CHAPTER #28

4 0 0
                                    

SUNNY POV

Pagpasok ko kinabukasan hindi ko inaasahan ang nangyari, pag akayat ko ng hagdan papuntang second floor ng building namin kung nasaan ang ang room namin binuhusan lang naman ako ng tubig mula sa taas, kaya ayan basang basa ako, tapos pinagbabato pa ako ng itlog e di ang lagkit ko.

Kita ko naman sa kambal ang awa sa mga mata nila, wala silang magawa para tulungan ako

Kaya naman ito ako ngayon sa cr nag papatuyo dahil wala akong extrang damit, di ako lumalabas dito.

May mga babae namang pumasok at naguusap ng malakas.

" alam mo girl, natatawa talaga ako kay sunny na yun "

" ang lakas kasi ng loob na lumapit kay prince charles natin "

Ako pala ang pinaguusapan, so!! sila din ang may saakin kaya ganito ako ngayon.?

" yup!! bagay lang sa kanya yan para magtanda "

Ginagawa nila to para lang sa prince charles daw nila, at isa pa di ako na inform na may mga prinsepe na pala dito.

" hahaha ano sunod na pla--" 

Lumabas na ako ng cubicle, di na ako makakapayag na may sunod pa silang hakbang.

Halata sa kanila ang pagkagulat.

" so kayo pala ang may gawa nito? " ako

Ngumiti naman yung leader ata nila na mukhang clown dahil sa kapal ng make up.

" pano kung sabihin kung kami nga!! " sya na nakasmirk pa

" ang landi mo kasi eii " sabi ng isa pa

Di na ako nakatiis, kaya nasabunutan ko yung pinakaleader nilang mukhang clown, sabihan na nila ako ng kung ano ano , pero yung malandi kahit kaylan wala akong nilandi.

Pinagtulung tulungan nila akong lima sa pagsabunot wala akong nagawa.

Biglang bumukas ang pinto ng c.r at iniluwa nito ang apat na naggagwapuhang lalaki kasama si charles, pero ang nakakuha saakin ng pansin ay ang lalaking nasa huli.

Halos lumundag yung puso ko sa kaba ng makita ko ang mukha ng lalaking yun, kamukha sya ni juancho, napatitig lang ako sa kanya at ganun din sya saakin yung apat naman ayun todo ang papakyut, 

Totoo ba to? o nag hahallucinate lang ako.

" kayong tatlo, kayo na ang bahala sa limang yan, at ikaw sumunod ka saakin? " turo nya saakin

Nakita ko naman ang mata ng lima ang sama ng tingin saakin, at ang tingin ni charles na nagaalala.

Ako naman sumunod lang sakanya, di ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak dahil nakita ko na muli si juancho!!

Nakarating kami sa SCP ( studient council president ) room, at pumasok pagkatapos umupo sya sa upuan na

Ibig sabihin sya ang SCP dito!!? papaanong nangyari na sila ang may ari ng school na to? at papaanong nabuhay sya??

Nakatitig lang sya saakin na wari mo may inaalala, ganun din ako sa kanya, di ko naman mapigilan ang pagtulo ng luha ko bigla na lang akong napaiyak kaya nagulat sya.

Nilapitan nya ako bigla..

" miss, why are you crying ? " sya

Tumigil naman ang mundo ko sa tanong nya, miss??? hindi nya ako naaalala?? how ? tuloy pa din ako sa pag iyak

" j-juancho, di mo ba ako naaalala? " ako

" huh?? ano bang sinasabi mo miss ngayon lang kita nakita dito ? " sya

Humagulhol na ako sa pag iyak, di ako makapaniwala na ang dating minamahal ko ay makikita ko ulit ngayon at ang masaklap di nya pa ako malala.

" juancho ako to si sunny " ako na umiiyak pa din

" sorry miss, hindi juancho ang pangalan ko, ako si eldridge " sya

" pero juancho--- " ako

" sorry miss pero hindi talaga kita kilala ! " sya

Niyakap ko na lang sya na syang kinagulat nya, hindi nya ako maalala pwes ipapaalala ko sa kanya ang lahat.

" hayaan mo lang na gawin ko to sayo " ako

Di na sya nakapalag, pero di din naman nya ako tinutulak!! gusto ko ganito lang kami .

Di ko alam kung paano ko ipapaalala sayo juancho ang lahat, pero gagawin ko ang makakaya ko para maalala mo ako, maalala mo yung dati mong minamahal si sunny!!

-----------
VOTE LANG

PAST TRAVELLER ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon