~~~~~~ Klea's POV ~~~~~~6:03 a.m.
Pagkabangon ko dumuretso na ako ng banyo at ginawa Ang morning routines ko.
After ng lahat lahat na gagawin ay bumaba na ako na kita ko namang nasa kusina sina Sean kumakain. Hindi na sana ako magpapakita at aalis na lang sana agad ng...
"Uy insan breakfast muna bago alis." Sabi ni Sean
"Malalate na ko. Geh una na ko." Sabi ko
Wala rin kasi akong ganang kumain.
Habang naglalakad ako, bigla namang may humawak sa braso ko kaya napalingon ako.
"Hatid kita?" Sabi ni Charles
"Wag na. Malapit lang naman..." sabi ko
"Kahit na...asan na ang susi ng sasakyan mo ako na magdrive." Sabi niya
Kaya no choice ako binigay ko na lang yung susi ng bago kong sasakyan. Yung bili ni Sean. May tiwala naman ako kay Charles kaya okay lang.
Ewan ko ba kung bakit. Pero parang may authority siya na something...di ko ma-explain eh. Pero mas matanda siya ng two years sakin. Pero parang everytime na may sinasabi siya parang kuya ko kahit hindi. Basta hirap explain.
Well, si Sean naman alam kong ring mas matanda siya sakin pero wala akong na fe-feel na may authority siya. Basta parang ganun.
"Alam mo ba...may half-sister ako?" Sabi niya
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"May half-sister ka?? Sino??" Sabi ko
"Hinahanap pa namin ni mama. Pero sana matanggap niya kami." Sabi niya
"Bakit hindi niya kayo tatanggapin?? Eh magkapatid kayo at kahit baliktarin ang mundo ganun pa rin." Sabi ko
"Sana nga ganun siya mag-isip." Sabi niya
"Atsaka kung ano man ang story kong bakit ganun ang nangyare siguro maiintindihan niya." Sabi ko at sakto ring kakarating lang namin ng school.
"Sige byee." Sabi ko at bumaba na ng sasakyan
Bigla namang nahagip ng aking mata si Zace napatingin rin siya kaya nagtama ang aming mata kaya agad naman akong umiwas.
"Byee Klea see you later!" Sabi niya
"Byee..." sabi ko
Naglakad na ako papasok at sakto wala pa naman rin yung teacher kasi mamaya pang 7:30 start ng klase eh 7:01 pa lang kaya sa rooftop muna ako.
Kasi pag nasa classroom ako, makikita ko lang yung lalakeng yun. Ayoko ngang makita yun.😒😒
Hindi ko na siya mahal kasi...I HATE HIM.
Pagnakikita ko pagmumukha ni Zace nabwibwisit na ako. Simula ng sinabi niya yun sakin nag-iba na takbo ng mundo.
HATE NOT LOVE.
Hindi na love kundi hatred na. Ewan ko kung bakit pero...aaaaiishhhh!!!
Pwede naman niyang sabihin na layuan ko siya. Pero yung sabihan na hindi importante...seriously??
Hindi naman ako naghahangad na maging importante ako sakanya. Never niya ba akong tinuring na kaibigan ni katiting??!!
Dapat pala hinayaan ko na lang siya magdusa jan. Kasi...masyado kasi akong mabait kaya pumayag ako.
Ang tanga ko nga eh.😒😒
Aisshhh...maya ko na lang nga yan isipin. Mga perwisyo lang yan sa pag-aaral ko. Baka bumaba tuloy grades ko.(〒︿〒)
BINABASA MO ANG
Reversed Love
Novela JuvenilLove is destined to oneself. Love isn't just a feeling for someone. Ang love minsan lang yan tumibok sa isang tao na rarapat sayo. Kaya lang hindi ka nya mahal...it's a one-sided love kunbaga... pero pano kung isang araw... Parang feel mo ng it's ti...