Chapter 24: End?

11 3 0
                                    

~~~~~~ Klea's POV ~~~~~~


It's been a week. Hindi na sumasama samin si Zace sina Cyril at Aaron na lang. Hindi rin nila alam kung bakit iniiwasan niya kaming lahat.

Oo, kaming lahat. Hindi na nga daw nila Aaron nakakausap si Zace.

Anyways...walang pasok ngayon kasi Sabado kaya nandito muna ako sa bahay. Hindi na muna ulit sila Maddie magsleep-over dahil nandito tong sina Sean.

Hapon na ngayon...wala naman akong ginagawa ayokong lumabas ng kwarto.

Bbbzzzttttt...bbbzztttt.

Tinignan ko naman kong sinong nagtext at nagulat naman ako...

Zace

Usap tayo. Kita tayo sa may park malapit sa bahay niyo.

Yan yung sabi niya. Kaya nireplayan ko naman siya.

Okay.

Sent

Nagbihis na muna ako at lumabas na ng kwarto ko at bumaba na. Pagbaba ko na kita kong nandun silang lahat sa sala. Nakuha ko naman ang attensyon ni Louis na kakagaling ng kusina.

"San ka pupunta?" Sabi niya

"Ahh...jan lang babalik lang ako." Sabi ko

"Byee insan ingaaatt!!" Sabi ni Sean

Umalis na ako at pumunta na sa park.

Pagdating ko nandun na si Zace. Parang biglang naging awkward ulit ang feeling ko sakanya?

Hindi naman ganito dati ahh. Nakita ko na ulit ang poker face niya na dating mukha niya nung hindi kami close.

Ang tanong...

Naging close ba kami?

Dati kong close kami pero ngayon sa tingin ko hindi na.

"A-ano pala yung sasabihin mo?" Sabi ko

"Itigil na natin tong kalokohan at..." Sabi niya at he sighed "Layuan mo na ako." Patuloy niya

"Layuan mo na ako."

"Layuan mo na ako."

Bigla namang gumuho mundo ko ng sinabi niya yun.

"Okay lang namang itigil natin yung pagpepeke natin pero yung layuan-"

"Ayokong lumala yang niraramdaman mo sakin." Sabi niya

Pano niya nalaman??

"So alam mo na?" Sabi ko

"Oo...at I regret it. Dapat hindi ka na lang pumayag tong sa kalokohan na sinabi ko." Sabi niya

"Sorry ahh...hindi kasi kita kayang pagmasdang na nasasaktan kaya pumayag ako." Sabi ko

Wag kang iiyak Klea...wag.

"Simula ngayon wag mo na akong kausapin." Sabi niya

"Ganun lang ba ako sayo??!! Na isang rebound?? Isang stalker?? Hindi ba ako naging once naging importante sayo??"

"Hindi ka naging important sakin...at never yun mangyayare." Sabi niya

"Pagpapanggap lang yun lahat Klea!! Diba nga fake relationship. Kaya lahat nun pagpapanggap walang katotohanan dun sa lahat." Sabi pa niya at umalis na at naiwan akong gulat sa mga sinabi niya.

Dahil sa mga sakit na sinabi ni Zace hindi ko napigilang maluha. Habang umiiyak bigla namang bumuhos ang malakas na ulan.

Siguro dinadamayan ako ng ulan.

"Hindi ka naging important sakin...at never yun mangyayare."

"Hindi ka naging important sakin...at never yun mangyayare."

Aisshhhh...ano ba yan flashback ng flashback yung sinabi ni Zace.

Pshhh...tama si Zace dapat hindi na lang talaga ako pumayag.

Nagtaka naman ako...kasi may parang may biglang pinayungan ako...

"Bakit ka nagpapaulan??"

-

"Nakooo insan!! Buti na kita ka ni Charles kung hindi baka magkasakit ka." Alalang sabi ni Sean

"Oo nga Klea...atsaka bakit namamaga mata mo? Umiyak ka ba?" Sabi ni Aiken

"Ito oh tubig." Sabi ni Louis at inabot sakin yung isang basong tubig

"Bakit ka nga pala nasa park?" Sabi ni Charles

"Uyy insan sumagot ka nga sa mga tanong namin." Sabi ni Sean

"Iwan niyo muna ako...please." Sabi ko

"Pero Insan-"

"Sean hayaan muna natin si Klea." Sabi ni Louis

Kaya lumabas na muna sila sa kwarto ko.

Bigla nanaman ulit tumulo ang luha ko. Pinipigilan kong hindi umiyak pero hindi ko kaya.

Siguro tama nga si Zace. Dapat tigilan ko na tong nararamdaman ko sa kanya.

Siguro it's time na...para kalimutan ko na siya. Ayoko ng saktan ang sarili ko. Pagod na rin akong ako na lang palagi ang nasasaktan.

Siguro sa ngayon kailangan ko munang matotong mahalin ang sarili ko bago ako magmahal ulit ng iba.

Dahil sa pinagpasyahan kong kailangan ko ng kausap tinawagan ko si Maxine.

[Hello? Oh Klea napatawag ka.] Sabi ni Maxine

[Samahan mo ko.] Sabi ko

[Saan?] Sabi niya

[I-text ko na lang sayo kung saan. Sige bye.] Sabi ko




************************************

VOTE AND COMMENT

Reversed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon