Chapter 23: Hurt

5 1 0
                                    


~~~~~~ Klea's POV ~~~~~~

"Kllleeaaaaaa!!"

"B*llsh*t kang Sean ka sabi ng wag mo ko gisingin!!" Galit kong sabi

Bw*s*t na Sean na yan(-_-)

Wala pang isang linggo sila dito puro sakit ng ulo na tong Sean na to. Syempre except jan sa mga kaibigan ni Sean syempre.

*knock*knock*knock*

"Anoo??!!!" Sabi ko

"Dalian mo malalate ka na!!" Sabi ni Sean

Psh...kung late na ako dapat tinatawagan na ako ni Zace. Wala pa naman kasi akong natatanggap na text or tawag sakanya so siguro...

Wtf???

8:17 a.m. na???!!

Sh*t late na late na ako!!

Tinawagan ko si Zace pero hindi naman siya sumasagot. Unavailable daw. Anyare dun??

Kahapon lang sabi niya susunduin niya ako.

Hindi ko na muna prinoblema yun at ginawa ka na muna ang nga kailangan gawin. Pagkatapos kumaripas na ako ng labas sa kwarto ko.

"Oh? Kala ko may pasok ka?" Sabi ni Aiken na kakalabas lang ng kwarto nila.

"Ahh oo meron byee late na ako!!" Sabi ko

Di ko na hinintay ang sagot niya at umalis na agad sa bahay. Tae bakit hindi man lang sinabi ni Zace na di niya ako susunduin. Dati naman sinasabi niya sakin agad.

Pagdating ko sa school nagmadali akong pumunta sa classroom namin. Pagdating ko naman dun ay meron ng teacher.

"Ms. Creassey why are you late?" Sabi ni Ma'am

Sh*ts...

Wait nandito naman si Zace. Pero bakit...

Aisshhhh...

"Sorry ma'am." Sabi ko na lang at umupo sa upuan ko.

Hindi ako nakinig sa lesson dahil sa maraming sumasagi sa isipan ko.

-

"Uy...Klea." Sabi ni Maddie

"Bakit?" Tanong ko

"Bakit kasama ni Zace si Nikkei??" Sabi ni Maddie

"I smell something fishy." Sabi ni Kathleen

Nasa canteen kami lahat except ni Zace kasama niya si Nikkei. Sa tingin ko nga masaya si Zace eh. Kasi kitang kita sa mukha niya na masaya na siya.

"Oo nga Klea...tignan mo oh. Mukhang tuwang tuwa si Zace naman." Sabi ni Cyril

Nasa may harapan namin sila di naman sila kalayuan kaya kitang kita.

Di ko nga alam kung magiging masaya ako kasi nagkabalikan sila or malulungkot sa sitwasyon ko dahil sa nasasaktan ako.

'Kaya mo yan Klea...kaya mo yan. Ipakita mong hindi ka affected.'

Tama yan. Act normal...dapat hindi ka affected.

"Grabe sarap sabunutam yang babaeng yan!!" Sabi ni Zenny

"Pstt...hayaan mo na sila." Sabi ko

"Ano??!!"

"Ayy kailangan sabay? Nag-uusap lang naman yan." Sabi ko

"Pero bes di ka nahuhurt? Boyfriend mo yan...ex niya yung kasama ng boyfriend mo. Okay ka lang?" Sabi ni Maddie

Correction...FAKE BOYFRIEND ko lang siya.

"Oo naman!! Bawal bang maging nagkaibigan ang mag ex?" Sabi ko

"Okay lang naman pero...sa sitwasyon niyo?? Tignan mo nga si Zace." Sabi ni  Haziel

"Tss...hayaan niyo nga sila." Sabi ko

"Hayaan?" Sabi ni Adriel

Psh...isa pa to😑😑

"Klea...mukhang may hindi ka ata sinasabi sa amin." Sabi ni Maxine

"Ha? May hindi sinasabi?" Sabi ko

Ayoko ng malaman nila to. If nalaman nila to magagalit sila kay Zace. Ayokong magalit sila kay Zace kasi hindi niya rin to kasalanan. Kasi in the first place pumayag rin ako maging fake girlfriend niya.

"Klea kayo ba talaga ni Zace?" Sabi ni Aaron

Dahil sa ayokong sagutin ang mga katanongan nila nagwalk-out ako agad.

Di ko na rin kasi kayang pagmasdan sila Zace at anytime babagsak na ang mga luha ko.

Pumunta ako sa may rooftop at dun ko binuhos ang iyak ko.

Ansakit kasi sa pakiramdam. Siguro lalo akong nahulog sa kanya. Kasi naman eh!!!

"Kahit kailan ka talaga Klea...palagi mo na lang sinasaktan ang sarili mo." Sabi ko sa sarili ko

'Sinaktan mo na sarili mo tapos nagsinungaling ka pa.'

Alam ko naman na masasaktan ako. Pero I tried my best para hindi mahulog sa kanya pero mas lalo lang pala lumala.

Minsan rin hindi ko maintindihan sarili ko. Alam kong masasaktan ako pero ginagawa ko pa rin yung mga bagay na sa huli nasasaktan rin.

"Siguro...kailangan ko ng tapusin tong nararamdaman ko sakanya." Sabi ko

Kaya lang...how can I start may life? Hindi na ako sanay sa dating buhay ko nung hindi ko pa kilala si Zace.


************************************



VOTE AND COMMENT

Reversed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon