CHAPTER #29

4 0 0
                                    

ELDRIGE PO

' mahal ko mahal na mahal kita '

' mahal din kita mahal ko '

' JUANCHO !!! '

*RINGGGGGGGGGG*

Napabaligwas ako ng bangon dahil sa aking panaginip

" sino ba ang babaeng yun? bakit tinawag nya akong juancho? pati sa panaginip ko? "

Ang dami kong tanong na kaylangang sagutin, nacomatose lang ako ng mahigit kalahating taon tapos may babae na lumapit saakin at sasabihing ako si juancho, sa pagkakaalam ko wala pa ako nagiging girlfriend.

Di ko na lang pinansin nagaayos na ako para sa pagpasok ko, pagkatapos kumain.

" son?? " dad

" yes dad,? " ako

" sa darating na saturday, pupunta tayo sa bahay ng kaibigan ko " dad

Si dad na lang ang kaisa isang nagaalaga saakin dahil namatay na si mama.

Car accident ang kinamatay ni mama at kasama ako doon pero hindi agad namamatay ang masasamang damo kaya ito nabuhay ako.

" yes dad ! " ako

Pagkatapos namin kumain, lumabas na ako para magtungo sa school sumakay ako ng kotse ko.

' marunong ka? '

" what the---"

Sumakit bigla ang ulo ko kaya napahawak ako dito, may imaheng lumalabas sa paningin ko , isang babae at ako?

Paanong ako? sa panaginip ako din?

Ng mawala na ang sakit, sumakay na ako sa kotse at pinaharurot ko na ito, 

" kaylangan kong magtanong sa kanya? " bulong ko.

Hahanapin ko ang babaeng yun para itanong ang lahat!!

SUNNY POV

" absent muna ako" ako

" sure ka? "

" yeah " ako

Ibinaba ko na agad yung tawag alam kung madami silang itatanong kung bakit ako umabsent.

Aabsent lang naman ako dahil ayoko makita si juan-- este eldrige pala nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya kahapo, at may isa pa akong balak puntahan sa museum.

Dali dali akong nag ayus at pupunta sa museum para tignan ulit ang litrato ni juancho.

Pagdating ko hindi na ako sinita ng guard dahil open naman to sa lahat.

Hinanap ko ang pinagtayuan ng litrto ni juancho pero ang nadatnan ko ay ang mga matatanda na litrato ng 1890

Napakunot naman ang noo ko, hinanap ko ang litrato ni juancho ng binata pa sya pero wala akong nakita, kaya nagtanong ako sa mga nangangasiwa doon.

" ahh mam? " ako

" yes?? " 

" saan po yung litrato ni juancho montreal ng binata pa sya " ako

Napakunot naman ang noo nya sa tanong ko,

" mam, wala po kaming litrato ni juancho montreal ng binata pa sya " sya at tinuro ang isang litrato

Laking gulat ko ng si juancho montreal na matanda ang nakikitaka ko ngayon!!

" anong ibig sabihin nito? " bulong ko

Umalis na yung nangangasiwa at naiwan akong nakatulala sa litrato ng isang matanda na si juancho montreal, 

Paanong nangyari yun? bakit nawala ang litrato ni juancho? 

Lahat lang ba ng ito ay isang laro? pinaglalaruan lang ba ako ng nakaraan? ibig sabihin wala talaga akong juancho na nakilala?

Umiling iling ako!! hindi totoo to!! nakilala ko talaga si juancho!! pero bakit iba ngayon? bakit ba ganito?

Napatulo ang luha ko sa aking nalaman,, umalis na ako sa loob museum at dali daling umuwi wala na akong pakiaalam kung makita ako ng mga taong umiiyak ang kaylangan ko lang ay ang makauwi.

--------------
VOTE AGAIN!!!!

PAST TRAVELLER ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon