Chapter27
"Ano papapasukin mo ba ako o sisilapan na lang?" tila iritadong tanong niya sa lalaki na kanina pa nakatutok ang mga mata nito sa kanyang basang blusa.
"Hindi ko kasalanan kung nasilipan kita." wala sa sariling sagot nito.
Saka siya nito tinalikuran at nagtungo sa isang kuwarto.Paglabas nito ay may dala na itong isang tuwalya at bihisan.Muli ay pinasadaan nito ang kanyang didib ng isa na namang sulyap.
"Makasalanang mata," bulong ni Alexa nang talikuran na siya nang lalaki pagkatapos nitong iabot sa kanya ang damit bihisan.
"May sinasabi ka ba?
"May narinig ka rin ba?" ani Alexa
"Wala---"
"Wala naman pala,eh.So,may I use your toilet now.Bumaha na kasi rito Mr.Nakakahiya naman kung masira ko ang sahig nang bahay niyo," aniya.
Nagbigay-daan ito para makapasok siya sa magarang sala ng bahay.Dahil basang-basa ang suot niya ay tumutulo na iyon sa sahig.Bago pa siya makahingi nang paumanhin ay
itunuro sa kanya ni Zayn ang kinaroroonan nang banyo.Nagtungo siya sa may kusina kung saan naroon ang banyo.She quickly remove her wet clothes at sinimulang maligo para hindi siya magkasakit.Marami pa naman siyang pasyente na nagpa-schedule para magpa-check up sa clinic niya.
Nasa sampung minuto pa lang siya sa loob ng banyo nang biglang namatay ang tubig at bigla ring namatay ang ilaw.Wala siyang makita sa sobrang dilim.Wala man lang bintana na puwedeng daanan ng liwanag.
Bigla siyang nagpanic.She is naked inside.Hindi niya makapa ang tuwalya at hindi rin niya makita ang kanyang bihisan.Naiinis siyang binuksan ang pintuan ng banyo at inuwang niya iyon ng konting siwang lang at nagtago may likuran bago binuksan.
"M-Mr.Antipatiko!" malakas na sigaw niya.
"Hoy!Tulungan mo naman ako rito,Oh!"Napaigtad siya nang biglang sumulpot sa kanyang harapan ang walang-hiya.Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa pagkagulat.Lalo na't ilaw nang cell phone ang hawak nito. Nabigla rin siya nang makitang wala itong pang-itaas.
Mabuti nalang at madilim at nakasilip lang siya dahil kung nagkataon nakaharap ito ay makikita nito ang reaksiyon niya.She felt herself burning with embarrassment when she realized how intimate their position was.
Bigla nalang kasing pumasok ito sa banyo dala ang ilaw nito kaya naman hindi niya napigilang tabigin iyon.Nawalan siya nang balense kaya napakapit siya sa leeg nang lalaki.Agad namang yumapos ang braso nito.Napasinghap si Alexa.
"L-let me go!Ang sabi ko bitawan mo ko'," nahihiya niyang sabi rito at naituon ang paningin sa dibdib nito.
Oh,my.Look at that chest.It looks so sexy and mouthwatering.Pinakawalan siya nito at muntikan na siyang bumagsak buti nalang at mabilis niyang nakapa ang doorknob.All right,he was oozing with sex appeal pero saksakan din ito ng kaarogantehan.
"Get dressed.Ihahatid na kita sa inyo."
Napamulagat siya.Shit!Nakalimutan niyang nakahubot-hubad pala siya sa madilim na banyo kasama ang lalaking ito.Which actually meant she was...she was really naked.At least,it was dark.Still,hindi pa rin nararapat na makita siya ni Zayn na ganoon ang ayos.
BINABASA MO ANG
Disgrasyada
Romance(COMPLETED)Si Gracia Mia ang babaeng disgrasyada dahil siya ay isinumpa.