|| 22 || [Revised]

847 29 0
                                    

The last chapter was a big mess, hope you understand what I wrote there anyway.

Ano ba kayang nangyari kay Christa? Who saved her? Hindi si Steven eh.

- Vultures

----

Chapter 22: Christa

Christa's Point Of View

"W-who are you?" muli kong pagtatanong sa lalaking nasa harapan ko; the one who saved my life back there.

"My name does not matter that much at the moment. What's important is I bring you to safety," wika nito na ikinabuntong hininga ko na lamang. "Come, follow me."

Nagpasimula siyang maglakad deeper into the woods. Muli akong tumingin as dereksyon pinagmulan naming dalawa and contemplated my choices. I barely even know him but he decided to help me out. Kung babalik ako to look for my friends now, there's a huge percentage na maencounter kong muli ang mga monsters back at the City.

I turned to look at my companion who's walking a little faster than me. Wala na rin akong nakikitang dahilan para questionin pa ang mga kilos niya. He just saved my life, I should be glad that he did. I should be, lalo na makakabalik pa ako sa kuya ko, syempre pati na rin sa mga kaibigan ko. I can't afford to die here now.

Heaving a deep sigh, sinimulan ko siyang sundan sa kung saan man siya patungo. We just continued to walk through the forest with trees stretching almost everywhere. Hindi ko na nga makita kung saan kami nagmula kanina.

"So where are we going?" tanong ko rito to break the silence between us. Masyado na kasing makapal ang yelong namumuo sa pagitan naming dalawa.

We stopped in front of a hill, then he spun around and faced me to say, "To a safe place." He said, then pointed to the ground beside him. "Down there."

Sinundan ko naman ng tingin ang itinuro niya at nakakita ng isang trapdoor. Binuksan niya iyon at kaagad akong lumapit sa lagusang nasa ilalim ng trap door na iyon. Taking a final glance at him, bumaba ako sa trapdoor onto the hallway kind of thing down there, na kaagad na nagkaroon ng ilaw as soon as we got there.

Nakita ko namang bumaba rin ang kasama ko sa trapdoor at naglanding sa tabi ko, pulling a string near the wall para magsara ang nasabing trapdoor. Then, nagpasimula siyang muling maglakad sa hallway sa harapan namin at sinundan ko naman siya, tiwalang walang mangyayaring hindi maganda dito.

Tahimik ang pasilyo, nakakapangilabot ngunit buong pagtitiwala parin akong tinahak ang dereksyon na nakalahad na sa harap ko. Thoughts about my friends were circling my head all this time, pero hindi rin naman ako papayagan ng tao na ito na lumabas at hanapin sila. The last thing I need now is to be stabbed by this person dahil lang naging makulit ako.

Soon enough, we reached the end of the hallway which has another pair of doors leading to somewhere else. He produced a key from his inventory and opened the door in front of us that swung open with a loud creek. Pagkatapos ay tumayo ito ng tuwid sa tabi ng nakabukas na pintuan at inilahad ang palad, na kaagad naman ikinataas ng kilay ko.What is he doing?

"After you.. " sabi nito na ikinabuntong hininga ko na lamang just before I started to walk through the door and into the room inside. Mula doon ay nakakita ako ng dalawa pang mga lalaki na parehong nakaupo sa isang sofa. Naninigarilyo ang isa sa kanila habang nagbabasa naman ng parang magazine ang isa na nakadekwarto pa. Mula sa nakikita kong pagkakaupo ng mga ito ay mahihinuha kong nagtungo kami sa base ng mga ito, at ang malala pa noon ay nag-iisa lang akong babae sa isang kwartong mayroong tatlo pang mga kalalakihan.

Fantasy Burst Online [ HIATUS ]Where stories live. Discover now