Chapter15
Aksidenteng nabuksan ni Glenda ang pintuan ng kuwarto ng kanyang ate.Nakalimutan na niyang kumatok.Hindi rin niya kasi alam na nasa loob pala si Zen.
"Ate,may nakaparadang bulaklak sa labas," ani Glenda saka niya aksidenteng nasilip na hinahaplos ni Zen ang noo nang kanyang ate.
"Ay!Wala po akong nakita.Promise!" nangingiting takip nito sa kanyang mga mata ngunit nakabukas naman ang mga palad nito.Sabay silang napalingon sa pintuan.
Tinungo niya ang kinaroroonan ng kapatid at binatukan.
"Sabi mo wala kang nakita,eh. Nakita mo na nga!Ano ba yun?" iritado niyang tanong."Sungit!"reklamo nito."Kuya,kapag sinungitan ka ng ate ko.Parusahan mo nang halik para matuto,"nakangisi niyang sabi at nagtago sa likuran ng lalaki.
"Sure!Magkakampi tayo," sang ayon naman ng lalaki.Saka sila nag aperan.
"Magkakampe!Ganun?Baka gusto niyong pag-untugin ko kayong dalawa para makakita naman kayo ng kumikinang na bituwin sa langit," nagngi-ngit niyang sabi.
"Pikon ka lang,eh!" asar parin ni Glenda sa kapatid.
"Sinong asar,ha!Ikaw bata ka halika nga dito," asik niya
"Kuya,oh,si Ate," ani Glenda na nanghihingi ng saklolo habang nakatago sa likuran ni Zen.
"At ikaw naman," turo niya sa lalaki."Umalis ka riyan.Baka maupakan kita," napipikon na niyang sabi.
"Ano bang problema mo!" Nakalabing tanong ni Zen.
Tumawa si Gracia nang-pampikon.
"Ako may problema?Wala akong problema.Akala ko ba,ikaw ang may problema."tanong nito sa pagitan nang pagkainis.Tinignan niya ito ng masama.Biglang tinulak ni Glenda si Zen at muntikan nang mapayakap sa kanya.Na-concious siyang inayos ang sarili.
"Ikaw talagang bata ka.Nakakarami ka na, ha!Halika nga rito."
Agad siyang nagtago muli sa likuran ni Zen bilang panangga sa naiinis niyang ate.Dumakwang siya at pilit na hinahagilap ng kamay niya si Glenda.Aksidenteng tumama ang noo niya sa mukha ng lalaki.Halos mangiyak siya sa sakit pero ng mawala sa konsentrasyon si Zen nang makitang nasaktan siya.Hinablot niya ang lalaki sa tabi niya.
Itulak muli sila ni Glenda at sabay silang natumba sa sofa.Iyon ang eksenang naubatan ng nanay niya.Kagagaling lang nito sa palengke para mamili ng iluluto nitong ulam.Nakakunot ang noo nito.
Hindi naman malikot ang imahinasyon ng nanay niya.Gayunpaman ay napabalikwas silang dalawa ni Zen at agad na naupo sa sofa.Naninita ang mga mata niya na tinignan ang makulit niyang kapatid dahil ito ang nagsimula.
"Magandang araw po,Nay."magalang na bati ni Zen."Pasensiya na po,"tila maamong tupa na sabi nito sa nanay niya.
Hindi nagsalita ang Nanay niya at pumasok sa kusina para ibaba ang mga pinamili.Tinulungan naman ito ng kapatid niya.Nagbabanta ang mga mata niyang sinundan ang kapatid para pagbantaan ng humanda ka mamaya sa akin.Bubugbugin kita!Na tumatawa sa loob niya.
"At kailan mo pa naging Nanay ang Nanay ko,aber?"
"Kanina lang," nakangising sabi nito sa kanya.
"Huwag kang maging pilosopo.Tinatanong kita ng maayos," nagngi-ngit niyang sabi.
"Maayos naman yung sagot ko saiyo,ah.Bakit ba palagi ka na lang masungit?" tanong nito sa kanya.
