Two

2.2K 62 10
                                    

Leia?

Maria.

Umiiyak ka na naman?

Napapagod ako.

Lagi naman. Sa ganitong oras kapag nag-iisa ka.

Nahihirapan ako.

Narinig ko na yan. Maraming beses na.

Hindi niya alam.

At hindi mo gustong malaman niya?

Gusto ko nang tumigil.

Sinasabi mo lang 'yan. Sumisige ka pa rin pagkatapos mong umiyak, hindi ba?

Nasasaktan ako.

Lahat ng tao nasasaktan.

Pagod na ako.

Lagi ka namang pagod.

Ano'ng dapat kong gawin?

Nilalamig siya. Hindi mo man lang bibigyan ng kumot?

Hindi, ayoko.

Natatakot ka?

Okay na ako. Nagbago na ako. Nagawa ko nang tama ang lahat.

Hindi ka babalik sa dati sa simpleng pag-aalala sa kapwa.

Ikaw ang babaeng 'yon, hindi ako.

Hindi babalik sa dati ang lahat sa isang beses lang na hahayaan mo ako sa gusto kong gawin.

Natatakot ako.

Hanggang kailan? Gawin mo na. Hindi ba ito na ang buhay mo? Ang ginusto mong buhay?

Hindi ko ito pinili.

Pumayag ka.

Nawalan ako ng pagpipilian.

Hindi, ginusto mo rin. Ginusto mo...kaya nga pinili mong patayin ako.



TUMULO ang mga luha ko sa gitna ng katahimikan ng hatinggabi. Nakaupo ako sa isang sulok ng malawak na sala ng bahay ni Lolo Jose, nakatitig sa nag-iisang magandang tanawin sa lugar na iyon, ang three-seater sofa at SIYA. Kung hihinto ang mundo sa pag-ikot, magbabago ang lahat ngunit hindi. Hindi titigil ang pag-ikot ng mundo para sa akin. Ako ang kailangang sumabay sa patuloy na paglipas ng oras, ng araw, ng buwan at taon.

Tuloy ang buhay ko...

Dear Beautiful,

Tell me, please! How do I unlove Piolo—oh, not the actor—Paolo, my bestfriend.

BNDCNB(Bestfriend Na Di Crush Ng Bestfriend) 2013


KUMUSTA naman, BNDCNB? Sumasabay ka pa talaga sa napakahabang listahan ko ng mga LOVSIBE—LOVe-SIck-BEstfriend. Tsk! Gasgas na entry, tulad ng gasgas na sitwasyon ng maraming bestfriend sa mundo. Mga bestfriend na di crush ng bestfriend nila. Mga bestfriend na BRILA—BRIdge Lang. Mga bestfriend na SATUVA—SAwi TUwing VAlentine's dahil ka-date ni bestfriend ang crush or girlfriend niya. Mga bestfriend na TASA at TANGA—TAkbuhang SAwi at TAgapayong NGAnga!

Ouch.

Ang sakit 'di ba? Ang sakit pero totoo. Realidad ito ng maraming bestfriend sa mundo. At hindi madaling laklakin ang realidad na 'yan, tama?

Diary ng Maganda [Leia's Diary Sequel]- PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon