Chapter7
Dahil nababagot na si Grasya kakahintay sa amo niyang lalaki ay naisipan niyang mag-relax-relax muna sa sofa habang kumakain ng chippy.Alas-kuwatro na nang hapon ay hindi parin ito bumaba mula sa kuwarto nito.
Sumalampak siyang naupo roon at pinagmamasdan ang magandang loob ng bahay.Alagang-alaga ang bahay nito na two-story building.Nasa subdivision ito kaya medyo malayo konti sa centro.
At lahat ng nakatira sa may subdivision ay may sariling mga sariling sasakyan dahil medyo malayo-layo rin ang lakarin palabas.Kapag nagugutom siya ay pumapakyak nalang siya sa may convinience store.
Habang panay ang nguya niya ay biglang nasagip ng kanyang mga mata ang dvd player na nakadisplay sa may sala.Biglang may nagbigay sakanya nang senyales na patugtugin iyon.Naghanap muna siya ng disc mula sa aparador na di'salamin.
Napili niyang isinalang ang disc ng AEGIS ang isang sikat na banda Pilipinas.Pero bago pa man niya sinimulan ito ay naghanap muna siya ng mikropono.Binuksan rin niya ang vintage wine na imported na nakadisplay nang wala siyang makitang beer.
Pinili niyang kantahin ang "Halik" ang pinaka-sikat na kanta ng banda.Isinalang niya iyon at pinindot ang "Play button" saka hinintay na gumana.
Kahit hindi naman siya marunong kumanta ay kinanta parin niya iyon kahit wala siya sa tono."Ang halik mo---ooo!!!Nami-miss kooooo!Ang halik mo---ooo.Bakit iniwan mo ako-oooo...Yooohhh!"
"Nasasaktan ako o-h baby,tuwing nakikita ka.Naninibago ko-oh baby pag may kasama kang iba.
Pagkat ikaw...ang tanging laman ng aking pusooooohhhh.Nang aking buhaaaaaayyyyy!Yay!!!!Ang haalliiikkk----"Nakatulala si Zen sa kisama habang nakahiga sa kama.Iniisip niya kung totoong binabalot ba siya ng alaala ni Gina.Ilang minuto siya sa ganoong posisyon nang makaramdam ng gutom.
Nag-angat siya ng mukha para tingnan ang wall clock.It was already four in the afternoon.No wonder his stomach kept on begging him to eat something.Nasanay na siya sa ganoong oras tuwing kainan.Dali-dali siyang bumangon saka tinungo ang banyo.Wala pang labinlimang minuto ay tapos na siyang maligo.Napatda siya nang mabungaran niya ang kanyang Yaya sa sala.
Nandun na eh,gandang-gandang na ito sa kinakanta nito na kahit wala sa tono at sintunado ay ganadong-ganado parin ito sa pag-birit at pagliyad-liyad ng bigla nalang nawala ang sound.Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay laking gulat niya ng parang tigre ang amo niya emotionally at mentally ill na nakatingin sa kanya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?Nakakabulabog ka ng kapitbahay.Hindi ka man lang nahiya sa boses mo!Feel mo,kahit wala sa tono," panlalait sa kanya ni Zen.
"Owss!Sorry.As in naman,dinig ng kapitbahay mo ang pangit kong boses kung nakasarado naman ang buong bintana.Baka nga nagka-basag-basag na ang bintana ng bahay mo Sir," hagikgik niyang sa biro.
Napinsin rin ni Zen ang wine na nakapatong mula sa lamesa na binuksan niya kanina at tinikman.
"Sinong nagsabing buksan mo to'?This is expensive," ani Zen na tinaas pa ang bote ng wine."Sus para yan lang!Eh!Di', I will pay you back.Treat mo na sa akin yan.Tutal last day of work ko na saiyo.Let's party!" ani Grasya na tinaas ang kopitang hawak.
Hindi naman siya lasing.Naglasing-lasingan lang siya.Ni hindi nga nito inubos ang wine na hawak niya simsim lang ang ginagawa niya.Hindi kasi siya sanay uminom ng hard napapaitan siya ng lasa.
"Sir...come'on and join me.Despedida ko na to'.Huwag ka nang mag-inarte diyan," ani GrasyA sa amo.Sabay hila sa braso ng amo.
"Sir,what song do you want to sing?" tanong niya sa lalaki habang matalim na nakatingin sa kanya.
Grabeh naman makatitig ang mokong na to'.Ngayon lang siguro nakakita ng mukhang artista dahil ayaw nang kumurap ang mga nito sa kanya, sa isip niya."Im not joining you.At ligpitin mo yang kalat mo.I don't want my house to be dirty," utos niya sa kanya.
Ang art-art naman ni mokong para plastik lang ng chippy nag- kalat na agad.Ang sabihin mo gusto mo akong samahan pero pakengkoy ka lang ngisi niya.
Tinignan lang niya ito,pagkatapos ay dumeretso sa kusina.Sinundan naman ito Grasya.Alam niyang gutom na ang kanyang amo dahil hindi pa ito nananghalian.
Marahil sa sobrang kaabalahan ay hindi niya namalayan na nasa likuran pala niya si Grasya.Nakasunod lang ito na animo pinagmamasdan ang susunod niyang hakbang.
Lumingon siya para sawayin ito.Noon niya napagtanto kung gaano kalapit ang mukha nito sa kanya.Mabuti nalang at nakatingin ito sa ginagawa niya.
"Lumayo ka nga sa akin,Minda,kapag ganitong kanina pa ako nagugutom,baka ikaw ang kainin ko," saway niya rito,saka muling hinarap ang ginagawa.
"Alam mong hindi Minda ang pangalan ko kaya huwag kang manadya na mali ang ibigkas mo!Alam kong sexy ako,Sir.Pero sayang naman ang lahi ko kung kakainin mo ako," anito.
"Minda" ang madalas itawag nito sa kanya lalo na kung gusto siya nitong asarin.
"Saka ilang beses ko na bang sinabi saiyo na Gracia ang itawag mo sa akin."Nang maramdaman niyang wala na ito sa likuran niya ay saka lang uli lumingon dito.Nakaupo na ito at nagngunguya muli ng kinakain nitong chippy kanina sa sala.
Hindi niya alam kung bakit issue sa kanya ang pagtawag niya rito ng "Minda."Naasar ito kapag mali ang pinantawag niya at lalo siyang ginaganahan sa paggamit niyon.
"Oo na po......Grace." nakangising sabi ng amo niyang lalaki.Tuluyan siyang napahalakhak ng pinukol siya nito ng masamang tingin.
Nalukot ang mukha nito.
Hindi niya alam kung dapat ba niyang ipagpasalamat na nakikita niyang nakabunsangot ang magandang mukha nito.Lahat yata ng emosyon nito,partikular na ang pagkainis,pagkaasar at paminsan-minsan ay,pagkamasiyahin ay naipapakita nito sa kanya.
He just let her rant about something or someone that pissed her off.A part of his was a happy that she trusted him that much,but sometimes it pained her that Grasya always saw him a depression obserber.
"Sir,baka puwedeng kumurap ka naman sa pagkakatitig mo sa maganda kong mukha.Kumain ka na Sir, baka madedski ka ng di na oras.Kasalanan ko pa," angil niya rito.
"Alam mo----" ani Zen na dahan-dahan siyang nilapitan sa kinakaupuan nito.Na walang tigil sa pagsubo at nguya niya ng kanyang kinakain.
Subukan mo lang gumawa ng maling hakbang makakatikim ka ng kamao ko.You will see stars kahit dapit hapon palang sa isip ni Grasya.

BINABASA MO ANG
Disgrasyada
Romance(COMPLETED)Si Gracia Mia ang babaeng disgrasyada dahil siya ay isinumpa.