Chapter 3: Mall

23 4 1
                                    

~~~~~~~~Klea's POV~~~~~~~~~

Nagising ako ng mapansin kong walang atang katao-tao. Kasi kong meron man edi naririnig ko sana sigawan ng mga yun.

Pero wala talaga eh. Bumangon na lang ako sa pagkakahiga ko sa aking kama at ginawa na ang morning routine ko.

Nakasuot na ako ng pang-alis ko agad. Simple lang naman suot ko eh...naka sweatshirt tapos naka reap jeans at naka snickers lang naman ako.

Pagbaba ko wala talagang tao. Sumilip naman ako sa may living room wala rin sila dun at ang saklap pa wala yung susi ng sasakyan ko. Tae dinala pa nila sasakyan ko 😒😒.

Kaya tinawagan ko agad si Maddie...malay mo ninakaw pala sasakyan ko. Uso panaman ngayon ang carnapping mahirap na.

OA ko noh? Baka kinuha lang nila Maddie😑.

[Hello?] Inosenteng sabi ni Maddie

[HOY MGA TAE KAYO INIWAN NYO KO!]  Sigaw ko

[Antagal mo kaya kanina pa kami naghihintay.] Sabi nya

[EDI DAPAT DI NYO GINAMIT SASAKYAN KO!] Sabi ko

[Wala kaming sasakyang dala kaya no choice kami.] Sabi nya

[Aissshh!! SUSUNOD NA AKO HINTAYIN NYO KO JAN MASASAPAK KO TALAGA KAYO MAMAYA!!] Sabi ko

In-end call ko na baka mabwisit pa ako sa mga yun. Tae pano ako ngayon 😭😭. Di ako marunong tumawid.

Aalis pa ba ako or dito na lang?

Kaya mo yan Klea...fighting!!

-

Kakarating ko lang sa mall. Dahil hindi ako marunong tumawid nag taxi na lang ako. Atsaka first time kong mag-isang pumunta ng mall na hindi nakasasakyan at wala pang kasama.

Asan kaya mga yun?

Nagstay muna ako sa may tabi at tinawagan si Zenny.

[Asan kayo?] sabi ko

[Andito sa may labas ng department store naghihintay sayo kanina pa!] pagalit na sabi ni Zenny

[Geh.] Sabi ko

at in-end call ko na.

Kaya tumungo na ako kung saan sila nagstay.

Ayy tae😑😑

Di ko alam asan ang department store. Ayoko naman magtanong baka kala nila first time ko dito. Alam kong madalas kami pumunta dito pero hindi ako mahilig magtanda ng mga lugar.

Siguro madali lang yun hanapin.

Mga 20 minutes nahanap ko na yung mga yun.

"Antagal mo?" Sabi ni Haziel

"Ba't bawal?" Sabi ko

"Tara na di pa tayo naglulunch...dami ng achuchu." Sabi ni Maddie

At ayun nga nag punta na kami sa isang resto para kumain. Habang naglalakad bigla akong hinila ni Maxine papalapit sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko

"I think andito sila Aaron." Bulong ni Maxine

"Oh?" Sabi ko

"Si Aaron at si Cyril lang naman." Sabi niya

"Si Zace?" Tanong ko

"Wala...ikaw huh hinahanap mo." Asar na sabi ni Maxine

Ayy...kala ko andito rin siya.

Pagdating sa resto ay nag-order na kami. While waiting sa food nag uusap lang sila. Oo,sila lang wala akong sa mood magusap.

Mga ilang minutes dumating na yung food. Kaya kumain na kami. Walang nag imikan at walang nag uusap puro busy sa pagkain.

After namin maglunch naghiwa-hiwalay na kami...ganyan kasi kami pag nasa mall hindi na magkakasama  maglibot-libot syempre iba iba ang mga gusto naming puntahan.

Kaya ako lang ngayon si Maxine nasa national bookstore kasi. Si Maddie nasa arcade kasama ni Zenny. Si Haziel at Cassie naman...ewan basta magkasama yun. Si Kathleen naglilibot lang rin.

San kaya maganda pumunta???

Ayy punta muna kaya ako ng Miniso may bibilhin lang ako. Kaya tumungo na ako dun.

Pagpasok ko sa store hinanap ko agad yung pillow section. Wala lang trip ko lang bumili.

Ang cute ng penguin!!!

Hala si Cassie to hala ba't ka benebenta???😂😂😂.

Makabili nga nito.

Hala😱😱😂😂

Maddie ba't nandito ka rin?? Kawawang rabbit pati ikaw nandito.

Bilhin ko na rin nga toh 😂😂😂.

Pumunta na ako sa may counter at nagbayad sa mga binili ko. Pagkatapos ay naglibot libot na ulit. Wala na rin ata akong pupuntahan eh kaya libot libot na lang ako.

Nandito nga sila Cyril?

Siya ata yun...oo nga siya yun. Nasa may kalayuan siya kaya di niya ako makikita asan si Aaron? Mukhang may hinahanap ata. Ayy nawala...san na yun? I-stalk ko pa ba? Or wag na?

Wag na nga...aiisshh-

"Wahhhhhhhhhhh!!!"

Hala umiiyak yung bata...mukhang nawawala ata.

"Little girl...asan parents mo? Tanong ko

"Waahhhh!! I-i can't find my*sniffs* kuya." Sabi niya

Luh pano yan??

"Okay, let's go find your brother." Sabi ko

Narinig ko namang tumunog yung tyan nung bata...ayy gutom to.

"I'm hungry." Sabi nya

"Sige...kain muna tayo bago natin hanapin yung kuya mo." Sabi ko

"Okay po." Sabi niya at ngumiti

Hindi to usual sa akin. Kasi di ako masyadong mahilig sa bata kasi bata pa ako 😂😂. Pero ang cute talaga nitong batang to eh.

Andito kami sa isang fastfood ngayon. Sabi nya kasi gusto nya daw dito. Nag-order lang naman ako ng fries at burger at ice cream  para sakanya while sa akin frappe lang.

"You know what ate you are so kind." Sabi nung bata while kumakain

"Oh talaga?" Sabi ko

"Opo, at ang pretty nyo po." Sabi pa niya

"Little girl ano name mo?" Tanong ko

"Angel." Sabi nung bata

"Your name suits you very well. Ako naman si Klea. Sige kain ka na jan." Sabi ko

Habang kumakain si Angel meron isang lakaking lumapit sa amin.

"Buti nakita na kita!"

Napatingin naman ako sakanya at nagulat sa kanya...

(o_o)

Aaron??

"Nakita na kita dati diba?" Sabi nya

"Kuya you know ate Klea?" Sabi ni Angel

"Schoolmate tayo diba?" Sabi ko...pero syempre palusot ko yun kilala ko yan eh.

"Oo." Sabi pa nya

While waiting na matapos kumain si Angel nag-usap muna kami. Nakakatuwa rin pala to kausap. At I think mukhang mabait.

Andami kong sasabihin kay Maxine neto mamaya.

************************************

(A/n: Hi guys!! How was it? Sorry sa typos at mga maling grammar. Hndi pa ako masyadong magaling ang aking writing skills kaya pagpasensyahan nyo na 😅😅 . Thank you!!)

VOTE AND COMMENT

Reversed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon