SUNNY POV
Ng pumasok ako ng monday, binatbat agad ako ng tanong ng kambal, syempre sinabi ko sa kanila ang totoo pero hindi kay arthur.
hindi pa din kasi ako makaget over sa sinabi ni eldrige naalala ako ng puso nya, saya lang!!!!
habang nagkaklase hindi ako nakikinig ito namang katabi ako ayun tulog, hindi ko pa din kasi nakikita si arthur eii hindi ko pa sya nakaausap tungkol doon sa hindi ko pagtupad sa usapan namin.
lumipas ilang oras pero walang pumapasok sa utak ko, ng abutin na kami ng lunch, ganun pa din.
" tara na maglunch di ka ba sasama saamin maglunch? " charles
sasama ba ako o hindi? pero gusto ko makita si juancho.
" sige na nga !!! " ako at sumabay na ako sa kanya papunta sa gym.
naabutan namin ang tatlo na mukhang katatapos lang magpractice at nagpupunas ng pawis, napansin naman agad ako ni arthur kaya napatingin sa gawi ko si eldrige
" sunny, bakit di ka sumipot " sya na nakahawak sa balikat ko.
" a-ahh a-ano nagpunta ako sa korea dahil may kaylangan lang akong asikasuhin " ako, maniwala ka please maniwala ka.
" ahh ganun ba sayang naman saya pa naman namin " sya
napansin ko naman si eldrige na nakatingin sa taas at nakangiti,
" sige kain tayo ! saan mo gusto? " sya
" ahh ano kahit saan na lang " ako
" sige sa bar tayo " sya
bar?? lunch sa bar? astig ahh?
" ehh me ganun?? " ako
" oo, may pagkain doon at isa pa matagala tagal na din kaming hindi nakakapunta doon " charles
ahh?? sige kung ganun, inakbayan naman ako ni arthur at saka naglakad, gusto ko si juancho ang gumagawa saakin nito.
ng makarating kami sa bar, wala naman masyadong tao kasi maaga pa, nagpunta kami sa kabilang gilid at naupo sa couch bali pinaggigitnaan ako nina eldrige at arthur, at nasa kabilang couch naman sina ethan at charles.
" waiter ! " tawag ni charles
agad naman lumapit ang waiter at umorder na sila, inorder na din ako ni arthur treat din naman nya ehh.
nakakaramdam ako ng may sumasagi sa kamay ko napatingin naman ako sa katabi ko dahil bigla na lang hinawakan kamay ko, tago ito sa ilalim kaya walang makakapansin nito, hinawakan ni eldrige ang kamay ko.
kinikilig ako hihihi!!! hindi sya nagpapadaig kay arthur!!!
ng dumating na ang pagkain hinila ko na ang kamay ko sa kanya para magsimula ng kumain gutom na ako eii.
ng matapos kami dumeretso na agad kami sa school dahil malapit na ang class nila at kami naman ang naiwan ni eldrige dahil mamaya pa ang class namin.
nagulat ako ng bigla akong hilahin ni eldrige at kinaladkad papunta sa pataas na hagdan ng rooftop, pagkarating namin sa hagdan bigla na lang nya akong inakbayan at naglakad pataas sa rooftop
ang sarap sa pakiramdam ng ganito, mahal ko pa din talaga si juancho, habang paakyat nakatingin lang ako sa kanya kaya naman di ako nakatingin sa daan at bigla na lang akong natisod kaya napahiga ako at nadala sya.
nagpagulong gulong kaming pababa sa hagdan buti na lang wala pa kami sa kalahati kaya hindi gaanu kataas ang binagsakan namin.
nakadagan lang sya saakin at ako nasa ilalim nya mag katitigan lang kami.
" mahal ko, " sya
napanganga ako dahil nabanggit nya yung inderment namin noon, nataandaan na ba nya ang lahat?
nagulat ako ng bigla na lang nya akong halikan at umiyak , kaya ako napaiyal na din at sumabay sa halik nya.
naalala na ni juancho, naalala na ba nya? kung ganun masaya ako dahil nakakaala na sya, babalik na ba sya saakin
hindi na ako makapaghintay na maging akin sya ulit
-------------------
VOTE LANG!!!!
BINABASA MO ANG
PAST TRAVELLER ( completed )
FantasíaSabi nila kapag nagmahal ka masaya pero may kapalit na sakit!!!! Isa ako sa mga nabiktima ng pagmamahal na yan !!!, nagmahal lang naman ako sa isang lalaking nabuhay sa nakaraan ....akala ko happy ending na pero naalala ko isa pala akong babaeng nas...