Chapter8
Hindi napansin ni Gracia na meron palang dumapong insekto sa balikat niya.Siguro ay dumapo ito kanina habang abala siya sa paghahalungkat ng disc mula sa cabinet.
Dahan-dahan siyang nilapitan ni Zen at hindi rin siya makagalaw sa kinauupuan niya na tila na estatwa na siya dahil abala ang kanyang mga mata sa pagtitig mismo sa mata ng lalaki
Konting hakbang nalang at mahahawakan na siya nito.
Tinaas niya ang kamay pero bago niya iyon sinenyal ay dinilaan muna niya iyon sa dumikit na cheeze mula sa chippy.Na parang bata ang dating."Opps!Hanggang diyan ka nalang," pigil niya sa lalaki.
"Don't move," utos nang amo niya na nagpatuloy lang sa paglapit sakanya
Dahil sa kakulitan niya ay tumayo siya at nameywang nang biglang naistorbo ang insektong dumapo sa kanya at lumipad-lipad ito sa mukha niya.Nagsisigaw siya at nagtatalon sa sofa sa pagka-gulat.
"Ahhhhh!Ipis...ipis!" Sabay lundag.Tawang-tawa naman si Zen sa hitsura niya na tila kakainin siya ng ipis.
"Takot ka pala sa ipis Minda," bungisngis nitong sabi.
"Patayin mo yung ipis!Huwag kang tatawa-tawa riyan!"naiinis niyang utos sa lalaki."Hanapin mo!Nakakadiri lang."
ani Grasya na nakatayo parin sa sofa."Ipis,,,,ipis....sa likuran mo!," sigaw na Zen.
"Asan?" gulat niyang tanong.
Nang bigla niyang naapakan ang gumulong na mikropono at hindi inaasahang nadulas siya.Sa pagkakataong iyon ay bago pa siya bumagsak sa sahig ay nasalo na siya ni Zen.
Pareho silang nawalan nang balanse at sabay na natumba sa sahig saka napakapit siya sa leeg nito.Sa pagkakatumba nila ay napadagan siya sa lalaki.Nagkauntugan rin ang kanilang mga ulo nang biglang mag-bounce ang kanilang mga mukha.
Sabay silang napahaplos sa kanilang mga noo at sabay na napahalakhak.
"Bitawan mo na ako!Wala nang ipis," ani Grasya na inirapan ang lalaki habang hinahaplos pa rin ang kanyang noo."Ikaw kaya yung na-nanching sa akin," nakalabi nitong pang-aasar at halos idikit na niya ang mukha niya sa babae.
"Ang bango mo,ah.Anong sabon ang gamit mo?" tanong nito saka inamoy ang buhok niya.Nasa ganun silang posisyon ng mabungaran sila ng bagong dating na bisita ng biglang bumukas ang main door ng bahay ng kanyang among lalaki.Laking gulat nito nang madatnang makalat ang loob ng sala.
Parang nasa honeymoon lang sila at bagong kasal sa posisyon nilang mag-amo na para lang silang nagkukulitan habang nakahiga sa sala.Napamulagat naman si Grasya nang makitang nakangiti ang isang magandang ginang sa kanya.
Bumarikwas sila ng bangon at inayos ang kanilang mga sarili.
"Ma, your back!Why you never told me your coming home today?Nang nasundo man lang kita sa airport," ani Zen sa biglaang pagdating ng kanyang ina.
Ngumiti ang kanyang ina."Who is this beautufil lady?" tanong nito na nakatuon ang mga mata kay Grasya."Mukhang nakakaistorbo yata ako sa inyo,ha?" nakalabing sabi nito.
"Naku,hindi po!Actually----" napatigil siya sa pag-sasalita ng bigla siyang inakbayan ni Zen at tinuloy nito ang salaysay niya.
"Ma,si Minda asawa ko," ani Zen pakilala nito sa ina.
Ngumisi naman siya sa Ginang."Oh,I didn't know my unico hijo is already married?Bakit biglaan naman yata ang ginawa niyong kasal?Why you never inform mo about it nang napaghandaan natin ang kasal niyong dalawa." nilingon siya ng Ginang.
"I'm sorry hija,nakakahiya naman saiyo na hindi naging magarbo ang kasal niyo nang anak ko.Let me handle that," nakangiti nitong sabi."Ma,hindi na kailangan," tutol ni Zen.
"We mean,ayaw namin ng bonggang kasal.Simple lang ang gusto namin ni Minda.Maybe,kapag nagka-apo na kayo.You will settle the bill for us," nakangising sabi ng kanyang amo.Anong magkaka-apo ang sinasabi mo riyan mokong na to'.Ang bilis naman yata ng memorya mo para magka-apo na ang Mama mo.Hoy!hindi ako magpapabuntis saiyo noh?Mangarap kang mag-isa mo.
Takbo ng isip ni Grasya habang nakikinig sa usapan ng mag-ina.Tinignan niya ng matalim si Zen at saka siniko ang sikmura nito.Napa-aray naman ito at tila pinipigalan ang impit na ungol.
"That's good!Now keep your stuff and we are going to eat outside for a treat.Let's go and celebrate," nakangiting sabi nang Ginang.
"Celebrate?" sabay nilang bigkas at sabay rin nagkatinginan.
"Kasalanan mo to',"ani Grasya.
"Kung ano-anong pinag-sasabi mo!""Ikaw ang na una.Bakit ako?"
"Ano'ng ako.Ikaw yun!Humanda ka dahil lagot ka sa akin mamaya!" Ani Grasya sa kanyang among lalaki.
"Bakit ano namang kasalanan ko saiyo?Kung katanggap-tanggap ang parusa ko sa Misis ko tatanggapin ko nang buong puso," nakangising sabi ni Zen.
"Misis mo mukha mo!"
Hindi niya alam kung matutuwa siya o maasar kay Zen.Pero hindi naman siya manhid para hindi makaramdam ng tuwa at saya.
Pero ang kinakatokot niya ay ang totohanin nila ang pagpapanggap.Ayaw na niyang maulit ang mga kamalasan niya sa pag-ibigTinulak niya ito pero lalong hinigpitan ni Zen ang pag-akbay nito sa kanya.Naghaharutan sila sa harap ng matanda at hindi man lang nila na pansin na pinapanood pala sila nito.
Nasa ganun silang pagtatalo na halos nakalimutan na nila na kasama pala nila ang Mama ni Zen naging invisible na ito sa harap at paningin nila.
Muntikan na nilang makalimutan na may bisita pala sila sa bahay."Okay,that's enough!Magtatalo nalang ba kayo riyan?Magbihis na kayong dalawa at samahan niyo akong kumain sa labas," utos ng Ginang.
Tumango silang dalawa at sinunod ang utos ng Ginang.
Wala na silang nagawa kundi umakyat at magbihis
"Stop arguing.O-orasan ko kayong dalawa within half an hour nasa baba na kayo," ani Ginang saka ito umupo sa armchair malapit sa kinatatayuan nito habang pinagmamasdaan silang dalawa na mabigat ang mga hakbang paakyat sa mga kuwarto nang bawat isa.
Sabay silang napalingon at napangiwi para tumango sa utos ng Ginang.
Ano naman kaya ang ginagawa nang Mummy ni Zen dito?And why Zen told to her mum na asawa siya nito.It doesn't make sense at all.
Wala siyang planong makipaglokohan kay Zen at magpanggap sa harap ng mummy nito na mag-asawa sila."Mag-asawa pero magka-iba ang mga kuwarto?" ani Ginang nang mapansing magkaiba sila ng pinasukan na kuwarto.
"Meron bang ganun?"
BINABASA MO ANG
Disgrasyada
Romance(COMPLETED)Si Gracia Mia ang babaeng disgrasyada dahil siya ay isinumpa.