Chapter 32: Abandoned House

8 2 1
                                    


~~~~~~ Klea's POV ~~~~~~

"Hmmppp...hmmppp."

Tinanggal niya ang pagtakip ng bibig ko.

"Hoy ano ba--Zace??"

"Wag ka nga maingay!! Pagtayo mapatay mumultuhin kita." Sabi ni Zace

Huh anong kami?? Mamatay?? Baka ako?? Atakihin ako sa kaba kala ko yung lalaking nakatakip ang mukha ang kasama ko yun pala si Zace.

(;一_一)

"Hoy FYI ako lang ang mapapatay...bakit ka ba andito??" Sabi ko

"Hoy FYI rin buti nga at na kita ko yung lalaking umaaligid sayo. Alam mo bang muntikan niya na akong masaksak-aray." Sabi niya

"Hala may sugat ka ano ba ginawa mo??!" Sabi ko

Kasi naman may daplis siya sa may braso niya. Ano gagawin ko!!???

"Kumalma ka nga!! Pag-ako naubusan ng dugo dito hindi talaga ako magdadalawang isip na multuhin ka...arayyyy!!" Sabi niya

"O.A. mo noh?? Di naman yan malalim ahh.(一一)" Sabi ko

Minsan talaga ang saklap ng buhay ko noh?? Ulan bakit ngayon pa??

"Tara na...bumalik na tayo!! Baka mamaya makita pa natin yung sumusunod sakin mamaya baka tuluyan na talaga niya tayo." Sabi ko

"Baliw ka ba umuulan at madalim na noh...hindi tayo makakabalik." Sabi ni Zace

"So ano magpapa-ulan na lang talaga tayo dito?" Sabi ko

"Bulag ka ba?? Kita mo yun?? Yung abandunadong bahay dun muna tayo samantala." Sabi ni Zace

Edi siya na malinaw mata.😒😒

Kaya ayun nga naglakad na kami papunta dun sa abandunadong bahay na mukhang haunted house.

"Hoy tulungan mo kaya ako." Sabi ni Zace

"Bakit paa ba ang may sugat sayo?? Ginagamit ba ang braso sa paglakad?" Pilosopo kong sabi

Kaya tumayo na lang siya.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Wow ang creepy...

"May ilaw pala eh." Sabi ni Zace

Buti at may ilaw.

Umupo ako sa may upuan at niyakap sarili ko.

Anlamig...

Hala anlakas ng ulan...talagang mag-aalala sina Maddie nito.

Chineck ko yung phone ko kung pwede makapagtext pero walang signal.

Bakit kasi ngayon pa??!!

Anlamig talaga...

"Hoy bakit ka naghuhubad??" Sabi ko

Tama ba yun?? Maghubad sa harap ng babae.

"Basa kaya t shirt ko mamaya magkasakit pa ko." Sabi niya

"Edi wow." Sabi ko na lang at tumalikod

Bw*s*t na lalaking to...sa lahat ba naman na pwede kong makasama eh ito pang Zace na to??

Ang malas mo talaga Klea!!

Pero talaga...nilalamig na ako.

Niyakap ko ng mahigpig ang sarili ko para hindi na ako lamigin. Kasi basang basa talaga ako ng ulan.

Pano pala kami matutulog nito?? Eh isa lang yung bed.

Pero nacurious talaga ako sa bahay na toh...sino kayang tao ang nagtayo nito sa gitna ng gubat.

'Maging thankful ka na nga lang Klea...buti nga may nasilungan pa kayo eh. Kaysa maulanan kayo lalo jan sa labas.'

Oo na,oo na...kung sino man ang may-ari ng bahay na to thank you po talaga. Life saver ka po namin.😇😇

Pero talaga anlamig na talaga.

...

4 oras na ang nakalipas...hindi pa rin tuyo tong damit ko...anlamigggggg.

"Achooo!!"

"Oh." Sabi ni Zace sabay abot nung shirt niya

"Ano to?" Sabi ko

"Damit malamang." Sabi niya

"Pshh...achhhoooo!!"

"Palitan mo yang damit mo at ito muna suotin mo medyo tuyo na rin naman. Baka mamaya maging yelo ka na jan." Sabi niya

"Di ko na kilangan ikaw nga jan may kailangan niyan kasi nakahubad ka-achooooo!!" Sabi ko

"Magpalit ka na nga!! Ang kulit mo sinisipon ka na nga antigas pa ng ulo mo. Atsaka hindi na ako nilalamig." Sabi niya

"Tumalikod ka muna." Sabi ko

At ayun nga nagbihis na ako. Medyo hindi na rin ako-"achoo!!" nilalamig.

Nilagay ko muna yung damit ko sa may chair para matuyo ng konte.

Pero na kita ko naman yung sugat ni Zace sa may braso. Oo nga pala yung sugat niya!!

Kinuha ko yung panyo ko sa pocket ko at nilapitan si Zace.

"Umupo ka." Sabi ko

"Bakit??" Sabi niya

"Lalagyan ko ng panyo yang sugat mo para hindi na dumugo masyado." Sabi ko

Kaya umupo siya at ako naman tinali ko na yung panyo kung saan siya may sugat sa braso.

After nun napatingin naman ako sa mukha niya at nagulat rin ako na nakatingin rin pala siya sakin kaya bigla naman ako ng napa-iwas ng tingin.

"Matulog ka na." Sabi ni Zace

"Pano ka?" Sabi ko

"Concern ka nohh..."sabi niya

"Bawal magtanong??" Sabi ko

"Tss...sige na magpahinga ka na. Baka kasi sa gitna ng gabi eh biglang sumulpot yung lalaking umaaligid sayo kanina." Sabi ni Zace

"Sure ka??" Sabi ko

"Oo nga kulit naman nito." Sabi niya

Kaya ayun na nga humiga na ako sa kama at natulog na.

************************************

(A/n: hello po~~ Thank you po sa mga matiyagang nagbabasa ng story ko po sana po magustuhan nyo. Love you all~💕



VOTE AND COMMENT

Reversed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon