Chapter 14: In A Fake Relationship

14 4 0
                                    

~~~~~~ Klea's POV ~~~~~~


Nagising ako sa pagtunog ng bwisit kong alarm clock. Umagang umaga nambubulabog--

Zace calling...

Umagang-umaga tumatawag na to??

[Oh?]

[Good morning Klea...susunduin kita okay? Hintayin mo ko anjan na ako within 15 minutes.] Sabi ni Zace

Whaatt??!!

[Ha?? Ahh oh sige babye.] sabi ko

Binaba ko na agad ang tawag at kumaripas na papuntang banyo. Ginawa ko na ang ang morning routine ko at pagkatapos saktong tumunog ang doorbell.

*dingdong*

Bumaba na ako agad at binuksan ang gate.

"Okay ka na?" Sabi ni Zace

"A-aahh oo wait kunin ko lang bag ko." Sabi ko

Kinuha ko na ang bag ko at nilock ang bahay. Baka kasi biglang may pumasok na magnanakaw. Para sigudadong safe 😃.

At ayun na nga naglakad na kami patungong school. Yes, naglalakad lang sabi daw ni Zace maganda daw maglakad sa umaga...tama nga naman siya.

Sayang rin sa gasolina noh malapit lang naman bahay namin sa school. Oo nga pala kapitbahay ko pala to.

"So ngayon magsisimula yung deal ha." Sabi niya

Ayy oo nga pala pumayag ako makipagdeal dito.

"Sige." Sabi ko

Habang nagkalakad naman kami biglang naman niyang hinawakan ang kamay ko.

Dugdugdugdugdug...

"Nga pala...secret lang natin tong deal. Kahit sa friends mo wag mong sasabihin. Okay?" Sabi ni Zace

Tumango na lang ako. Pagdating naman namin ng school pinagtitinginan kami ng mga ibang istudyante at pinahbubulungan.

"Diba boyfriend yan ni Nikkei?"

"Balita ko daw break na sila ni Nikkei."

"Si Braden daw kasi ang mahal ni Nikkei."

Sikat kasi si Nikkei kaya ayun. Tinignan naman ako ni Zace at hinigpitan ang paghawak ng kamay ko.

Nagulat naman ako sa sinabi nya...

"Okay sa lahat ng hindi nakakalaam...break na nga kami ni Nikkei and napag alaman namin na hindi pala namin mahal ang isa't isa. At itong babae nato??!! Ito ang babaeng pinakamamahal ko at kung sino man ang magtangkang manakit sa girlfriend ko humanda kayo sakin." Sabi ni Zace sa buong campus

Sh*t nakakahiya yung sinabi niya. Pero kinilig ako dun kahit alam kong hindi yun totoo.

Hanggang naglalakad papunta sa classroom ay hawak pa rin niya kamay ko. Hanggang sa pagdating sa loob kaya nagulat naman sina Kathleen at Maxine sa amin.

Kumalas na ang amin mga kamay at umupo na ako. Bigla namang lumingon sakin si Maxine.

"Uy andami mong kailangan sabihin sakin ahh." Sabi ni Maxine

"Ha? Anong madami sasabihin?" Sabi ko at syempre palusot lang.

"Kayo na pala ni Zace??" Sabi ni Maxine

"Ha? Ano--"

"What??? Parang nung nakaraang araw...aray!!!" Sabi ni Adriel

"Isa pa Adriel ah masasapak na talaga kita. Ang ingay-ingay bakla ka-aray!!" Sabi ko

Reversed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon