Chapter 39: Kiss?

9 2 1
                                    

~~~~~~~Klea's POV~~~~~~

Nilapag ko muna ang bag ko at umupo sa may swing. Habang nagsiswing ako may na kita akong paa ng tao na nasa harapan ko kay.

Bakit siya andito??

Bigla naman niya akong hinila papalapit sakanya at dahil sa mas malakas siya napalapit ako sakanya at...

*Tttsssuuuuuppppp*

Mali to...

Ng aatras sana ako sakanya bigla niya lalo akong niyakap. Ng ilang seconds rin ay inilayo niya na ang labi niya sa pagkakadikit ng labi namin.

Pero ng biglang nataohan ako nasampal ko siya bigla. Kinuha ko na ang bag ko at paalis na sana ako ng biglang...

"Please Klea wag mo akong iwan..."

Wag kang bibigay Klea...wag na wag.

Pipiglas na sana ako sa pagkakaback hug niya sakin pero hinigpitan niya lang.

'Mali tong nararamdaman mo Klea mali!'

"Please Zace tigilan mo na ako." Sabi ko na patuloy pa rin sinusubukan na makatakas sa pagkayakap niya.

"Ayoko Klea...please bigyan mo ako ng second chance." Sabi niya

"Sana nung sinabi mo yan noon. Huli ka na Zace!!" Sabi ko

Kumalas na siya ng yakap kaya humarap ako sakanya.

"Klea...I love you. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka na ng tunay." Sabi niya

Sorry Zace...

"Please Zace...wag ako ayoko ng masaktan. Ilang beses mo na akong sinaktan!" Sabi ko

"Alam ko Klea...pero please this time hayaan mo akong mahalin rin kita kagaya ng ginawa mo sakin." Sabi ni Zace

Wag kang magpapatinag sa mga ganyan Klea...

"Tama na Zace!! Ayoko na maglokohan!! Sinabi mo na sakin noon na never mo akong mamahalin." Sabi ko

"Oo pero ginawa ko lang yan kasi ayokong mapahamak ka." Sabi niya

"Mapahamak?" Taka kong tanong

"May gusto na ko sayo simula nung naging malapit tayo. Kaya lang ng nalaman ni Nikkei na unti unti na akong nahuhulog sayo ay sinabi niya na kapag hindi kita nilayuan papatayin ka niya. Dahil sa takot ko na baka mawala ka...ginawa ko  ang gusto niya kaya kita nilayuan." Sabi niya

So yung??

"So yung...sinabi mo sakin-"

"Oo hindi yun totoo...sinabi ko lang yun para layuan mo na rin ako." Sabi ni Zace

Pero bakit niya to sinasabi ang lahat??

"Mahal na kita Klea...mahal na mahal."

"Zace..."

"Alam ko na hindi ka huli na pero please bigyan mo ako ng chance na baguhin lahat ang mga mali kong ginawa Klea. Please hindi ko kayang wala ka." Sabi ni Zace

"Sorry Zace...hindi ko alam kong kaya ko pang ibalik ang dating nararamdaman ko." Sabi ko at umalis na

Ayoko ng umasa...

Ayoko na ring masaktan...

Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kong mahal ko pa ba siya or hindi.

Ng pagdating ko sa bahay nasa isip ko pa rin ang lahat ng sinabi ni Zace sakin.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Sobrang gulo na ng utak ko.

"Aisshhhhh!!!" Inis kong sabi

-NEXT DAY-

Nagising ako dahil sa sikat ng araw...dumiretso na ako ng banyo para gawin ang kailangan gawin. Pagkatapos naman ay bumaba na ako.

"Good morning Klea!" Masayang bati sakin ni Aiken

"Morning." Wala kong siglang sabi

"Ano ba yan...okay ka lang ba?" Sabi ni Aiken

Tumango na lang ako dahil sa wala akong gana makipag-usap.

"Asan pala sina Sean?" Tanong ko

"Ahh...umalis kanina pa may pinuntahan." Sabi ni Aiken

Kaya tumango na lang ulit ako at umupo na para magbreakfast.

"Klea..."

"Bakit?" Tanong ko

"Anlungkot mo...gala kaya tayo.para naman mabawas bawasan yang lungkot mo." Sabi ni Aiken

"Wag na...ayokong umalis. Ikaw na lang." Sabi ko

"Ano ba...samahan mo ako noh kaya after mong magbreakfast magbihis ka na." Sabi niya

"Fine." Tipid kong sabi

Since walang pasok ngayon kasi Saturday kaya sama na lang ako. Tama nga si Aiken para nabawasan tong lungkot ko.

-

Nasa mall na kami ngayon. Kakarating lang naman namin.

"Klea...bili muna tayo ng mga regalo para sa pasko." Sabi ni Aiken

Oo nga noh nakalimutan ko magpapasko na pala kailangan kong mamili ng mga regalo. Pero kahit alam kong 1 month pa bago nagpasko. Pero okay na yun para advance na.

"Sige." Sabi ko

Kaya ayun pumunta na kami ng department store para mamili. Inuna muna namin ang kala Sean at sa mga kaibigan kong boys na sina Cyril kasama na rin jan sina Adrian.

"Ano ba magandang regalo para sa kanila?" Tanong ko

Hindi kasi ako marunong maghanap ng regalo lalo na sa lalake.

"Ako bahala..." Sabi ni Aiken

Kilala na nila Aiken sina Bryan,Cyril,Adriel,Aaron,Axel,Nico, at Zace dahil nagkita na sina nung nasa hospital ako. Pati na rin yung girls kilala na rin nila.

Mga friendly kasi sila kaya madali lang sila naging close.

After naman namin bumili sa mga boys eh kayla Cassie naman.

.

After isang oras natapos na rin ako. Pero meron pa pala akong hindi nareregaluhan...

"Aiken saglit lang ahh..." Sabi ko

"San ka?" Tanong niya

"May nakalimutan akong bilhan." Sabi ko

"Ahh sige..." Sabi niya

Kaya kaya umupo na muna siya dun at naghintay sa akin.

Pumunta ako ulit sa dep. store...ano kaya magandang ibigay sakanya?

30 mins. akong paikot ikot pero wala akong maisip...saka na lang nga. Pwede naman ako bumalik ulit eh.

Kaya papunta na sana ako kay Aiken ng biglang...

*Blackout*

************************************

(A/n: Salamat po sa pagbabasa. Hope you like it 😊. Thank you 😘~)

VOTE AND COMMENT

Reversed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon