Disgrasyada

3.9K 114 0
                                    

Chapter6

Kinabukasan ay maagang nagising si Zen.Hindi niya malaman kung uunahin ba niyang katukin ang kuwarto ng babae at tatanungin kung nasa maayos lang ba itong kalagayahan.

Para kasing may nagtulak sa kanya na katukin ito.
In her sense na baka mapagkamalan na naman niya itong baliw dahil sa mga katagang lumalabas sa bibig nito.

He took a deep breath and blow it out in a big puffed.Saka nagbilang hanggang tatlo bago kinatok ang pintuan ng kanyang Yaya.Tulog pa kaya siya?

Hindi napigilan ni Grasya na humikab habang nagsasalita si Zen.Tatlong oras lang kasi ang tulog niya.Inaantok pa siya pero dahil sa pang-iistorbo nito ay napilitan siyang bumangon.

"Do you sleep well last night?" nakakunot-noong tanong ni Zen kay Grasya.

Hindi niya sinagot ito dahil inaantok pa siya.Kung puwede lang niyang ipagtabuyan ito ay ginawa na niya.Unti-unting bumigat ang tulikap niya.Nang muling magsalita ito at niyugyog pa ang balikat niya.

"Are you listening to me,Minda?"nakakunot noong tanong ng amo niya.

Sumimangot siya."Obvious bang hindi?Im not Minda,Im Gracia,okay."Ipinilig niya ang kanyang ulo para palisin ang nararamdamang antok.
"Hindi ako nakatulog magdamag dahil minumulto ako ng jowa mong dedski!You know,she's dead but you keep on thinking of her.My God let her go!"

Tuluyan nang nawala ang antok niya.Baka isipin na naman nito na gumagawa siya ng kwento or nasisiraan ng bait.The hell this jerk!

"Bakit ka nga uli nandito?At sino ang naghired saiyo para makapag-trabaho sa bahay ko?"

Bumuga siya ng hangin.Hindi ba nito binasa ang bio niya at kailangan pa nitong interview-hin siya sa ganitong kaaga.Hindi pa nga siya nakakapag-mumog.
Amoy panis na laway pa nga ang bunganga niya.

"Sir,Can you please,excuse me.Mamaya na kita sasagutin ha?Ilasta mo lahat ng katanungan mo and I will answer it straight away.Mag-toothbrush lang po ako,saglit." saka tumayo na sa kanyang kinahihigaan at deretso tinungo ang banyo.

Isa siyang Nurse.Dahil sa propesyon niya ay marami silang natutulungang mga tao partikular na ang mga bata sa liblib na probinsiya.Bukod doon ay kabilang siya sa isang international organization na tumutulong sa mga kapus palad.

Namimigay sila ng libreng gamot at bitamina na karaniwang galing sa mga donasyong nalilikom ng organisasyon.Totoong maliit ang kinikita niya ngunit masaya siya sa kanyang ginagawa.
Walang katumbas na halaga ang ang saya na nararamdaman niya tuwing pinapasalamatan siya ng mga natutulungan niya.

"So,how do you ended her in my house?" nagtatakang tanong ng lalaki ng sabay na silang kumakain ng agahan.

"Ganito kasi yan.May kaibigaN akong nagrekomenda na alagaan ka.Ang sabi sa akin you are suffering from a depression.Wala akong ka-alam-alam kung anong klaseng sakit ang dumapo saiyo but the truth is you are not depress its literally deeply emotion."

"Paano ka nakakasigurong depressed ako?" ani Zen.

"Paulit-ulit na lang ang mga tanong mo,Sir.Wala na bang bago?"

Napailing si Grasya.Paano kaya niya ito palilinawagan?Baka naman nag-iimbistaga ito tungkol sa kanya?Hindi naman siguro ito mag-uungkat ng mga katanungan kung walang nalalaman.

"Pack your things.Ihahatid na kita sa inyo?"

"Pero Sir,nasa Amerika na nakabase ang pamilya ko.Doon na sila naninirahan ngayon.At saka hindi ako puwedeng pumunta ng Amerika," pagsisinungaling ni Grasya.

"Bahala ka na sa buhay mo,malaki ka na."Tumayo na ito,saka mabilis na naglakad patungo sa kuwarto nito.
"Mag-eempake kana."

"Sir huwag!Maawa ka wala akong uuwian.Puwede bang tumira muna ako dito sa bahay mo kung aalis ka.I will take care of your house.I will clean it everyday,please," ani Grasya na inaksyon pa ang mga kamay niya sa pagbigkas ng please.

Lumingon ito,saka matalim na tinignan ang kanyang hitsura.

"Babayaran ko ang sahod mo.Magnahanap ka ng mauupahan.Ayaw kong may titirang outsider sa bahay ko."

"Bahala ka,Sir Kapag walang titira dito.Babahayan ito ng momo.Ehh!Katakot lang," pananakot ni Grasya.

"Get out and pack your things.Ayusin mong mag-isa ang buhay mo.Go seek for medication,crazy girl."

Nakukunsuming sabi niya bago nag-tuloy-tuloy sa ginagawa.Ini-lock niya ang pinto.Mabuti na iyong sigurado na walang istorbo sa kanya .Pero dahil sa presensiya ng Yaya niya,mukhang mahihirapan siyang gawin iyon.
Ibinagsak niya ang katawan sa malombot na kama.

"Wala akong sakit!" Inis na sigaw ni Grasya sa labas ng pintuan niya.
"Sir,believe me hindi ako titigil hangga't hindi ka nakakamove- on sa jowa mo.You need some refreshing.Lumabas ka ng lungga mo.Maghanap ka ng trabaho and just go by the flow.Malayo pa ang mararating mo,Sir.Papasa ka pang kargador sa laki ng katawan mo,eh."

Napangiti si Zen habang naririnig ang papalayong yabag.Tuluyan na itong naglaho sa kanyang pandinig.Ilang buwan na ba itong nagtra-trabaho sa bahay niya?Kaylangan niyang malaman kung ano ang sekreto ng kanyang Yaya.

Alam niyang sinadya nitong magtrabaho sa bahay niya.Hindi siya manhid para hindi maramdaman na may espesyal itong pagtingin sa kanya.Hindi man ito kasingganda at kasimputi ng mga babaeng nakakasalumha niya.

Ito ang tipo ng babae na habang tinititigan ay lalong gumaganda.Hanggang balikat lamang niya ito ngunit humanga siya sa enerhiyang mayroon ito.Kung saan malakas ang loob nitong pagbaguhin siya.

Madalas nitong makuha ang atensiyon niya kapag sinusungitan siya nito.Bukod kasi sa matabil ang dila nito,tila puno rin ng kalokohan ang mga mata.

Kapag hindi niya sinusunod ito ay gustong-gusto niyang nakikita na naiinis ito sa puntong tila binabalatan na siya nito ng buhay sa isip nito.

She reminded him of what he was like before.Pasaway siya noon at palaging napapagalitan dahil sa mga gulong kinasasangkutan.Pero magmula ng makilala niya si Grasya ay para siyang muling nabuhay.

Si Grasya lang ang muling nakapagpalabas ng dating pagkatao niya.Nagtataka ang siya dahil according sa information na nalaman niya ay lahat ng naging kasintahan nito ay namamatay.

Hindi siya sigurado kung ano ang dahilan ng mga kinamatay ng mga ito.Hindi rin totoong wala itong bahay.She is a well-known Nurse at may sariling flower business.

Wala naman siyang lakas ng loob na magtanong tungkol sa bagay na iyon dahil kung anong dahilan ay natatakot siya sa magiging sagot nito.

DisgrasyadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon