Kabanata 1 : Mage nga ba?

15 0 0
                                    


Hindi ako makatulog sapagkat ang aking limang taong gulang na kambal na kapatid ay hindi ako tinatantanan. Gusto nilang magkwento ako para sa kanila. Wala kasi si mama kaya ako ang nagpapatulog sa kanila. Malapit ng maghahating-gabi pero buhay na buhay pa rin ang mga makukulit kong kapatid. Nakatatlong kwento na ako pero hidi pa rin sila nakakaramdam ng antok.

"Ok, huli na to ha?" sabi ko sa kanila.

"Opo ate!" sabay nilang sagot.

"May isang mage na may dalawang makukulit na mga kapatid. Ito'y magkakambal na lalaki at babae. Ang batang lalaki ay may kapangyarihan na kayang palamigin at gawing yelo ang buong paligid hanggang sa kaya niya. Tinatawag siyang Ice mage. Ang batang babae naman ay may kayang kontrolin ang tubig. Tinatawag naman siyang Water mage. Ang ..."

"Parang kami?" tanong ni Flake.

"Shhh," suway sa kanya ni Fall, "Ipatuloy mo ate."

"Yes kayo nga. Ang mage ay nagkukwento sa kanyang mga kapatid upang makatulog na ang mga 'to. Ngunit anong oras na at hindi pa rin natutulog ang kanyang dalawang magkakapatid. May pasok pa naman siya kinabukasan. Kaya sana ay makatulog na sila sa huling kwento na kinukuwento ng mage. Kasi kapag hindi, magiging demonyo ang mage at kakainin niya ang magkakapatid," umakma naman akong kakainin sila kaya napasigaw sila at nagtambon ng kanilang kumot.

Tumawa ako. "Oh tulog na kayo ha? Hating-gabi na at may pasok pa ako bukas, ok?" sabi ko sa kanila.

Humikab naman si Flake at tumango.

"Yes ate. Good night po," sabi ni Fall.

Hinalikan ko sila sa pisngi nila at inayos ang kanilang kumot. Lumabas ako sa kwarto nila at pumunta na sa aking kwarto habang humihikab. Naaantok na ako, kanina pa.

Kinabukasan, inaantok akong naghahanda patungong paaralan. Sa nakasanayan, kasama ko si Light, ang aking kambal na lalaki, pagpasok ng paaralan.

Siguro kailangan ko pang magpapakilala. Ako si Moon Vermillion. May itim at medyo kulot na buhok na hanggang beywang ko. Meron akong mahabang pilik mata. Ang mga mata ko ay kulay-abo. Hindi ako mataba, hindi rin mapayat, sakto lang. Ang height ko ay 5'8".

Ako ay isang kakaibang mage. Hindi ko nga alam kung matatawag ko ang sarili ko bilang isang mage. May mga kapangyarihan ang mga mage. 'Yan ang tawag sa amin. Dahil kami ay nakatira sa mundo ng kung saan ay may kapangyarihan lahat ng makakasalubong mo maliban siguro sa akin. Ang mga taong nakatira sa mundong Gorland ay tinatawag na mage.

Ewan ko ba kung bakit wala akong kapangyarihan. Sabi ni mama baka nahuli lang ang paglabas ng aking kapangyarihan. Kaya't kailangan ko lang maghintay.

May kakambal ako. Ito si Light. Gaya sa akin, itim at medyo kulot rin ang kanyang buhok na may saktong haba lang para sa mga lalaki. Ang kanyang mga mata naman ay mapusyaw na kulay-abo. Sakto lang din ang kanyang katawan. 6'1" naman ang kanyang height. Isa siyang Air mage. Kaya niyang kontrolin ang himpapawid at hangin. Mabuti pa siya, alam na niya kung anong klaseng mage siya.

May nakababatang kapatid din ako. Kambal silang pareho. Magkakambal na lalaki at babae. Ang pangalan ng lalaki ay Flake, isang Ice mage. May kaya siyang gawing yelo ang kahit na anong bagay o kaya'y palamigin ang paligid. Ang babae naman ay si Fall, isang Water mage. Kaya niyang kontrolin ang tubig. Pareho silang may mga itim na medyo kulot din na buhok. Magkapareho kami ni Fall ng haba ng buhok habang pareho din sina Light at Flake. Pareho din silang may mga matingkad na kayumangging mga mata.

Mabuti nga rin ang mga 'to. Alam na nila kung anong uri silang mage.

