Chapter1
"Graaaaasssyyyaaaaaa!" malayo pa lang ay naririnig na niyang sumisigaw ang kanyang kapatid na tila tarantang-taranta ito at pawisan sa mabilisan nitong pagtakbo.
"Ano bang problema mo?Kung makasigaw ka abot hanggang Apari eh,nandito lang naman ako malapit saiyo," ani Gracia sa kapatid na hinihingal at habol ang hininga.
"N-nabalitaan mo na ba ate Grasya?" tanong nito.
"Hindi ko pa nababalitaan.Ano ba yon?" nayayamot niyang sabi.
"May namatay sa kanto,Ate." Pasuspense nitong sabi sa kanYa
"So?" mulagat niya sa kapatid.
"A-ate alam mo ba kung sino yung nilalamayan doon?
Yung bagong nobyo mo yun,Ate,si kuya Nardo," balita nito. "Inatake raw ng hika kaya yun ang ikinamatay."What?Pangatlong boyfriend na niya si Nardo at kagaya ng mga nauna niyang naging nobyo ay namatay rin ang mga ito sa tuwing idinaraos nila ang ika-unang buwan ng kanilang monthsary.
Dahil siya ang dahilan ng mga trahedya sa mga nangyayari sa kanilang barangay ay naiisipan ni Gracia na mamasukan bilang yaya ng lalaking nanghihingalo ang buhay este hindi pala maka-move on sa buhay.
Siya ang sinisisi sa pagkamatay ng mga naging nobyo niya sa kanilang lugar.Tulad na lang kay Gilbert ng mahulog sa pinagkaka-karpenteran nitong gusali hindi nakakapit ng maayos at walang safety belt kaya namatay nang bumagsak ito sa lupa dahil tumama ang ulo nito sa malaking bato.
Ganun din si Anton nang may night-shift ito bilang delivery man ng Mcdo at nakabungguan ang malaking ten-wheeler truck at nasagasan ang ulo at dead to the spot bago pa maisugod sa hospital.
Ngayon naman ay si Nardo na ilang linggo palang niyang kasintahan.Totoo ba ang isinumpa sa kanya ni Diana na mamatay lahat ng magiging nobyo niya dahil sa pagtataksil nilang dalawa ni Boyet noon?Pero ilang taon na ang nakalipas teen-ager palang sila noon at galit lang naman ito noon sa kanya.
Dahil puro kamalasan ang nangyayari sa kanya sa kanilang lugar ay naisipan ni Gracia na umalis muna sa kanilang lugar.Siguro ay mas mainam nang lumayo muna siya dahil siya ang sentro ng usapan at siya ang sinisisi sa mga nangyayaring trahedya.
Nang minsan dumalo siya sa lamay ay hindi siya pinapasok ng pamilya ni Nardo.Siya raw ang sanhi ng pagkamatay nito kaya galit ang mga ito sa kanya.
Kasalanan ba niya kung aksidente naman yung nangyari sa kanyang nobyo?Kaya bago pa maghesterikal ang Nanay nito ay hindi na lang siya tumuloy.Pinagdasal na lang niya si Nardo at humingi ng kapatawaran sa sinapit nito.
"Lord,kung totoo man po yung sumpa bigyan mo po ako ng sign kung paano ito tanggalin," panalangin niya sa Panginoon.
Kahit walang kasigaraduhan na siya nga ay isinumpa.Kaya heto siya ngayon malayo sa kanyang pamilya.Para maiwasan na madamay ang mga ito sa binigay niyang problema.Sa Awa ng Diyos ay naunawaan naman siya ng kanyang mga magulang kung bakit kailangan niyang umalis.
"Sir,you have to eat.Hindi ko kayo mapapainom ng gamot na wala pong laman ang tiyan," nag-aalalang wika ni Gracia sa kanyang among lalaki.
Halos magmakaawa na siya rito para lang kumain ito pero nanatili itong matigas sa pagtanggi.Bumuntong-hininga siya at naawang tumingin dito.
Dalawang taon nang nasa ilalim ng matinding depresyon ang kanyang among lalaki pagkatapos pumanaw ang nobya nito sa araw ng nakatakda nilang nalalapit na kasal.
Naawa siya sa kalagayan nito dahil hindi ito maka-move sa pagkawala ng mapapangasawa nito,sana.Mas matindi pa pala ang kinasasapitan nito kaysa sa kanyang sumpa.
"Gracia,I want to see your Ma'am Gina.Dalhin mo ako sa kanya," wika ng amo niyang lalaki.Nakatingin lang ito sa kawalan gaya ng madalas nitong sinasabi.
"Wala pa po si Ma'am Gina,Sir.
Nasa clinic pa po siya," sabi niya.Iyon ang madalas niyang isagot dito tuwing hinahanap nito ang kanyang nobya.Hindi niya puwedeng sabihin dito ang totoo dahil tiyak na magwawala na naman ito.
Dalawang taon nilang pinalabas na buhay pa ang nobya nito alang-alang sa amo niyang lalaki na ayaw maniwalang patay na ang nobya nito.
"Kapag nalaman niyang hindi na naman po kayo kumain,mag-alalaa na naman iyon.You wouldn't like that,would you?" pananakot niyang sabi sa among lalaki.
Sa wakas ay tumingin ito sa kanya,pagkatapos ay sa plato ng pagkaing hawak niya.Agad siyang kumutsara ng pagkain at isinubo iyon dito.Matyaga niya itong pinakain at pinainom ng gamot,pagkatapos ay binantayan niya ito hanggang makatulog.
Ganun ang eksena nila araw-araw.Ang maraming taong pag-aalaga niya sa lalaki ay hindi man lang ito nagpakita ng konting motibo na handa na itong gumaling mula sa sakit nitong depresyon.
Minsan ay nagawawala rin ito tuwing naalala ang pagkamatay ng nobya nito tulad na lang ng isang araw habang naglilinis siya ng kuwarto nito ay bigla siya nitong binulyawan.
"Get lost.!"
Mabilis siyang nakailag mula sa lumipad na inihagis ni Zen nang nakita siyang pumasok sa loob ng kuwarto nito.
"Alam mo Sir,sayang ka.Dahil lang sa trahedyang nangyari sa nobya mo ay hindi mo kayang magmove-on.Sa tingin mo masaya siya ngayon sa nakikita niya saiyo?Sir,patay na si Ma'am Gina.Hinding-hindi na siya babalik dahil nasa kamay na siya ng Diyos," inis niyang sabi sa amo.
"Hanggang kailangan ka ba magluluksa?Sasayangin mo na lang ba ang buhay mo dahil lang sa pagkamatay niya.Life is beautiful and wonderful hindi lang siya ang tao na puwedeng magbigay ng saya saiyo.Ang pamilya mo--"
"Who are you to say that?Hindi kita hinired para makialam sa buhay ko.Kung hindi ka masaya sa paninilbihan mo dito ay maari ka nang umalis," ani Zen na matalim na nakatingin sa kanya.
"Masama bang magbigay ng opinion.Mabulok ka diyang mag-isa dahil diyan sa pagluluksa mo," inis niyang sabi sa lalaki saka niya ito iniwan.
"Sir,huwag mo rin palang kalimutan na maraming chicks ang nag-aantay saiyo sa labas," biro pa niyang sigaw bago naglaho sa paningin ng lalaki.
Ang guwapo pa naman ng amo niyang lalaki ngunit mukha na itong hooligan dahil sa mahaba nitong palbas na hindi na yata nito magawang ahitin.

BINABASA MO ANG
Disgrasyada
Romance(COMPLETED)Si Gracia Mia ang babaeng disgrasyada dahil siya ay isinumpa.