Chapter 6: Concern

20 3 1
                                    

~~~~~~ Klea's POV ~~~~~~

Nagising ako dahil sa ingay ng doorbell. Tae umagang umaga may dumadalaw agad?

*dingdong *dingdong*dingdong*

"Sandali!!" Sabi ko

Kaya nagmadali na akong bumaba para mabuksan yung gate.

*dingdong *dingdong *dingdong*

"Andali...kyaahhh!!!" Sigaw ko

*blagggg*

Aray!!!😭😭😭😭

Yung paa ko!!

"Mehehehehe😭😭 paa ko!!" Sabi ko at naluluha na sa sakit

Ansakit!! Di ko matayo sarili ko😭😭😭.

"Okay ka lang?"

"Adriel??😮😮" Pagtataka ko sabi

Pano siya nakapasok dito?

"Inakyat ko gate nyo malamang." Sabi niya

Luh...mind reader ata toh. Atsaka ang galing naman nyang umakyat. Siguro leader siya ng isang akyat bahay gang. Ano ba tong mga iniisip ko😒😒.

Aray...ansakit talaga ng paa ko😭😭.

"Okay ka lang?" Sabi niya

"Mukha ba akong okay...nahulog na nga ako ng hagdan eh may pa-okay okay ka pang nalalaman." Sabi ko

"Hayss...nako." Sabi niya

Tinulungan na lang nya akong tumayo-"hoy ano ginagawa mo...ibaba mo nga ako." Sabi ko

Buhatin ba naman ako. Sabi ko tulungan tumayo hindi buhatin 😑😑.

"Ikaw na nga tong tinutulungan ikaw na tong nagrereklamo." Sabi niya

Binaba naman ako ni Adriel dun sa may sofa. Kaya lang biglang naglapit yung mukha namin sa isa't isa...kaya umiwas ako agad.

"T-tawagan ko lang yung doctor ko." Sabi niya

"S-sige." Sabi ko

Bakit nauutal ako??? At bakit pumayag na lang ako agad. Pwede ko naman tong lagyan ng bandage ng mag-isa eh.

...

"Okay na siya...siguro kailangan mo munang pagpahingahin ng mga 3-4 days yung oaa mo. Hindi naman masyadong na fractured yung paa mo kaya saglit lang yan." Sabi nung doctor

"Sige po doc. Thank you." Sabi ni Adriel

Matapos nun ay hinatid muna ni Adriel yung doctor sa labas at bumalik dito.

"So pano yan? Di ka makakapasok ngayon." Sabi niya

"Anong hindi...aray!!" Sabi ko pinilit ko kasing tumayo kaya lang sumakit lalo.

"Yan kasi." Sabi niya

"Kasi naman eh...kasalanan mo kaya to." Sabi ko

"Tatanga tanga ka kasi." Sabi niya

Ayy wow...ako pa talaga tong tatanga-tanga. Kung di mo lang ako minadali at pinataranta hindi sana ako mahuhulog sa hagdan😒.

"Woww..." sabi ko na lang

Bahala nga siya jan.

"Umalis ka nga. Kaya ko na sarili ko." Sabi ko

"Dito na muna ako. Aabsent na muna ako...since kasalanan ko naman." Sabi nya

"Baliw ka ba?" Sabi ko

Kanina lang ako sinasabihang tanga ngayon kasalanan nya na. Gulo nya rin 😕.

Reversed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon