Chapter14
Nagtatalo ang isip ni Zen kung tatawagan ba niya si Gracia upang sabihing nasa labas siya ng bahay nila o kakatok na lang basta upang masorpresa ito.Dalawang araw nang hindi nagpaparamdam sa kanya ang dalaga magmula ng umalis ito sa bahay niya.
Napatingin siya sa hawak niyang kahon ng cake na gagawin niyang panuhol kapag nagalit ito sa pagpunta niya na walang abiso.Akmang kakatok na siya nang biglang bumukas ang pintuan.Inakala niyang si Gracia iyon.
"I know that you didn't call me.Alam ko kasalanan ko ang nangyari but handa akong panagutan ang nangyari sa atin.Bigla ka na lang umalis nang walang paalam pagkagising ko ay wala ka na."
"Ahh,excuse me,Sir."
Napanganga siya sa pagsasalita nang mapansing hindi iyon boses ni Gracia.Ibinaba niya ang hawak na cake at ngumiti nang tabingi sa babaeng nakakunot noong nakatingin sa kanya.
"Sorry.Akala ko ikaw si Gracia.Nandiyan ba siya?Puwede ko ba siyang makausap?" sunod-sunod niyang tanong sa babaeng kaharap.
"Ah,hinahanap mo si Ate.Wala siya ngayon dito sa bahay,eh.Nagtungo sa probinsiya para sa medical mission nila.Ano bang kailangan mo sa Ate ko?"
"Ibibigay ko lang sana sa kanya itong cake,"pagsisinungaling niya pero ang totoo niyan ay namimiss na niya ang babae kaya nagbakasakali siyang puntahan ito sa bahay nila.
Tumango si Glenda.
"Bumalik ka na lang next week,Kuya.Isang linggo lang naman sila doon.Sino ka ba?" nakangiting tanong nang kapatid nito."K-kaibigan ko siya," nahihiya niyang sabi.
""Ah,ganun ba?"nakangusong sabi ng dalaga."Hindi mahilig si Ate ng cake,kuya.Kaya kung aakyat ka nang ligaw sopresahin mo siya ng maraming bulaklak," tapik nito sa balikat niya at nag-umpisang naglakad palabas ng bahay.
"Sandali,Miss!Paano 'tong cake," tanong niya sabay taas.
"Eh,di' iyuwi mo.Tapos ikaw nalang ang kumain kuya," nakangisi niyang sabi.
"Mauna na ako saiyo kuya,may klase pa ako,Paalam," at naglakad na ito palayo sa kanya habang sinusundan pa rin niya ito ng tingin hanggang naglaho ito sa paningin niya.Naglakad na si Zen patungo sa kanyang sasakyan.Akmang bubuhayin na niya ang makina ng kanyang sasakyan ng may kumatok sa bintana.Ibinaba niya ang bintana at tinanong kung ano ang kailangan nito.
"I haven't told you who I am," seryosong sabi nito.
"I'm Glenda,younger sister of Ate Gracia,"pakilala nito sa kanya.Hindi siya makapaniwala sa kwento ng kapatid nito na isinumpa si Gracia nang kaibigan niya dahil lang sa lalaking pareho nilang minamahal.
Sino naman ang naniniwala sa sumpa sa panahon ngayon?Zen nearly laugh out loud ng marinig niya mismo sa bunganga ng nakakabatang kapatid ni Gracia na lahat ng naging kasintahan nito ay namatay.Natatakot raw ito na baka pati siya ay matulad rin kung sakaling maging kasintahan siya nito.
Only God can do that.Siguro naman ay nagkataon lang ang lahat at disgrasya ang mga pangyayari.Hindi naman nito hawak ang kapalaran ng mga ito.Bigla tuloy siyang nalungkot sa kalagayan ng babae.
Kaya ba siya nito tinakbuhan at tinaguan?Nanlumo siyang umuwi sa bahay niya.Her mother went to the market para mamalengke dahil ipagluluto raw siya nito ng paborito niyang ulam.Naupo siya sa sala at ini-imagine niya ang lukaret na si Gracia.
Nasa ganun siyang ayos nang madatnan siya ng kanyang mummy.
"Oh,anak.Nasaan na ang asawa mo?Akala ko ba susunduin mo siya ngayon para samahan tayong mg-dinner," tanong nang mummy niya habang binaba nito ang mga gulay na pinamili."Ma,do you believe in...Sumpa,?" imbis na sagutin niya ang ina ay iba ang lumabas sa bibig niya.Gusto niyang makasiguro na hindi totoo ang sumpa gaya ng akala ng lahat.
Biglang natigil ang mum niya sa ginagawa at tinignan siya ng masinsinan.Nang mapansin nitong seryoso siya ay sinagot siya nito.
"Ang sumpa ay isang uri nang galit mula sa taong kagalit.But whatever it is a person must have faith.Hindi lahat ng sumpa ay nagkakatotoo.Depende lang sa tao kung paano siya magtiwala," paliwanag nito.
"How about true love?" ani Zen sa ina.
"Yes,there is true love darling.Like how you love Jena before.Pero nag willing kang mag-move on at ipina-ubaya mo na siya sa Maykapal.Kaya ka nga nakahanap ng true love,di'ba?"
Kung totoong pag-ibig ang wawasak sa sumpa ni Gracia bakit kailangan siya nitong pagtaguan at iwasan.
"So,where is your wife?"
muling tanong ng mum niya."May medical mission po sila Ma,next week pa ang balik nila dito sa Maynila.Puntahan ko nalang siya muli kapag nakauwi na sila," ani Zen sa mum niya.
Nakahiga na si Zen sa kama niya.Hindi siya makatulog namimiss na niya si Gracia.Mas nalulungkot lalo siya pag lumalabas sa diwa niya ang nakangiting mukha ng babae at ang nakasimangot nitong mukha tuwing inaasar niya.
Isang linggo na ang nakakaraan at nakabalik na sina Gracia sa kanilang medical mission.Kahit paano ay naging maayos ang lahat.Mababait ang mga tao roon.They even gave them fresh vegetables bilang pasasalamat.
Nakahiga siyang patagilid sa kanyang kama habang nagfe-facebook.Bumukas ang pintuan ng kuwarto niya pero hindi siya nag atubiling lumingon.Nagpatuloy lang siya sa kanyang ginagawa.Naramdaman niyang umupo sa kama niya ang may-ari ng katawan.
"May kailangan ka ba?Pagod ako ngayon,Glen.Mamaya na tayo mag-usap."
"How are you?" natinigan niya ang boses.It's Zen voice namiss na niya ito.
Oh my gosh.What are you doing her.Nangingiti siya at kinikilig dahil si Zen pala ang pumasok sa kuwarto niya.Nais niya itong halikan at yakapin pero pinigilan niya ang sarili.Malandi kang Gracia ka.Behave!
Bigla niyang nabitawan ang hawak na cell phone at nais niya itong isalba para ngunit bigla siyang nawalan nang balase at nahulog sa kama.
"Ouchhh!"bulong niya ng masubosob siya sa sahig."Kasalanan mo to',eh!Bigla ka nalang nanggugulat parang multo na laging nag-a-appear.
"Ano bang kailangan mo?Importante ba yan?"ani Gracia na sapo-sapo ang noo."Masakit ba?" tanong ni Zen at inilihis ang buhok niya na tumatabing sa noo niya.
"Don't touch me you,jerk!Why you here.Buhay ka pa pala,huh!"
Narining niyang tumawa ito.
"Baliw,syempre buhay pa ako.I wont leave you ng basta-basta lang.Gagawa pa tayo ng maraming apo ni Mummy," ani Zen."Baliw ka rin!Anakan mo sarili mo!Akala mo sa akin baby maker," galing sa ilong niyang sabi but the real is kinikilig siya sa sinabi ni Zen.
Relax..relax ani isip niya.
BINABASA MO ANG
Disgrasyada
Romance(COMPLETED)Si Gracia Mia ang babaeng disgrasyada dahil siya ay isinumpa.