Chapter22
Paniwalang-paniwala ni Bel si Gracia sa ginawa niyang pagpapanggap bilang ina ni Zen." Ang boba!"natatawa niyang sabi saka tinanggal ang suot na maskara at isang maliit na microphone change voice sa loob ng kanyang damit.
Dahil sa galit at insultong natamo nito kay Gracia ay nagngi-ngit siyang nagtungo si Bel sa bahay nila Zen.Kailangan niyang turuan ng leksiyon ang walang-hiya.Hindi yata siya nawawalan nang masamang plano laban sa dalawa.
Nagtawag si Bel ng dalawang kalalakihan para pasukin ang bahay ng lalaki.Pinerahan niya ang mga ito para sumunod sila sa kanyang utos.
Pinahanap niya ang Ginang sa loob ng bahay at pinakulong ito sa bodega.Pilit na nagpupumiglas ang Ginang ngunit wala itong kalaban-laban sa dalawang lalaki na may malaking panga-ngatawan.
Tinalian nila ang kamay at paa nito at tinakpan ang bibig para hindi makahingi ng tulong."So,how is the old woman?Ginawa niyo bang mabuti ang pinagawa ko sa inyo," ani Bel sa dalawang lalaki.
"Opo,Ma'am, kumpirmado pong wala itong kawala.Tinalian po namin siya ng mabuti para hindi makatakas," anito.
Tinignan niya ang mga ito bago kinuha ang puting sobre mula sa kanyang bag na naglalaman ng fifty-thousand peso.
"Oh,heto,ang kabayaran ng ginawa niyo.Makakaalis na kayo at huwag na kayong magpapakita sa akin," ani Bel.Ngumisi naman ang dalawang lalaki ng makita ang nilalaman ng puting sobre bilang kabayaran sa utos nito sa kanila.
"Salamat po Ma'am."
Saka nag-umpisa na ang mga itong umalis at nagbubulungan kung paano hahatiin ang perang nakuha.Nagtungo siya sa kuwarto ng Ginang at naghanap doon ng damit nito na maari niyang suotin.Ginaya niya ang pustora ng Ginang bago niya nilisan ang loob ng Kuwarto.Nang makita niya ang resulta ay nangiti siya sa ginawa niya.
"Kung akala mo maiisahan mo ako ambisyosa kang Grasya ka.Mas matalino kaya ako kaysa saiyo."ani Bel na nag-anyong Mama ni Zen at saka nagtungo ito muli sa flower shop.
Ginaya rin nito ang pananalita ng Ginang.Pinagawa pa niya ang maskara sa isang shop kung saan gumagawa ang mga ito ng manikin or props para sa mga festival.Isinuot niya ang pekeng mukha nang Ginang at nakangiting nagtungo sa flower shop ni Gracia.
Nang makaalis na si Bel ay sakto namang nagtungo ang hardenero nila Zen sa bahay ng mga ito.Nang ilang beses itong nagdoorbel ay walang sinuman ang nag-atubiling pagbuksan siya.Ngunit napinsin nang matanda na nakabukas ang malaking gate ng bahay.
Tila may nag-udyok sa matanda na pumasok roon. Sa isip nito ay baka pinasok nang magnanakaw ang bahay ng kanyang among lalaki.Pero nasaan kaya si Madam tanong nang matandang hardenero sa kanyang sarili.
Naglakad itong nagtungo sa bodega para kumuha nang armas kung sakali mang may magnanakaw sa loob nang bahay.Nang mabungaran niya ang Ginang sa loob.Laking gulat niya nang makitang nakatali ang Ginang sa kinauupuan at niligyan pa ng tape ang bibig para hindi ito makahingi ng tulong.
"Madam?" Gulat na bulalas ni Mang Tonyo."Ano pong nangyari sa inyo?Sino po ang gumawa nito sa inyo?" taranta at sunod-sunod na tanong nito sa amo.
"Tonyo,tulungan mo muna akong tanggalin ang tali sa kamay at sa paa ko," ani Ginang nang natanggal na ang scotch tape sa bibig.
"Tumawag ka nang pulis at tawagan mo si Zen."

BINABASA MO ANG
Disgrasyada
Romance(COMPLETED)Si Gracia Mia ang babaeng disgrasyada dahil siya ay isinumpa.