|| 6 ||[Revised]

1.8K 57 6
                                    

Chapter Six; Long Shot

It has begun. Ang totoong boss fight ay nagsimula na nga. Muling umungol ang malaking halimaw na ito sa harapan namin. Ang tatlo nitong ulo ay naglabas ng sapat na lakas ng pagsigaw para tumilapon kami patungo sa nakasaradong pintuan ng boss room.

Dahil doon ay agad na nabawasan ng 15% ang hp ko, which is already a big amount of points considering how dangerous this monster could be.

Ang malalaki at malalapad nitong mga braso ay iwinasiwas niya sa ere sabay ng unti unti niyang pagbent ng kaniyang likuran at pagsuntok ng paulit ulit sa kaniyang dibdib habang sumisigaw ng may napakalakas na tinig, sapat upang payanigin ang kabuuan ng kwartong kinalalagyan namin ngayon ng kasama ko.

Nagngingitngit sa inis at takot kong pinilit na tumayo sa pagkakatilapon ko kanina at ganoon din naman ang agad na ginawa ng kasama ko na mukhang naghihintay lamang sa kung ano ang aking gagawin.

Maski naman ako ay hindi alam kung paano lalabanan ang napakalaki naming kalaban, lalo pa nga at wala ring nangyari sa naging aksyon namin kanina ng kasama ko.

Sa totoo lang, medyo pagod na rin ako dulot ng pag-iwas iwas, talon dito, talon doon, at pagsugod at pag-atake sa kalaban na sa huli ay mas magiging malakas papala ng hindi ko inaasahan.

"Level 40..." Bulong ko habang nakatitig dito at mahigpit ang hawak sa sword ko.

Can we really defeat this monster? Sh*t, kung meron lang sana kaming kasamang Archer, kahit paano may susuporta samin from afar habang umaatake sa kalaban to serve as a distraction.

"Christa," Agad namang napatitig saakin ang kasama ko, habang nakatuon lamang sa kalaban namin na nasa ganoon paring posisyon hanggang ngayon ang aking pansin, isang naduduwag na eskpresyon ang matatagpuan sa mukha ko. Gayunman, we need to face this---no, kailangan naming tapusin ang nasimulan naming ito. "I will be needing your help"

Huminga muna ako ng malalim bago tinignan ang kasama ko, with a small smile plastered on my face this time. "Meron akong gustong subukan."

"First, susubukan kong agawin ang atensyon ng kalaban by dashing and attacking it head on." Saglit akong tumigil sa pagsasalita at saka naging seryoso ang itsura ng aking mukha. "And then, I want you to use your slash skill to slice off one of its heads. Kailangan nating madisable kahit na dalawa man lang sa mga ulong yon, then we'll go for the arms."

"Got it." Tugon naman agad nito.

Christa's Point Of View

"Got it" tugon kong agad ng marinig ang kabuuan ng plano ni Steven. Alam kong napakadelikado ng plano niyang ito, pero we do not have any other choices right now.

Nasa gitna kami ng battlefield at may nakalaban kaming hindi namin inasahan na magiging ganito pala. I should have known better.

Mabilis na sumugod si Steven papunta sa malaking beast na iyon na agad rin namang naalarma sa paggalaw ng kasama ko at nagsimula na ring kumilos papunta dito, dala dala ang malaki nitong katana sa kaniyang kaliwang braso.

Napansin kong umilaw ang blade ng sword ni Steven as he took a small step back bago nagpakawala ng isang skill sa katawan ng boss, nadaplisan naman ang tiyan nito dulot ng pag-atake na iyon ni Steven.

Fantasy Burst Online [ HIATUS ]Where stories live. Discover now