~~~~~~ Klea's POV ~~~~~~
Grabe...gulong gulo talaga ako sa nangyayare. Hindi ko gets kong bakit andito yang mga yan.Pababa na ako sa sala. Nagbihis kasi ako eh. Nakita ko naman si Maxine na nasa kusina kaya dumiretso. Hindi ko na sila pinansin yung mga yun na kumakain sa sala ng pizza.
"Hi Klea." Sabi nya
"Ano bang nangyare bakit anjan sina-"
"Pwede ako humingi ng tubig?" Sabi ni Aaron
Napatingin naman ako sakanya...
"Ha-ahh...sige." sabi ko
Kumuha ako ng baso at tubig sa ref. Tinignan ko naman si Maxine at binigyan naman nya ako ng tingin na mamaya-ko-na-lang-iexplain look.
After ko lagyan ng tubig yung baso ayy binigay ko na kay Aaron. Nagstay muna ako sa may kitchen.
Di ko pa kasi feel pumunta dun sakanila at maki-halobilo sa mga yan.
"Hindi ka ata pa pumupunta dun?"
Nagulat naman ako...di pa pala umaalis si Aaron.
"Mamaya na katamad eh...ang ingay ng mga yun. Close na agad siguro." Sabi ko
Bigla naman tumabi sakin si Aaron.
"Dito ka pala nakatira?" Sabi ni Aaron
Ayy hindi...multo ang nakatira dito. 😑😑
"Oo malamang." Sabi ko
"Magkatabi lang pala kayo ng bahay ni Zace." Sabi niya
Ha? Magkatabi? Di ko alam yun ahh.
"Ahh...nga pala...ano..."
"Bakit kami andito?" Sabi niya
"Oo." Sabi ko
"Kasi wala kami doon." Sabi niya
Seriously??
Binigyan ko naman siya ng death glare kaya nagpeace sign naman siya.
"Naggroupings kasi kanina...at nagkataon kasi na kulang yung group ninyo nila Kathleen kaya ayun sinabi ni ma'am na dun na daw kaming tatlo." Explain nya
Huh? Hindi naman kami magkaparehas ng section ah?
"Ha? Di naman tayo same section." Sabi ko
"Hindi ba nila sinabi sayo?" Sabi ni Aaron
"Ang alin?" Sabi ko
"Hinati ang section namin at nilagay sa section nyo at dun sa kabilang section." Sabi nya
"So magclassmate tayo?" Tanong ko
"Oo." Sabi niya
"Alam mo...ang bait mo pala." Sabi nya
"Pano mo naman nasabi?" Sabi ko
Kasi wala pa talagang nagsasabi nyan sakin...I guess?
"First impression ko kasi sayo mataray ka." Sabi nya
"Ahh...mabait naman talaga ako." Sabi ko
"Anong mabait? Wag ka makinig jan mataray yan...at mahilig mantangka ng mga buhay namin." Sabat ni Maddie
"Ahahahaha." Tawa naman ni Aaron
"Baka gusto mo talagang di na aabutan ng bukas...lumayas ka na nga!!" Sigaw ko
Umalis naman agad si Maddie. Taeng babaeng yun siraan ba naman ako...😒.
"Grabe parehas talaga kayo ni Zace." Sabi ni Aaron
BINABASA MO ANG
Reversed Love
Teen FictionLove is destined to oneself. Love isn't just a feeling for someone. Ang love minsan lang yan tumibok sa isang tao na rarapat sayo. Kaya lang hindi ka nya mahal...it's a one-sided love kunbaga... pero pano kung isang araw... Parang feel mo ng it's ti...