Chapter 12: Bar

13 3 0
                                    

~~~~~~ Klea's POV ~~~~~~


"Zaaaacccceeeee!!!!!!!"

Omaggaaasshhh akala ko mamatay na ko!!! Buti at iniwasan ni Zace yung truck--bakit ba ako nagkakaganito?? Kawawa na nga yung tao. Tumino ka nga Klea!

"Bakit mo ko iniwan!!!??" Galit na sabi ni Zace

"Z-zace..."

"Alam mo ba yun!!??" Sabi pa ni Zace

Hindi na ako nagsalita at niyakap ko na lang si Zace.

I know he needs someone na magcocomfort sakanya. Tanga na ako kong tanga sa ginagawa ko.

Alam kong masakit rin sa kalooban ko kung bakit ginagawa ko to.

"Alam kong masakit...pero kailangan mo tanggapin ang reality..." Sabi ko

"Ansakit eh...minahal ko siya ng sobra while siya pinagloloko lang niya ako." Sabi ni Zace at patuloy pa ring umiiyak

"Shhhhhhh..."

I pat his back at kumalas na sa pagkakayakap. After nun ay inistart ulit ni Zace yung sasakyan...

Hindi ko alam kung saan kami pupunta...hanggang sa nagstop-by kami sa isang bar.

Baka iinom...para makalimutan yung babaeng yun...hayyyysss.

Hindi na lang ako komontra at bumaba na rin ng sasakyan.

Nagtaka naman ata si Zace kung bakit ako bumaba kaya sinabihan ko siya na,"For today ako muna ang magiging buddy mo sa pag-inom."

"Umiinom ka?" Tanong niya

"Of course, ano sa tingin mo sakin...nerd? Sorry pero hindi ako ganun." Sabi ko

Napatawa naman siya sa sinabi ko at pumasok na kami sa bar. Maraming tao at maingay syempre. May bar bang tahimik...diba wala.

Pumunta kami sa may vacant seat at dun umupo while nag-order ng beer.

"Dalawa nga-"

"Isang bucket ng beer po." Sabi ko

Nagulat naman si Zace. Nginitian ko na lang siya. Atsaka minsan lang naman ako uminom kaya lubos-lubosin na.

"Mauubos ba natin yung in-order mo?" Sabi ni Zace

"Oo...wag kang mag-alala." Sabi ko

3rd Person's POV

Gabing gabi na pero hindi pa rin nakakauwi si Klea sa bahay niya. Alalang-alala na ang kanyang mga kaibigan kung saan siya pumunta.

"Tinawagan mo na ba?" Alalang sabi ni Maddie

"Hindi sumasagot eh..." Sabi ni Zenny

"Eh si Zace??" Sabi ni Aaron

"Hindi rin eh." Sabi ni Cyril

"San na ba yun nag punta yung dalawang yun?" Sabi ni Kathleen

Nandito pa rin sila Aaron sa bahay ni Klea. Hindi pa sila umuuwi dahil kay Zace. Natapos na nila yung Project nila pero hindi pa rin nakakauwi yung dalawa.

Napatingin si Cyril sa kanyang phone at may tumatawag kaya sinagot niya ito...

[Oh Nico napatawag ka ata?] Sabi ni Cyril

[Cyril nasa bar ang kaibigan mo.] Sabi ni Nico

[Bar??] Sabi ni Cyril

"Nasa bar??!!" Sabi nilang lahat

[Oo...and his with Klea. Mukhang lasing na yung dalawa. Kanina ko pa sila napapansin na nakailang bote na. I think kailangan niyo silang sunduin.] Sabi ni Nico

[Sige sige Nico papunta na kami jan.] Sabi ni Cyril

Binaba na ni Cyril ang tawag.

"Kami na lang ni Aaron at Adriel pupunta." Sabi ni Cyril

"Gusto ko sumama!!" Sabi ni Maddie

Dahil sa alalang-alala niya na kay Klea hindi niya na alam kung anong gagawin.

"Wag na baka kung mapano ka pa dun atsaka gabi na. Kami na lang." Sabi ni Cyril

Kaya ayun umalis na yung tatlo at pumunta na ng bar.

Zace's POV

Medyo marami na ang nainom ni Klea. Naka dalawang bucket ng beer na yan eh. Well ako naman konti lang ininom ko.

Hindi ko nga alam kong sino ang may pinagdadaanan eh. Kung ako ba or siya. (_ _)

"Hoy!! Sino ka ba??!" Sabi ni Klea

Sh*t ( ̄﹁ ̄)

lasing na tong kasama ko ata.

"Klea lasing kana tara na." Sabi ko

"Bakit ako sasama*hik* sayo??" Sabi ni Klea

Ano ba to...dapat pala hindi ko na to pinainom ng ganyan eh.(_ _)

Ang bobo ko talaga kahit kailan kinalimutan kong babae pala to. Kasi naman kung makainom rin to parang lalake eh.

Binuhat ko na lang siya ng parang piggyback.

"Hoy ano ba!!*hik* tatawag ako ng-"

"Klea si Zace to okay kalma lang." Sabi ko at patuloy pa rin siyang buhat buhat hanggang labas

"Zace??*hik* ahahahahah ikaw pala." Sabi ni Klea

Baliw ata to eh.(;一_一)

Paglabas namin ng bar bumungad sa amin sina Aaron. Pano nila kami nahanap?

"Anong ginawa mo kay Klea?" Sabi ni Aaron

"Siya may kasalanan noh...andami niyang ininom." Sabi ko

"Edi dapat pinigilan mo." Epal pang sabi ni Adriel

Tong Adriel na to nakakamuro!! Sarap sipain hanggang mars eh.( ̄﹁ ̄)

"Manahimik ka na nga lang." Sabi ko

"Hana si Klea ako na maghahatid." Sabi ni Adriel

"Ako na...hindi kita pinagkakatiwalaan." Sabi ko

"Hoy Zace namumuro na ako sayo ahh!!" Sabi ni Adriel

Okay.

Hindi ko na siya sinagot iniwan ko na yung mga yun at pumasok sa sasakyan.

Mga ilang sandali na rin ay nakarating na kami sa bahay niya. Tinanggal ko muna ang pagkakaseatbelt niya at bumaba muna ako para maibuhat siya.

Nagdoorbell naman ako at binuksan ito ni Cassie.

"Anong nangyare sa kanya??" Sabi ni Cassie

"Ha?? Nalasing..." Sabi ko

Tumango na lang siya kaya pumasok na ako sa loob at dinala na s Klea sa kwarto niya.

.

Inexplain ko rin kung ano nangyare naintindihan naman nila. Ngayon na sa bahay na ako.

Tinawagan ko na sila Aaron at Cyril rin. Baka kasi pumunta pa yun dito. Wala ako sa mood makipag-away sa mga yun.

Di pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Nikkie. Mahal ko siya pero ang useless lang pala ng mga ginawa ko.

Sana hindi siya magsisi sa sinabi niya. Hindi naman sa hindi ko siya mahal... I love her kaya lang sinabi niya na na hindi niya ako mahal sana kapag nakamove on na ako sana hindi na siya babalik sa akin at maging masaya na siya.

************************************

(A/n: heyyyy guuuyyyyyss!! Sorry po kung medyo natagalan medyo naging busy ako ngayon eh 😅. Sorry po kung medyo boring tong chap. na to pero sana magustuhan nyo!!! Thank you~)


VOTE AND COMMENT

Reversed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon