SUNNY POV
Matapos ang tawanan namin ni isabel, hinila nya ako bigla .
Teka parang alam ko kung saan to papunta ahh.
" may gustong makipagkita sayo " sya habang nakangiti.
" si juancho ba? " ako.
" oo, alam mo bang mababaliw yun sa kakaisip sayo " sya
Napangiti na lang ako ng palihim sa nalaman ko, lubos akong natuwa , pag nakita ko sya yayakapin ko sya ng mahigpit.
Pagkadating namin, agad namin silang nakita, kumaway naman si isabel sa isang lalaki sya ata si lucas nya haha.
Pagkadating ko sa harap nya , nakatulala lang sya na hindi makapaniwala na nakita ako, wala ba syang balak akong yakapin? di ba nya ako namiss?
Di ko na lang sya hinintay yakapin ako, hinalikan ko agad sya, sobrang miss ko na sya, yung dalawa naman umalis .
Mayamaya pa ay niyakap nya ako ng mahigpit at nagrespond sa halik ko, ang lalim ng mga halik namin sa isat isa halata mo sa amin na namiss namin ang isat isa.
Di ako makapaniwala na mayayakap ko pa ulit sya, humiwalay na kami sa pagkakahalik at kiniss na nya ang noo ko, ang gentleman nya talaga.
" paanong nakilala mo si isabel " panimula nya
" nakita nya ako sa ilog, nagulat pa nga ako ng kausapin nya ako, kinuwento na saakin lahat ni isabel " ako
" sorry, mahal ko sorry " sya
" huh?? bakit ka nagsosorry ? " ako
" dahil hindi ko sinabi sayo ang totoo " sya
Di naman ako galit sa kanya, syempre kaylanga pabebe muna konti.
" mahal ko, mahal na mahal kita tandaan mo yan " sya
Shitt!! ang sarap sa tengang pakinggan ang mahal ko ,
" mahal ko?? " ako
" oo mahal ko, tawag ko yan sayo " sya
Ang sweet nya grabe kinikilig nanaman ako, nagulat ako ng bigla nya akong buhatin at dinala sa treehouse, iniupo naman nya ako sa upuan at pinaghanda nya ako ng pagkain.
Yung dalawang lovebirds baka, naggagala.
" kain kana baka magutom baby natin " sya
Pinalo ko naman sya ng mahina sa braso, baby daw? haha tumawa lang sya ng tumawa.
" mahal ko, mahal kita "
Wala na ba tong ibang bukang bibig kundi mahal kita,
" mahal din naman kita " ako
" ehh bakit walang salitang mahal ko, ulitin mo "
Napatawa naman ako, kaya inulit ko na lang bago pa to magtampo.
" mahal din kita mahal ko " ako
Napangiti sya sa sinabi ko, at hinalikan akong muli , halik na puno ng pagmamahal.
" sobrang namiss kita mahal ko, sorry dahil itinaboy kita noon " sya
Hinalikan ko naman sya sa noo ," ok lang yun, tapos na wag nang balikan " sabi ko naman.
Niyakap na naman nya ako ng mahigpit
" mahal ko , kelan ang kasal mo ? " ako sadyang tinanong ko pa eii.
" pag katapos ng buwan na to, pero sisiguraduhin namin ni isabel na hindi matutuloy ang kasal " sya
Sana nga hindi matuloy, dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala saakin si juancho.
Kumain lang kami ng kumain at nagkwentuhan, namiss ko din kasi kumain ng mga pagkain dito ei.
Next time isasama ko na ulit ang kambal para naman makilala nya sina isabel at lucas.
--------------------
THANK YOU
BINABASA MO ANG
PAST TRAVELLER ( completed )
FantasíaSabi nila kapag nagmahal ka masaya pero may kapalit na sakit!!!! Isa ako sa mga nabiktima ng pagmamahal na yan !!!, nagmahal lang naman ako sa isang lalaking nabuhay sa nakaraan ....akala ko happy ending na pero naalala ko isa pala akong babaeng nas...