~~~~~~ Maxine's POV ~~~~~~
Isang buwan na ang nakalipas. Wala namang nagbago ganun pa rin naman. Yung gusto ko may gustong ibang babae. Okay lang hindi na rin ako umaasa eh.
Sila Klea at Zace sila pa rin. Buti nga si Klea eh...sila ang nagkatuluyan, I'm happy for her syempre sino bang bestfriend ang hindi magtutuwa kapag nakatuluyan ng bestfriend niya yung taong mahal niya.
Kami ni Aaron?
Mukhang malabo nga eh. Pero sabi daw nila may gusto sakin si Aaron. Pero pagtinitignan ko siya parang hindi naman. Ewan ko ba kung ano talaga.
Hindi na rin ako umaasa...para san pa? Para lang saktan ang sarili ko?
Minsan nga ang gulo niya eh. Minsan palaging sweet...minsan hindi. Ewan ko ba dun.
Anyways nasa bahay ako ngayon. Tuesday ngayon pero walang pasok ano raw kasi may meeting ang mga teachers eh whole day kaya no classes ngayon.
Hindi muna kami pumunta sa bahay nil Klea sabi daw niya wag daw muna. Ewan ko nga dun.
Hapon na ngayon uhmmm...mga 3:39.
*knock knock*
"Pasok." Sabi ko
Tumambad naman si Ate Meg.
"Bakit ate?" Sabi ko
"May gwapong naghihintay sayo." Sabi ni Ate
Gwapo?? Sino namang yun. Wala naman akong inaasahang bibisita sakin.
Di na ako umaasa para sa kanya. Masakit kasing umasa lalo na sa taong di ka naman rin mahal.(=^・^=)
Bumaba na ako para tinignan kung sino ba yung gwapo na sinasabi ni ate Meg.
(⊙д⊙)
"Cyril??"
"Ahh hi Maxine." Sabi niya
Wow san kaya lakad neto Ang gwapo niya ngayon ahh. Pero nakasimpleng suot lang naman pero ang gwapo niya.
"Bakit ka nga pala andito?" Tanong ko
"Magpapasama sana ako sayo...pero kung nakaka-abala okay--"
"Ahh sige sasama ako. Wait lang bibihis lang ako." Sabi ko at umakyat na ako.
***
"San tayo pala pupunta?" Sabi ko
"Ahh sa mall..." Sabi niya habang nagdradrive
Mga isang oras siguro kami sa sasakyan dahil sa traffic. Hindi naman kami awkward kasi close kami di kagaya ni Aaron awkward pa rin.
Nasa arcades kami ngayon. Marami kaming nilaro na games at may prize rin kaming nakuha.
Mga 2 oras siguro kami nandun tapos pagkatapos nun naglibot libot kami hanggang nung mga gabi na nagdinner muna kami. Kaya ngayon nasa isang restaurant kami.
Tapos na kaming mag-order kaya hinihintay na lang namin.
"Thank you pala sa pagsama mo ahh...nag-enjoy ako." Sabi niya at ngumuti siyang.
"Ahh wala yun." Sabi ko
Ang cute niya talaga pagngumiti kaya nga muntikan ko na siyang magustuhan, nung hindi ko pa nakilala si Aaron. Kaya lang nung nakilala ko si Aaron ayun kay Aaron ako nahulog.
Ewan ko nga eh...pero mabait naman si Cyril at gwapo rin pero kay Aaron pa talaga na mayabang at masungit.
Pero ang weird nga eh kasi mabait sa amin si Aaron lalo na kay Klea. Pero pagdating sa akin hindi masyado. Snober nga eh... ang GGSS. Porket gwapo ganyan na ugali...tsk tsk.
"Ito na po yung order niyo." Sabi nung nagserve sa amin ng food
After ilagay yung food sa table ay kumain na kami. Tahimik lang kami busy kasi kami sa pagkain eh masarap kasi yung food na in-order ni Cyril.
After namin magdinner dumiretso na kami ng parking lot at sumakay sa sasakyan. Medyo gabi na rin. Sabi daw ni Cyril hahatid daw niya ako. Nag-enjoy naman ako masaya kasi kasama to si Cyril tapos mabait pa.
Wait...ibang way to ahh...hindi to papunta ng bahay namin ahh.
"Cyril kala ko uuwi na tayo?" Tanong ko
"May pupuntahan tayo." Sabi niya
Kaya tumango na lang ako. Bigla namang may nagmessage sakin kaya tinignan ko.
Klea
Balita ko may date ka...ayiee.
Ayy wow pano niya nalaman...wait date?? Nahihibang na ata tong babaeng to. Kaya tinext ko ulit.
Baliw...nagpasama lang si Cyril.
Sent.
"Nandito ba tayo." Sabi ni Cyril
Sa park?
Bumaba na ako ng sasakyan pati na rin si Cyril. Humanap kami ng magandang spot para dun kami magstay.
Umupo muna kami at tinignan yung magandang view.
"Ang ganda dito." Sabi ko
"Oo nga eh..." sabi niya
"Alam nag-enjoy akong kasama ka." Sabi ko
"Maxine." Sabi niya ng seryoso
"Bakit?" Tanong ko
"If marinig mo tong sasabihin ko sana walang nagbabago at wala sanang magiiwasa satin...okay?" Sabi niya
"Ha...bakit naman iiwasan kita?" Sabi ko
Ang weird nya.
"May ipagtatapat sana ako..." Sabi ni Cyril
"Gusto kita Maxine. Pero alam kong iba ang nilalaman ng puso mo." Sabi ni Cyril
Whattt???
Ano raw sabi niya?
"Gusto kita Maxine..."
"Gusto kita Maxine..."
"Gusto kita Maxine..."
May gusto siya sa akin??
"Cyril...sorry ahh." Sabi ko
Di ko na kasi alam kung ano sasabihin eh.
"Alam ko naman eh...wag kang mag-alala okay lang. Alam ko namang ang gusto mo ay si Aaron." Sabi niya
Wait pano niya??
"Pano mo nalaman?"
"Dati ko pa tong nalaman. Kasi nahalataan kita nun na palagi mo tinitignan si Aaron." Sabi niya
"Sorry talaga...kasi hindi ko kayang ibalik kung ano ang nararamdaman mo sakin. You deserve someone...better than me yung babaeng magmamahal sayo talaga." Sabi ko
"Pero kailan mo balak sabihin yang niraramdaman mo kay Aaron?" Tanong niya
Kailan nga ba?
"Hindi ko alam eh. Naguguluhan na nga rin ako sakanya." Sabi ko
"Gusto mo tulungan kita?" Sabi niya
"Kahit wag na...pero sige." Sabi ko
"So kailan na nga?" Sabj niya
"Sasabihin ko na lang sayo kung ready na ako." Sabi ko
"Sige!" Sabi niya
Mga ilang sandali rin umuwi na kami gabi na rin kasi. Baka pagalitan pa kami.
************************************
(A/n: hello po!! Magcomment naman po kayo para malaman ko ano masasay nyo sa story ko 😂. Salamat po sa pagbabasa. Thank you~)
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
Reversed Love
Teen FictionLove is destined to oneself. Love isn't just a feeling for someone. Ang love minsan lang yan tumibok sa isang tao na rarapat sayo. Kaya lang hindi ka nya mahal...it's a one-sided love kunbaga... pero pano kung isang araw... Parang feel mo ng it's ti...