihan ni Leia kung bakit nag-alala siya nang hindi niya nakita sa paligid ang lalaki.

Pagkatapos ng huling subject ni Leia ay hinanap pa rin niya si Ross pero wala talaga. Sa school parking area siya huling pumunta. Nang makita niyang wala roon ang kotse ay dumiretso na siya sa bahay. Nakahinga si Leia nang maluwag nang pagkauwi ay nakita niyang nasa garahe na ang kotse ni Ross.

Diary ng Maganda [Leia's Diary Sequel]- PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon