SUNNY POV
Nandito na naman ako sa mundo ng nakaraan , ewan ko ba kung bakit, ??
Eto nanaman ako patago tago hindi naman kasi ako tagarito baka mamaya may mangharang nanaman saakin, napad pad ako sa isang malinis na ilog habang naglalakad ng patago.
Umupo ako at ibinalandra ko ang mga paa ko sa ilog.
Aaughh!!! nakakarelax ang tahimik tanging mga huni lang ng ibon ang maririnig mo!! ang ganda ng kapaligiran hindi tulad sa kasalukuyan na pinamumugadan na ng lamok at maiitim na usok..
Masagana sila sa pagkain makikita mo naman ang mga pagtatrabaho ng magsasaka , hindi tulad sa kasalukuyan ang mamahal ng bilihin ...
At mukhang mababait din ang mga tao dito, walang wala ang kasalukuyan mg plastikkk!!! mga achusera echusero , chismiss doon chismiss dito, kakaurat na eii!!!
Kakaiba sila manamit , yung iba pormal na pormal,
Nakapikit lang akong nilalasap ang hangin at pinapakinggan ang huni ng mga ibon.
" sino ka ? "
Luhhh!!! sino yun.?? napamulat ako ng mata at tumingin sa likod
Nakita ko na naman yung lalaking tumulong saakin kahapon, gusto ko magpasalamat sa kanya kaso umalis naman sya kaagad kaya ito na ang pagkakataon para pasalamatan sya.
Tumabi sya saakin ng upo at nag indian seat, hindi ako makatingin sa mukha na kasi ang gwapo nya talaga!!
" sino ka ?? " ulit nyang tanong
" ako si sunny!! " pakilala ko sa kanya.
" sunny?? , ngayon ko lang narinig ang pangalan na yan dito " sya
Patay na!!! anong palusot ko?? ibahin ko na lang kaya ang usapan
" ikaw ano pangalan mo ? " tanong ko kahit alam ko na ang pangalan nya
" juancho " sya
" ahhhh!!! " ako na patango tango pa,
" saan ka galing?? " sya
Eto na naman po tayo sa tanong nya !!! di ko naman alam ang isasagot ko ayoko naman sabihin na galing ako sa kasalukuyan
" ok lang kahit hindi mo na sagutin " sya
Nakahinga naman ako ng maluwag, hayy salamat naman!!!
Nakaupo lang kami dito hindi nagiimikan , tinititigan ko lang sya habang sya nakapikit, gwapo talaga sya matangos na ilong mahabang pilik mata at magandang mga labi parang ang sarap halikan
dug, dug ,dug
Hala kinabahan ako sa mga sinabi ko sa isip ko
" alam kung gwapo ako !! " sya kaya napaiwas agad ako ng tingin , jusko mahangin din pala
Tapos bigla syang tumingin saakin ang ganda ng mga mata nya , nakakaakit tignan
" alis na ako! " sya
Walang ju naman aalis na agad , hindi pa nga kami nakakapag usap ng ayus eii
" kita na lang tayo dito bukas , hihintayin kita " sya
Ako naman itong napanganga sa sinabi nya, ako hihintayin nya bukas ?? sigurado ba sya??
Tuluyan na syang umalis ng hindi man lang ako nakakasalita dahil sa sinabi nya..
" kung ganun babalik ako dito bukas " ako
Pagkaalis nya saka naman ako bumalik sa kasalukuyan.
Nakahiga lang ako dito sa kama ng may maalala ako hindi pa nga pala ako nakakapag pasalamat sa kanya, kaya babalik talaga ako dun bukas.
Nagpahinga na ako at natulog para may lakas ako bukas.
-----------------
- vote and like lang salamat
BINABASA MO ANG
PAST TRAVELLER ( completed )
FantasiaSabi nila kapag nagmahal ka masaya pero may kapalit na sakit!!!! Isa ako sa mga nabiktima ng pagmamahal na yan !!!, nagmahal lang naman ako sa isang lalaking nabuhay sa nakaraan ....akala ko happy ending na pero naalala ko isa pala akong babaeng nas...