|| 38 || [Revised]

404 12 0
                                    

Chapter 38: Skirmish

Tristan's Point Of View

Swords clashed with claws, howls upon howls of both players and the enemy is heard all around me. Lorcan of the League Of Elite Knights was at the front, carrying his heavy shield along with him as the group went for another attack.

Kanina pa nang magsimulang umatake ang nakamaskarang babae na iyon at si Steven. Their movement were rather amazing, they were at perfect sync. Gayunman, hindi ko parin magawang ialis ang tingin sa dereksyon niya, at pakiramdam ko kasi ay mawawala siya ulit sa akin if I move my eyes away from her for at least a second. Ewan ko ba, pakiramdam ko ay nakikita ko sa kaniya ang kapatid ko.

Nakita ko kung paano sabay na lumundag ang dalawa ng mataas, at higit lalong sabay silang hinugot ang kanilang mga sandata at nagpakawala ng atakeng kapareho ng kabilang panig. Like I said earlier, these two were in sync.

Mula sa ginagawang pakikipaglaban kanina sa oso ay tumingala si Lorcan ng may ngiti sa labi. Ganoon din ang ginawa namin, habang nakatayo sa may likuran niya.

"That's good work, everyone. " pagpupuri nito sa ginawa namin kani-kanina lang. Ibinaon niya ang dulo ng kaniyang shield sa lupa bago siya nagpatuloy sa ginagawang panonood ng dalawa naming mga kamyembro ng Guild. " We're no longer needed here. "

Isang hiyaw ng pagsangayon ang ginawa namin sa kaniyang tinuran, at Hinayaan na lamang namin ang dalawa na gawin ang kanilang parte sa laban.

From the corner of my eye, I was able to spot the remaining few members of Dazzling Prestige leaving the area, habang nakatayo naman sa gilid ng babaeng kanina pa humihikbi ang mga kamyembro nito sa kanilang guild; ang Robust Punks.

Kung hindi ako nagkakamali ng impormasyon ay magkapatid ang dalawang iyon, si Killian na siyang lider nila, at si Yelena na kanang kamay niya. Kung totoo nga ito, ay hindi ko naiwasang hindi kumirot ang dibdib sa nakita. It reminded me of my sister.

Kumusta ka na kaya, Christa? Are you around? Heh. Alam ko naman na isa kang amasonang babae. It'll be hard to take you down.

Sana nga.

----

Steven's Point Of View

"Flame Wave! " I shouted as I swung my sword upwards, from the base of my feet to the top of my head, releasing a large, arched projectile of burning fire. It traveled the distance between us and this monster, yet it wasn't enough to set them on fire. In fact, if anything, it was only enough to deal a short amount of damage to their HP.

Masama ko itong tinitigan ng marinig ang sunod na sinabi ng kapartner ko. " Duck! " sigaw niya, at mabilis naman akong sumunod. I dropped on my knees and crouched down, sabay ng paglubog ng ulo ko sa harapan, upang maproteksyunan ito sa kung ano man ang binabalak gawin ng babaeng ito.

As if on cue, naramdaman ko ang bigat at bilis ng mga yabag na nanggaling sa likod ko, just as a foot landed straight on my back, leaping up as I readied my palms to boost them further. Ng mapansin niya siguro iyon ay kaagad na tumapak ang kaniyang paa sa mga palad kong balot ng suot kong combat gloves, at ginamit ko ang lakas ng mga bisig ko para ihagis siya pataas.

" Thanks! " sigaw niya saakin pagkatapos, at saka siya sunod sunod at walang humpay na nagpakawala ng mga slashes na sa lalong nagpaungol sa kalaban as the first bar of HP that it got slowly depleted with each slash the masked woman made. Ng matapos ang kaniyang atake ay mabilis ang naging paglanding niya sa tabi ko. Napakaflexible pala niya, at batid kong hindi naman niya ako kailangan sa laban na ito. I think that she can hold her own.

Fantasy Burst Online [ HIATUS ]Where stories live. Discover now