Natahimik siya.Actually,ay hindi naman talaga siya masungit.Siguro ay napagkakamalan lang siya dahil lagi siyang napipikon at pikunin.Tumayo siya para kuhanin ito ng tubig.
Sa bahay narin nila kumain si Zen.Pagkatapos nitong mananghalian sa kanila ay nagpaalam na ito dahil meron itong importanteng aasikasuhin sakanilang kompanya.
Sa isang linggong hindi nila pagkikita ng lalaki ay bumalik na pala ito sa trabaho.Ayaw na siguro nitong magmukmok sa bahay lang at baka nakumbinsi ito nang mummy niya kaya bumalik na ito sa dating trabaho.
Dahil walang tatao sa flower shop niya ay nagtungo siya roon.Siyang naman ang araw kung hindi siya magbubukas dahil marami narin silang suki.May sakit ang florist niya at humingi ito ng sick leave para makapagpahinga.
Zen signed impatiently,then tossed the pen on his table.Nakakunot-noo siya sa mga papeless na nasa harapan niya.Ngali-ngali niya iyong damputin at ihagis sa dingding pero pinigil niya ang sarili.
Nasa ganong ayos siya nang bumukas ang pintuan at tumambad ang taong kanina pa niya hinihintay.
"What are you doing here?" iritadong tanong niya sa babaeng pumasok sa opisina niya."What is your problem,Zen.Ipinangako mo sa kapatid ko na siya lang ang babaeng mamahalin mo habang buhay.But see what you got.Ang bali-balitang may relasyon kayo ng katulong mo.Hindi kaba apektado sa tsismis saiyo?" pang-iinsulto nitong tanong.
Agad nagdilim ang anyo nito.Nanghuhusgang napatitig sa babae.
"Sino'ng may sabing nakalimutan ko na ang yumaong kapatid mo?You don't just come here and talked nonsense.I'm moving on.I have the right to find true love," ani Zen sa babae."True love?" asik ng babae.
"So,totoo nga na kinalimutan mo na ang pangako mo sa kapatid ko.You'll see Zen," banta nito."She's gone.And she's not coming back.Let her rest in peace," madamdaming wika niya.
Binale-wala siya nang babae.Parang wala itong narinig.Nagsimula itong lumapit sa table ni Zen at nakita ang nakadisplay na larawan nila ni Gina noong namasyal sila sa Resort World Sentosa in Singapore.
Ang saya nilang dalawa nang araw na iyon.Nilibot nila ang buong syudad.They went to ate the famous laksa.Doon narin siya nag-propose sa babae.Binilhan niya ito ng diamond ring bilang engagement ring nito.
Napangiti ito nang nang-uuyam."Good,ang bilis mong nagluksa at nakahanap agad ng babaeng papalit sa puwesto ng yumao kong kapatid.Ang galing rin nang katulong mo dahil nilandi ka niya agad at pinag-samantalahan ang kahinaan mo no'ng oras nang pagluluksa mo."
"That's none of your business!At huwag mo siyang pagsalitaan nang hindi maganda dahil hindi mo naman siya kilala,"Zen snapped at her.
"None of my business?" Bel repeated.
"It's my business because I'm Gina's sister.May karapatan akong mag-usisa saiyo dahil kapatid ko ang naagrabyado," galit nitong wika.Nadag-dagan ang sakit ng ulo niya.Paanong naagrabyado?They were the best couple.Ang dami nilang plano at dapat gawin but God take her away from him.That incident that almost make her die too.
"I'm sorry,Bel.Busy na ako maari ka nang umalis."pagtataboy niya sa babae.
Wala na ba siyang karapatang magmahal muli at lumigaya.He is moving on sa tatlong taong pagluluksa niya ay hindi pa ba sapat iyon para patunayan na minahal niya ng totoo si Gina.Naikuyom niya ang mga palad sa kaisipang iyon.
BINABASA MO ANG
Disgrasyada
Romance(COMPLETED)Si Gracia Mia ang babaeng disgrasyada dahil siya ay isinumpa.