Disgrasyada

10.9K 208 1
                                    

Prolouge:
By:lhabzbreaker
Genre:Comedy/Romance

Siya si Gracia Mia ang babaeng isunumpa ng kanyang karibal dahil sa pang-aagaw nito sa kanyang nobyo.
Si Gracia ang babaeng reyna ng barangay.
At si Gracia ang pantasya ng kalalakihan dahil sa taglay na kagandahan.

Disgrasyada dahil nabuntis na dalaga? "Hindi."
Disgrasyada dahil may anak na walang asawa? "Hindi rin."

Eh,ano?

Disgrasyada dahil lahat ng nagiging nobyo niya ay namamatay pagsapit ng ika-unang buwan ng kanilang monthsary.
Ang gamot sa sumpa na iyon ay ang humanap si Gracia ng lalaking iibig sa kanya ng tapat para matanggal ang sumpa.

Nagtungo si Grasya sa syudad at nag-apply bilang yaya ni Zen ang lalaking prinsipe ng mga tigre--suplado,antipatiko,arogante,mayabang at saksakan ng guwapo....

Nang-mahulog ang loob niya sa lalaki ay natakot siya na baka mamatay ito sa unang buwan ng kanilang pagiging magkasintahan kaya naman nang sinabi niya sa lalaki ang tungkol sa sumpa ay tinawanan lang siya nito.

"There is no such things like that.Are you crazy?Naniniwala ka pa sa sumpa sa panahong ito.?" ani Zen sa kanya.

"Bahala ka.Kapag namatay ka diyan.Tutal kayang-kayang mo naman bumili ng kabaong.Magdonate na rin ako ng kape at asukal sa lamay mo kung sakaling matigok ka."

Pero panalangin niya na sana ay mawala ang sumpa dahil nagmamahal siya nang isang lalaking walang ibang inisip kundi ang magkasama ang namayapang nobya.Paano niya ipaglalaban ang kanyang damdamin kung gayong handa na si Zen na mahalin siya.At handa nitong kalimutan ang kanyang nakaraan?

Natatakot siyang matulad ito sa iba---dahil sa sumpa na kaakibat ng buhay niya.

DisgrasyadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon