Disgrasyada

2.7K 84 0
                                    

Chapter23

23 years later.....

Nabigla si Zayn nang maabutan niyang nakahandusay sa sahig ang mama niya sa kuwarto.Nagkalat ang mga walang laman na bote ng alak sa paligid.

Mabilis siyang lumapit dito.Niyugyog niya ang mga balikat nito.
"Ma!"

Napuno nang takot and dibdib niya nang hindi ito sumagot.Inilapit niya ang isang tainga niya sa dibdib nito.Narinig niya ang tibok ng puso nito.Nang hindi siya makonteto ay kinapa niya ang pupulsuhan nito.May nadama siyang pagpitik doon.

Iniikot niya ang mata sa paligid.Nakita niya sa kama ang isang boteng lalagyan ng mga gamot.Napamura siya nang damputin iyon at mapagtantong bote iyon ng sleeping pills.Marahil ay sabay-sabay na ininom nang mama niya ang mga iyon.

"Ma,wake up!"

Halos hindi siya makahinga sa sobrang kaba.
"Ma,wake up!" tawag niya uli rito,pero hindi pa rin ito kumikilos.Buong lakas niya itong binuhat palabas nang kuwarto.
"Tita,kunin mo yung susi ng kotse ko," utos niya sa Tita Glenda niya na kararating lang sa bahay nila.
"Dalhin natin si Mama sa ospital."

Agad naman na tumalima ang Tita nito.Ilang Sandali pa ay narating na nila ang hospital.Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang sabihin ng doctor na ligtas na ang mama niya.Pinagmasdan niya ito habang natutulog sa hospital bed.Kasabay ng mga luha niya ay ang pag-usbong nang galit sa puso niya.

Twenty-three years na ang nakakalipas mula ng iwan sila ng Papa niya upang sumama sa ibang babae.Hindi pa siya naiisisilang nang kanyang ina ay iniwan na sila nito at hindi man lang nagparamdam sa kanila kung buhay pa ito.

After the incident, na tinangay ito ni Bel ay hindi na nila natagpuan ang dalawa.Ang sabi nang mama niya ay may kaakibat na sumpa ang buhay nito kaya hindi ito puwedeng magmahal nang sinuman dahil lahat nang mamahalin nito ay mamatay.

But until now,hindi nila matagpuan ang kotse na lulan ng mga ito bago nawala.At ang katawan ng mga ito.
And it's still possible na buhay pa sila.
Her mother suffered much loosing his father.

Lumaki siya na fatherless.Ngunit kahit wala siyang ama ay mahal na mahal naman siya nang mga taong nakapaligid sa kanya.Hindi niya inaasahan na magiging ganito ang mangyayari sa Mama Gracia niya habang nangungulila ito sa kanyang ama.

Nasasaktan siyang nakikita itong malungkot at palaging umiiyak.Hindi nito matanggap na tuluyan na silang iniwan nang Papa niya.Araw-araw itong naglalasing at napabayaan na ang kanyang sarili.

"I'm sorry Zayn." pukaw nang Tita Glenda niya nang makitang umiiyak siya.
"Okay pa naman ang mummy mo no'ng iniwan ko siya.I just dropped by sa flower shop dahil tinawagan nila ako about sa flower arrangements sa isang big event," paliwanag nito.

Natatakot siya dahil baka kung ano pa ang maisipang gawin nang mama niya kapag lalo itong na-depress.Ipinagpasalamat na lang niya na sleeping pills ang ininom nito at hindi lason dahil kung hindi nagkataon ay maulila siya sa ina.

Sa unang pagkakataon ay nagalit siya sa kanyaw ama,lalo na sa babaeng kasama nito.

"Don't worry Tita.The rescuers squad is searching for my Dad until now.At according sa mga nakasaksi ay malapit na siyang matagpuan." anito."Only that he doesn't want to come out and see us."

"Zayn---"

Napukaw ang atensiyon niya nang tawagin siya ng kanyang Mama.Hindi niya namalayan na gising na pala ito.Hinaplos niya ang noo nito.
"Ma?"

Tumulo ang mga luha nito.
"Zayn,ang Papa mo..."

"Ma,don't say anything.Baka makasama sa inyo." Hinawakan niya ang kamay nito.

"I need your father.Where is he?" sabi nito sa pagitan nang luha.

Nakaramdam siya nang sakit para sa kanyang ina.
"Wala na sa atin si Papa,Ma." malungkot na sagot niya.

Malaking bangungot ang karanasan ni Gracia sa kamay ni Bel.Magmula ng tinangay ni Bel si Zen ay hindi na nila natagpuan ang mga ito.That woman hide him kung saan na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakakita sa dalawa.

They can't be dead dahil wala namang binalita na patay na ang mga ito.
Unti-unting nawalan nang pag-asa si Gracia.Hindi niya matanggap na ang lalaking minamahal niya ng sobra ay nawala rin sa buhay niya.At lalo nang lumalaki ni Zayn.

She looked at his son.Carbon copy ito ni Zen.At tuwing nakikita niya ang anak ay lalo niyang namimiss si Zen.Kaya naman lalo siyang na-depressed sa pagkawala nito sa kanya.

Bigla itong humagulgol.
"I need your father!"sigaw nito.
"Ibalik mo ang papa mo,Zayn."

"Ma,please."

Dahil sa kundisyon nang kanyang ina ay sa States nag-aral si Zayn.Kinuha siya nang kanyang Lola doon.Hindi naman tumanggi ang Mama niya nang ipaalam siya nito para doon mag-aral para mabigyan siya ng magandang kinabukasan.

Nagkatinginan sila ng Tita Glenda niya.Tuwing umuuwi siya ng Pinas para magbakasyon ay palaging ganyan ang sinasabi nang Mama Gracia niya.But he can help it.She loves his Dad too much.

Pinangako niya sa Mama niya na kapag nakapagtapos na siya nang pag-aaral ay hahanapin niya ang nawawala niyang ama.But where to start?It's almost 23years of decades.
How is going to search for a lost person?

"That bitch!" nanggigigil na sigaw nito.
"Hindi ako iiwan nang Papa mo kung hindi dahil sa babaeng 'yon!"

"Ma,please,baka mapano kayo."

Tinitigan siya nito.Mababakas sa mga mata nito ang matinding hinagpis.
"Zayn,please,do something.Hanapin mo ang Papa mo.Pakiusapan mong bumalik siya sa atin."

Hinaplos niya ang buhok nito.
"I will.I promise."

Pero ang totoo ay hindi niya alam kung paano hahanapin ang kanyang ama.Pagkatapos kasi nang maraming taon ay sumuko na rin ang mga pulisya para hanapin ang tumangay sa ama niya.Wala na silang balita kung nasaan na ito ngayon.

Gusto niyang ipaalam sa ina na matagal nang panahon na nawawala ang kanyang ama ngunit lalo lang niya itong masasaktan.Sa isip nito ay buwan lang at hIndi taon na nawawala ang Papa niya.

Sabi nang lola niya ay maliit lang Pinas ngunit bakit hindi nila matagpuan ang kanyang ama at ng babaeng nag-ngangalan ng Bel.As long na wala sila Pinas at changed their identity.

Baka naman may malaking rason ang kanyang ama kung bakit hindi ito nagparamdam sa kanilang mag-ina.Whatever is the reason.He need to find out!Bahala na kung matagpuan man niya o hindi ang nawawala niyang ama.Bilang pangako sa mama Gracia niya na hahanapin niya ito.

DisgrasyadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon