Chapter 36: Tenebrae.
Third Person's Point Of View
Countless number of monsters could be found amidst the field brushed with thick pine trees and bushes. Sa kalagitnaan ng kakahuyan ay nagtitipon ang mga grupo ng mga players na may mga dalang kaniya kaniyang sandata. Bawat isa sa kanila ay abala sa magaganap na labanan, sabay ng muling pagdidilim ng paligid.
It was exactly like the first wave, ng unang naranasan ng mga players ang nakakahindik na pagdidilim ng langit. Kahit na anong lebel pa ang kanilang mga Vision skills ay wala itong panama sa matinding kadiliman na muli nanamang bumalot sa lugar na pagdadausan ng laban.
Kanina pa nawala ang tinig ng lalaking naglagay sa lahat ng mga players sa posisyon na ito ngayon, at walang habas parin sila sa paglalarong ginagawa sa mga natitira pa sa loob ng FBO. Gayunpaman ay hindi pa rin maiaalis sa mga katulad ni Steven ang pangamba para sa mga buhay nila, lalo pa nga at hindi nila inasahan na ngayong araw pa ito magaganap.
It was a rather peaceful morning that day, after Steven had a talk with the masked woman who was drunk last night. Maaga siyang nagising at bumangon sa kama para sana mag-ikot ikot, maghanap ng pansamantalang magagawa habang tulog pa ang mga kaibigan niya.
Hindi niya inaasahan na sa pagtapak niya sa labas ng building na inookupa ng L.E.K.ay may magaganap na magdidikta ng magiging takbo ng araw na iyon para sa mga natitira pang manlalaro sa loob ng FBO.
Mabilis na nagsisuguran ang mga monsters na may iba ibang uri at laki patungo sa kinatatayuan ng mga players. Sa pangunguna ng mga lider ng bawat isang natitirang mga Guild ay sumunod rin sila sa pagsugod sa mga ito, sabay ng isang malakas na sigaw.
A large group of elf-like creatures rushed through the fields they were in, carrying their very own weapons as the players closed in and began an assault. Matitinding mga pag-atake ang pinakakawalan ng bawat isa sa kanila, sapat upang mabilis nilang mapatumba ang mga kalaban sa kanilang panig.
Lorcan was fast enough to impale one of the elves with his broadsword, whilst his shield was covering enough area so that he could parry anyone else coming to attack from his side. Isa muling malakas na paghiyaw ang pinakawalan niya pagkatapos ng isang malawak na pagwasiwas ng kaniyang espada na nakalikha ng isang malakas na atake in a wide range around him.
" Knights, Charge! They're nothing against us! " he yelled, catching the attention of many other players that surrounds him. " Fight, fight till the last of these motherfuckers are gone! We will win this fight! "
Isang ngiti ang namutawi sa labi niya ng sabay sabay na humiyaw rin ang mga kaguild-members niya. Mas lalo naman iyong ikinagana ni Christa na lumaban, habang abala sa pag-iwas sa mga atake ng isang matangkad na mala-punong kalaban niya. Hindi kalayuan sa kaniya ay ang Arcanist na kagabi lang ay kausap ni Steven sa may balkonahe ng Guild hall. Mabilis nitong winawisas ang sariling sandata na nagpalipad ng tatlong dilaw na pana patungo sa kalaban niya. Isang hiyaw ng pangalan ng skill na ginamit ang narinig niyang lumabas sa bibig nito, sabay ng pagtama at pagsabog ng atakeng pinakawalan sa kalaban into volts of lightning.
Nasilaw man ay kaagad na lumundag ang dalaga paharap, patungo sa naturang kalaban at walang pag-aalinlangan niya ring iwinawisas ang sariling sandata na nakalikha ng isang pababang arko ng pag-atake. It slashed the tree monster from top, to the center of its trunk, and it howled in pain. Mabilis itong nabasag at nawala, na hindi nag-iwan kahit anong bakas man lang.
YOU ARE READING
Fantasy Burst Online [ HIATUS ]
Science FictionIn the world of new beginnings... World of new generations... Where fantasy and adventure comes true Hold on your burning passion, test your might and be the strongest player ever to exist! What are you waiting for? Don't miss this chance to show th...