Chapter10
Magdamag na hindi nakatulog si Gracia nakatitig lang siya sa malinis na kisame habang nakahiga sa malambot niyang kama.Pabaling-baling siya ng higa.
Ano bang nangyayari sa akin?Why I can't sleep.At bawat pikit niya ng kanyang mga mata ay mukha ni Zen ang lumilitaw.Totoo bang nagkakagusto na ako sa mokong na iyon?No,hindi puwedeng magka-gusto ako sa kanya.
Madaling araw na nang dalawin si Grasya ng antok.Kakaidlip palang niya nag biglang tumunog ang kanyang cell phone.Naalimpungatan siya sa ingay niyon.Mula sa kanyang shop nanggagaling ang tawag.
"Hello," inaantok pa niyang boses nang sagutin ang tawag.
"Hi Ate,Im at your shop.Anong oras ka pupunta dito?" tanong nang kapatid niyang nasa kabilang linya.
"Wait for me.Im coming," ani Grasya.Nag-inat muna siya bago bumangon.Dali-dali siyang nagbihis at nagtungo sa garahe kung saan naroon ang kanyang motorsiklo.Nakalimutan na niyang magpaalam sa mag-ina dahil sa kanyang pagmamadali.
Natanghali na rin nang gising si Zen.Dati-rati ay ginigising siya nang kanyang Yaya kapag ganitong oras pero himala yata dahil hindi siya inabala ngayon.
Wala sa sariling bumangon si Zen.Wala rin siyang naririnig na ingay o kaloskus man lang na nagmumula sa sulok nang kanyang bahay.
Lumabas ito nang kanyang kuwarto at tinungo ng kanyang mga paa ang kuwarto ni Grasya.Kinatok niya iyon pero wala siyang narinig na boses nang babae at walang nagbukas ng pintuan.Ilang minuto niyang hinintay na pagbuksan siya nito pero naghintay siya sa wala.
Nangahas na pinasok ni Zen ang kuwarto ng kanyang Yaya nagulat si Zen dahil ang linis at nakaligpit na ang pinaghigaan nang babae.Ang sinop nang kuwarto nito at ang ayos.
Wala sa sariling binuksan niya ang cabinet nang babae kung nandun pa ang mga damit nito.Kinakabahang dahan-dahan niya itong binuksan.
Nandun parin ang mga gamit nang babae.Hindi pa siya nito iniiwan.Shit!Why I need to.Saan kaya nagpunta yun?Ah,baka nagpunta sa flower shop..Tama sa flower shop.Para kumuha nang flowers kay Mama.
Napangiti si Zen sa kaisipang iyon.Ang swerte talaga niya may Yaya na siya may Misis pa.Ngisi-ngisi niya sa sarili.Saka tinungo ang kusina para magtimpla nang kanyang kape.
Pagdating ni Grasya ay nabungaran niya ang nakabusangot na mukha ng kanyang kapatid.
"What is the problem here?"
"A-ate,I'm sorry," anito,saka tinapunan ng masamang tingin ang matangkad na lalaking kaharap nito.Si Franz,ang nobyo ng kanyang kapatid.
Napapailing na nagtungo siya sa kanyang office table.Saka dinampot ang isang red roses na nasa harap niya saka inamoy iyon.She feel relax kapag nakakakita siya ng bulaklak at naka-amoy.
She was five years older than her sister.Schoolmates ang mga ito sa isang private university.Obviously ay may LQ na naman ang dalawa na parang naging habit na nang magkasintahan.
Kahit hindi niya tanungin ang mga ito kung ano kanilang problema ay alam na niya ang kasagutan.
"So what is the issue,may babae na namang dumidikit sa guwapo mong boyfriend?" tanong niya sa kapatid."Hindi ko nga kilala iyon,okay?" ani Franz sa defensive na tono.Tinangka nitong hawakan ang kamay ng kanyang kapatid ngunit mabilis itong iniwas.
"Hindi mo kilala pero nakikipaghalikan ka.So you're telling me that its just nothing.Close my eyes and forget everything I saw," ani Glenda kay Franz.
"I never kissed her," ani Franz."She kissed me!"
"Sorry ka,chick magnet ang nobyo mo," hindi niya napigilang sabad sa dalawa habang nakikinig sa alitan ng mga ito.
"Bakit ka kasi nagmahal ng guwapo.Ayan tuloy lagi kang nagseselos."Well,she couldn't blame Franz or those girls.Bukod sa ubod ng guwapo ang binata ay mula rin ito sa mayamang angkan.
"Two of you go back to school.Wala akong oras para pakinggan ang iringan niyo."saka binalingan si Franz. "And you,alam mong selosa si Glenda so alam mo dapat ang ginagawa mo."
Nanulis na hinablot ni Glenda ang bag nito,saka dinampot ang text book na nasa desk niya at walang paalam na naglakad ito patungo sa pinto.
"Don't you dare follow me or I'll shoot you," pagbabanta nito kay Franz nang akmang susunod ang binata.
"Damn it!" nagtatagis ang mga bagang wika ni Franz.Mababakas ang pagkaaburido sa mukha nito nang sumalampak sa kaharap niyang visitor's chair.Tumingin ito sa kanya na wari ay nagmamakaawa.
"Huwag mo akong tignan nang ganyan.I know that kind of look," bago pa man ito makapagsalita.
"I swear hindi ko kilala ang babaeng iyon ate Grace.Bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko at hinagkan ako.Pero ayaw maniwala sa akin ni Glenda.She doesnt believe me,saiyo lang naman siya nakikinig,Ate,"paliwanag nito.
"That's it.The problem is tinawagan niyo ako para gawin niyong peacemaker.Malalaki na kayo.Alam niyo na ang tama at mali.You can handle every little issue.Be matured enough.Huwag kayong pumasok sa isang relasyon kung hindi niyo naman kayang panindigan.I suggest na hayaan mo munang lumamig ang ulo niya."
She rolled her eyes and rested her back againts the executive chair.Ang dami-dami na nga niyang problema,dinagdagan pa ng mga ito.Wala sa loob na dumako ang tingin niya sa wall clock.Two o'clock na pala ng hapon.
"Go to school,you brat," pagtataboy niya rito.
"I'm busy.Hayaan mo kakausapin ko siya mamaya," ani Grasya sa nobyo nang kanyang kapatid para umalis na ito.Nawala nasa isip niya ang tungkol sa bulaklak na sinabi sa kanya ni Zen kagabi.She need to make it up.Oh,gosh nakalimutan rin niyang magpaalam kanina bago umalis.
Natataranta siyang naghanap ng mga fresh flower para sa mummy nito.Mabuti nalang at naalala pa niya kung hindi ay lagot siya sa lalaki.
"Does that mean pumapayag ka nang kausapin si Glenda?"
"As If I have a choice."
Bilang nobyo ni Glenda ay napalapit na rin ang loob niya sa lalaki.Mabait at sweet ito.Sa katunayan ay ito ang pinaka-close niyang nobyo ng kanyang kapatid.Parang nakakabatang kapatid na rin ang turing niya rito.
Agad nagliwanag ang mukha nito.Sa pagkabigla nito ay bigla siyang niyakap at nakangiting nagpaalam.After he left.
She decided na gumawa nang magandAng pumpon ng bulalak para sa mummy ni Zen.Pagkatapos niyang gawin iyon ay nagdesisyon na rin siyang umuwi sa bahay ng amo dala ang magandang pumpon ng bulaklak.
Pagkarating niya sa bahay nang lalaki ay agad niyang nabungaran itong matalim ang mga matang nakatingin sa kanya.
Did I make him angry? Sa isip ni Grasya.Nang palihim na sinulyapan ang suot niyang relo ay alas singko na pala ng
hapon.Patay kang Grasya ka!

BINABASA MO ANG
Disgrasyada
Romance(COMPLETED)Si Gracia Mia ang babaeng disgrasyada dahil siya ay isinumpa.