|| 9 ||[Revised]

1.4K 41 2
                                    

Chapter Nine: Transfer

The day went on. Maayos naman ang practice namin this morning, maging ang pagsisimula ng klase afterwards. Malaki ang pasasalamat ko na walang sinuman ang nanguwestyon sa halos 2 linggo kong pagabsent, na siguro ay si Dad na ang gumawa ng paraan for me. Everything ran smoothly, at hindi ko rin ipagkakailang namiss ko ang ganito.

Ah nakalimutan ko palang sabihin na nasa loob pa ako ng classroom. Maybe philosophy is not my favorite class, pero dito ako pinakakomportable kumpara sa lahat ng klase ko. Maybe because it is my last period for the day? Maybe because I'm hungry and waiting for one more hour before lunch is fine? Ewan, basta komportable talaga ako rito.

"Alright Class, please magreview tungkol sa topic natin today. Meron tayong long quiz tomorrow" pahayag ni Miss Torres (ang pinakapaborito kong professor sa lahat ng meron ako this semester) na nakapagpabalik saakin sa katinuan. Napakabait kase niya, mahinahon at... sadyang magaling magturo. She explains everything briefly, kaya naman talagang there is no way a student wouldn't learn a thing or two from her class by the end of the semester.

Mabilis namang sumagot ng "yes Miss Torres" ang mga classmates ko na ikinangiti ng aming guro as she picked up her books from the teacher's table and made her way to the doorway palabas ng kwarto na nasakto naman sa pagtunog ng bell na nagsisignal na tapos na ang kalahati ng aming klase for today.

Habang inililigpit ko ang mga gamit ko sa bag, may isang lalaki ang lumapit saakin at tinapik ang balikat ko to catch my attention. Mabilis naman akong napatitig sa naturang lalaki na may itim na itim na buhok na nakaayos ng formal and hazel eyes na kay sarap titigan dahil sa totoo namang bumagay rito ang kulay ng mata niya. Isa pala itong Student Council Officer ng campus namin base sa wrist band na nakasuot sa kaliwang kamay nito. Officer Sebastian Lucas Abrenica from Business Ad.

"Ahm, what can I do for you?" tanong ko dito saka itinigil ang pagaayos ko ng gamit at deretsong napatitig sa kausap.

"Hinahanap ka ni Mr Lopez sa office niya. ASAP" sagot naman nito na nakangiti, showing his pearly white teeth na parang wala ng bukas. Gayunman ay napaangat parin ang kilay ko sa sinabi nito while replaying what he just said inside of my head. Bakit naman ako bigla biglang ipatatawag ng principal ng ganon? Wala naman akong maalalang record sa Guidance office or what?

"Huh? Bakit naman ako hahanapin ni Mr Lopez? hey! You can't just drag me--"

"Basta, bawal ang reklamo." sabi pa nito habang literal na hinihila ako palabas ng kwarto sa collar ng suot kong uniform kaya medyo nasasakal ako at nakakaladkad pababa ng hagdan at hallways patungo sa kabilang building ng campus kung saan makikita ang offices ng bawat staff members ng school maging ang Student Council.

Mga titig ng kapwa namin estudyante ang bumumgad saamin sa bawat palapag na madaraanan namin at tila gulat ang rumehistro sa mga mukha nila, lalo na ng magsimula na akong magsisisigaw dahil talagang nasasakal na ako. Ah nakalimot pala akong magsabi na isa akong miyembro ng Student Council dito. Yes hindi ka magkamali ng nabasa, pero hindi ko muna sasabihin ang posisyon ko. Hulaan mo na lang.

"Aish Kaya ko namang maglakad no. I have legs and feet too!" maktol ko habang patuloy lang ang lalaking to sa pagkaladkad sa akin. Nakakahiya na parang pimagbubulungan na kami ng mga estudyante sa paligid dahil sigaw na ako ng sigaw hanggang sa makarating na kami sa elevator na magdadala saamin sa aming destinasyon, ang opisina ng Principal.

Fantasy Burst Online [ HIATUS ]Where stories live. Discover now