Ang mage ay nauuri sa anong kapangyarihan ang mayroon ka. Kung kaya mong kontrolin ang hangin, nauuri ka bilang Air mage. Kung makokontrol mo naman ang apoy, Fire mage naman ang tawag. Kung tubig naman, Water mage. Kung ang mga hayop, isa ka namang Animal mage. Kung mga halaman, Plant mage. Mauuri ka kung anong elemento o bagay ang makokontrol mo.

"Moon!" sigaw ni Light sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya. Naglalakad kami ngayon patungo sa silid-aralan namin, "Bakit?"

"Wala. Tinitingnan ko lang kung buhay ka pa," natatawang sabi niya.

"Ahh ok. Ngayon alam mo nang buhay pa ako. Salamat sa concern," sagot ko naman sa kanya.

Tumawa naman siya dahil dito.

Pagdating namin sa silid-aralan namin, pumunta na agad kami sa upuan namin. Magkatabi kami ni Light. Nakahanay kami kung saan nakaupo base sa mga huling pangalan namin.

Umupo si Summer sa kaliwang gilid ko habang bakante pa ito dahil wala pa si Rigel. "Ok ka lang?" tanong niya sa akin. Napansin niya siguro na puyat ako.

"Ok lang," sagot ko habang humihikab.

Dumating na si Rigel kaya umalis na si Summer at pumunta na sa kanyang upuan. Gaya ng dati, may dala siyang maliit na paso na may kakaibang halaman.

"Hi Reej. Para kanino 'yan?" nakangisi kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya at binigay ito sa akin.

"Salamat Reej!" tuwa kong pasalamat sa kanya. Mahilig kasi ako sa mga halaman.

Umupo na siya sa tabi ko.

Noong mga bata pa kami, magkapitbahay kami ni Rigel kaya nang malaman kong isa siyang Plant mage, gumawa kami ng maliit na gubat sa bakuran namin. Mahilig din naman kasi si mama ng mga halaman kaya hindi niya kami pinagalitan. Malaki rin naman ang lupa namin kaya sinabihan ko si mama na gawin naming malaking harden ang aming bakuran. Sabi rin ni mama na noong dalaga pa raw siya, may harden din siyang inaalagaan kaya pinayagan niya kami.

Kaya simula noon, binibigyan niya ako ng iba't-ibang klase ng halaman. Maging halamang bulakalak, di namumulaklak, o kaya'y halamang kahoy.

Kaya kung walang magagawa ang mga kaibigan ko, tatambay sila sa bakuran namin. Lalo na sa maliit na gubat na tinawag kong "Moon's Haven". Sa bakuran namin, nakahati ang mga halamang bulaklak kasama ang mga halamang di namumulaklak at ang mga halamang kahoy. Tinatawag ko namang "Moon's Paradise" ang kung saan ang mga halamang bulaklak at halamang di namumulaklak nakalagay. Para kang nasa paraiso dahil sa ganda ng mga kulay at anyo ng mga bulaklak at dahon nito, at nang dahil din sa mabango nitong amoy. Sa Moon's Haven ko naman tinatanim ang mga bigay ni Rigel na mga halamang kahoy.

Tumayo ako at pumunta kay Vaughn habang dala-dala ang halaman sa aking kamay, at humingi ng pabor. "Vaughn, please pakilagay nito sa Moon's Paradise," sabay lagay ng halaman sa kanyang harapan. Hinawakan niya ito at pagkatapos ng ilang saglit, nawala 'yung halaman sa kanyang harapan. Nandoon na 'yon ngayon sa Moon's Paradise.

Nagpasalamat ako kay Vaughn at pumunta na sa aking upuan.

Pagkaupong-pagkaupo ko, pumasok na si propesor Belgoso at agad na nagturo ng History. Tinatalakay namin ngayon ang tungkol sa pinakauna-unahang mage na naging "Quatmaho". Ang Quatmaho ay kung saan nasayo ang apat na makapangyarihan at napakahalagang mga kapangyarihan. Ito ang hangin, lupa, tubig at apoy.

Noon, hanggang ngayon, tinuturing siyang kakaibang mage dahil apat ang kanyang kapangyarihan.

Tinuturing din akong kakaibang mage hindi dahil higit sa isa ang aking kapangyarihan kundi dahil kahit isang kapangyarihan man lang, walang mayroon ako.


A/N:

 Mage /māj/

Sana magustuhan niyo :)

Moon VermillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon