|| 37 || [Revised]

418 11 0
                                    

Chapter 37: Lapse

Steven's Point Of View

A Huge, Forest Bear.

Nahigit ko ang aking hininga sa nakita. Kanina pa nagsimulang umatake ang mga kasama kong players sa monster na iyon, ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko para gawin din ito. I'm frozen in place, and I don't know why.

Isang malakas na hiyaw ang pinakawalan ng bear na kalaban namin sabay ng pagwasiwas nito ng kaniyang braso, ang dulo ng mga kuko nitong ubod ng talim ay walang pag-aalinlangan na humampas sa mga players na nasa pinakamalapit dito. They screamed, they yelped in pain, ngunit hindi iyon naging sapat upang mailigtas sila sa kamay ng kalaban.

Marami sa kanila ang nangamatay at tulad ng mga nakalaban namin kanina ay nabasag na tila mga salamin lamang. Nangatog ang mga binti ko. Nagpanting ang teinga ko, at natuyot ang lalamunan sa nakita.

“ Steven! ”

Hindi ako makagalaw. Nanatili lang ako sa posisyon ko na para bang estatwa sa sobrang takot na namayani sa loob ko. Is this why I'm fighting to death? Kanina lang... Kanina lang halos abot kamay na naming lahat ang tagumpay.

What happened?

“ Steven! Hey! Steven! ”

Handa na sana akong sumuko, handa na akong itaas ang puting bandera, Ayoko na. Handang handa na akong ibaba ang mga kamay at sabihing hindi na ako lalaban pa, ngunit hindi ko inasahan ang malalambot na mga palad na siyang bumalot at humawak sa kamay ko.

It feels all too familiar.

I know this touch.

It's her.

“ Chris— ” I was wrong. It wasn't Christa, but it's the masked girl from before. Her eyes bore holes on me, her lips looked firm, but her touch against my hand were gentle. What is going on? What is she doing to me?

“ Can you hear me now? ” she asked, her beautiful face contorted into a worried expression. Kitang kita ko ang maalab na pagnanais nitong makatulong sa uri ng paghawak niya sa kamay ko bilang pagpukaw ng aking atensyon. “ We'll need your help. If we don't move now, a lot more people will be.. killed. ”

Lumunok ako ng wala, at pinakatitigan ang mukha ng babae na balot ng suot nitong maskara. Mula sa naging tono ng pananalita nito kanina ay agad kong naramdaman ang pag-aalala na mayroon siya para sa mga players na kasama namin. Hindi naman sa nagyayabang kami, ngunit masasabi ko naman na mas kaya ko, at ng mga taong nakapaligid saakin ang proteksyunan ang mga sarili namin compared to any one else here.

Lumingon muna ako sa kinaroroonan ng mga kapwa ko manlalaro na abala sa pakikipaglaban sa Forest Bear na iyon. Kasama nina Sir Lorcan sina Ash, Eliza, Tristan, at ang iba pa. Lahat sila ay hindi nagpapadaig sa mga takot nila. Pinili nilang lumaban pa.

Anong karapatan kong tumayo lang dito at manood, habang ang mga kaibigan ko ay nakikipagbuno sa malahiganteng katunggali namin?

“ I.. ” bulong ko, na ngayon ay muli nanamang nakatitig sa babaeng nakamaskara na ito. I didn't even get to know her name yet. Hindi ko man nagawang proteksyunan si Christa noon, ay hindi naman ako papayag na maging siya ay mapahamak dahil sa kapabayaan ko.

Fantasy Burst Online [ HIATUS ]Where stories live. Discover now