|| 26 || [Revised]

669 21 0
                                    

Chapter 26: Mask


Third Person's Point Of View

Nagkakatipon ngayon sa paligid ng tower na kinalalagyan ng malaking holographic screen na iyon na kung tswagin ng mga players ay 'timewave' ang lahat ng naglakas loob na magsipagtaas ng mga sandata at kasamang lumaban sa mapanghamong 'wave' na maaaring dumating ano mang oras mula ngayon.

Wala na ang mga kampong itinayo nila roon for the night at ngayon ay nakatayo na lamang sila doon at naghihintay ng oras; ang takdang oras ng pagdating ng kanilang pinaghandaang laban sa mga nakalipas na linggo.

Matatagpuan ngayon ang mga players na nakapila ayon sa kani-kanilang mga grupo. Ang bawat maliliit na parties ay natatabunan ng malalaking dami ng players sa mga guild, lalo na sa tatlong pinakakilalang guild sa lahat ngayon, ang L. E. K., o League Of Elite Knights, ang Dazzling Prestige na sinasabi namang mortal na katunggali ng L. E. K. sa halos lahat ng aspekto at ang Robust Punks na siyang pumangatlo naman sa may pinakamaraming hunters bilang members.

All of them were wearing a designated clothes and armory with the symbol of their guilds kung kaya naman madaling malalaman kung saang grupo nabibilang ang sino.

Lorcan was in front of his guild, his enormous shield in front of him kung saan matatagpuan ang malaking simbolo ng kaniyang guild, isang pulang krus na ang tuktok ay tila isang handle ng sword. Behind him was divided in three lines his guild members dressed in similar fashion as him.

Hindi naman kalayuan sa kanila ang guild ng Robust Punks, and guild na siyang pumapangatlo naman sa may pinakamaraming bilang ng hunters as guild members, wearing red clothes topped with crimson armour. Karamihan sa kanilang mga members ay WarMasters, wielding large weapons strapped to their backs. Their leader, Killian and his right hand Yelena were standing in front of them, a proud smile plastered on their lips.

Sa kanilang banda naman ay matatagpuan ang Dazzling Prestige guild, bearing their black and white uniform. They were wearing black crowns, a symbol of their guild. Ang kanilang leader, Kane has an stoic expression on his face habang nakatayo ito sa harapan ng guild nila, with his members standing close to him.

Ang presensya ng dalawang pinakamalalakas na mga guilds sa iisang lugar na iyon ay nakakapagpataas ng pressure na namumuo sa paligid ng tower na kinalalagyan nila. Gayunman ay hindi parin maipagkakailang malaki ang tsansa ng lahat na manalo sa malawakang laban na ito due to their presence here.

Christa scoffed, looking around her through the mask she was wearing. Hindi siya makapaniwala na nandito na sa harapan niya ang araw na pinakahihintay. Deep down, umaasa parin siyang makakausap ang mga kaibigan although it has been a while since they last spoke and she miss them so much now, especially... Steven.

Hindi man naging maganda ang huli nilang pag uusap ay hindi parin iyon sabay na dahilan upang iwasan na niya ito ng tuluyan.

Muli siyang tumingin sa paligid niya, and found a blonde man staring at her, or was it really her? She doesn't know. Kaagad na nag iwas siya ng tingin for a brief moment, hoping the man not too far from their position would finally look away bit they didn't. Sa muling pag aangat ng tingin ni Christa ay nakatitig parin ito sa kaniya, at lalo lamang lumala ang kaba na nararamdaman niya ng dahil dito.

Why am I feeling like this? Who are they? How dare they make me feel this way?

Sa kanilang banda naman ay si Steven at ang grupo niya. He was looking at a certain masked Mystic Knight from the distance, wearing the uniform of L. E. K. Guild. He couldn't tell whether he has seen her already but there's something inside him that tells him yes, na nagkita na sila noon at hindi lang niya iyon maalala dulot na rin ng maskarang nakatakip sa mukha nito.

Fantasy Burst Online [ HIATUS ]Where stories live. Discover now