|| 34 || [Revised]

487 14 0
                                    

Chapter 34: The Test


Third Person's Point Of View

"Jeoffrey" muling pagbibigkas ng pangalan ng binatang ito na may magulong itim na buhok ang pangalan ng imbentor sa kaniyang harapan na halatang nanginginig sa takot sa simpleng pagtayo lamang sa opisina na ito.

Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan at nakapamulsang naglakad patungo sa naturang imbentor na hindi parin nawawala ang ekspresyon na nasa mukha nito na lalong ikinanginig ng mga tuhod ng binata sa kaniyang harapan na kaagad na lamang na umiwas ng tingin; umiiwas na lang sa mga titig niya. Ikinatawa naman niya ito, Lalo na ng kaniyang makita ang takot sa mga mata ni Jeoffrey sa likod ng salamin niya.

"You're still afraid of me..." Bulong niya dito ng makalapit na at makita ng harapan ang napakagandang expresyon ng mukha nito. Halo halo ang takot, kaba, at may kung ano pa siyang nakikita dito na hindi lang din niya maipaliwanag. What could it be? "I told you, I won't hurt your family as long as you follow my instructions, right? In fact, I am providing you with cash, something YOUR boss won't be able to continue giving you after all the shame the company is going through."

"O-oo naman, t-tama ka naman..Axel." kaagad naman na tugon ng huli, takot na baka sa simple niyang hindi pagsagot sa tanong nito ay magalit ito at tiyak niyang hindi magiging maganda ang kalalabasan niyon. Ang pinakakailangan niya ngayon dito ay ang tiwala ng lalaking ito, Isang malaking tiwala hindi lang para sa kaniyang sariling buhay o sa pamilya niya, kung hindi ay para na rin sa kumpanya na hindi man niya aminin ay napakalaki ng naitulong sa kaniya, at sa bagay na gagawin niya para dito. "S-syempre naman."

Isang pagtango naman ang kaniyang nakuha mula sa kausap na patuloy na naglakad patungo sa gilid niya, at pagkatapos ay sa likod naman as if he was trying to search for something. Kung ano man iyon ay hindi niya alam, at takot din naman siyang magtanong dito at baka magalit lang ito sa kaniya, na hinding hindi niya gustong mangyari ngayon. Ilang sandali lamang at naramdaman niyang naglakad na pabalik sa kaniyang upuan si Axel at muli nanamang nagsasalin ng alak sa kaniyang baso, Isang nakagawian na nitong gawin tuwing maguusap sila ng binata.

Sa kaniyang pagtitig sa pigura ng lalaki na nakaupo sa upuan nitong nakaharap sa kaniyang mesa na punong puno ng mga papel ay patuloy niyang kinumbinsi ang sarili sa kung bakit nga ba siya nandito ngayon. Pinilit niyang ipaintindi sa kaniyang sarili na wala lang din siyang ibang paraan upang makaalis sa mahigpit nitong hawak sa kaniya.

Kung sasabihin niya sa mga otoridad ang ginagawa ng lalaking ito ay hindi rin naman siya pakikinggan ng batas lalo na at wala namang batas pa ang bansang ito na naipapatupad tungkol sa bagong tuklas na VRMMORPG. Kung sakali naman na siya ay magsumbong sa kaniyang amo ay wala rin namang mangyayari at mapapalayas lang siya siguro nito dulot ng problemang idinulot niya sa kumpanya.

Mawawala ang tiwala nito na matagal din niyang binuo sa kaniyang pagtratrabaho sa ilalim nito. That alone, is a fate worse than death.

"So, what's new?" Tanong rito ng kaniyang kasama sa kwartong iyon na nakapagpabalik sa kaniya sa katinuan. Tinitigan pa niya ng matagal ang lalaki sa harapan niya habang nag iisip ng maaari niyang gawin ngayon para maisalba hindi lang ang sarili, kung hindi ay pati na rin ang kaniyang pamilya at ang kumpanya. Isang pagtikhim mula kay Axel at napailing iling siya ng ulo sabay ng pagtanggi sa kaniya.

Fantasy Burst Online [ HIATUS ]Where stories live. Discover now