Kabanata 6 : Kinain Ang Liwanag

7 0 0
                                    

Naramdaman kong may yumuyugyog sa aking balikat kaya minulat ko ang aking mga mata at nakita si Light. Nakatulog pala ako dahil sa malalim kong pag-iisip tungkol sa pagkakaiba ko kanina.

Niyaya ako ni Light na kakain na raw ng hapunan. Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kanya patungo sa loob.

Tahimik lang kaming kumakain ng hapunan. Tapos na sina Flake at Fall kumain kaya kaming apat lang ni Light, ni mama at saka ni papa ang nasa mesa.

Unang nagsalita si Light. Nagtanong siya kina papa at mama tungkol sa babala ni Baekhyun kanina. Napag-alaman namin na nilakbay pala ni Baekhyun ang buong Gorland upang maibigay ang babala.

Dahil dito, nang matapos kaming kumain, pumunta kami sa sala at saka ikwinento ang nangyari noong pagkagulo ng Gorland.

Higit limang daang taon ang nakalipas, may isang mage na nagngangalang Verbeas. Isa siyang simpleng mage na may kapangyarihang makontrol ang hangin. May isang pangyayari na nagpabago ng kanyang isipan tungo sa mga kapangyarihan. Gusto niyang makuha ang lahat ng kapangyarihan sa buong Gorland. Gusto niyang siya lang at ang kanyang kapatid ang may kapangyarihan. Ngunit hindi sumang-ayon ang kanyang kapatid dahil ito ay nagmamahalan sa isang napakabuting mage. Ang kanyang kapatid ay si Vanbelle Mariafe. Kilala sila bilang "The Acnologia Superiors" dahil ang kanilang mga magulang ay isa sa mga napakamapangyarihan sa Gorland.

May tinatawag na "Seven Mage Saints". Sila ang napakamapangyarihan sa buong Gorland. May dalawa kung saan narito sila sa Byun. Ito ang pang-una at ang pangatlo. Ang pang-una ay may kapangyarihan na Earth, Water at Fire. Dahil dito tinawag siyang isang "Trimaho". Siya ang tinaguriang napakamapangyarihan dahil nakamit niya ang Trimaho kung saan nasa iyo ang tatlo sa apat na mga makapangyarihan at napakahalagang kapangyarihan. Siya ay si Yeref Belserion. Siya ang kauna-unahang at natatanging Trimaho Mage sa Gorland. Ang pangatlo naman ay si Zarked Acnologia. May kapangyarihan siyang Air at Water. Tinawag siyang "Domaho Mage". Ang mga Seven Mage Saints noon ay puro mga Domaho hangang sa naging Trimaho si Yeref.

Si Zarked Acnologia ay napangasawa si Arkana. Si Arkana ay isang Telekenesis Mage. Sila ang mga magulang nina Verbeas at Vanbelle. Si Vanbelle naman ay isa ring Air mage. Ipinanganak sila sa iisang taon lamang ngunit mas nakatatanda si Verbeas ng labing-isang buwan.

Mga mababait na bata silang dalawa hanggang sa pag kolehiyo nila, namatay ang kanilang mga magulang. Pinatay ang mga ito dahil napag-alamang malapit ng makamit ni Zarked ang pagiging Trimaho. Si Verbeas ay nagalit sapagkat mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang. Si Vanbelle naman ay parang namatay din dahil dito ngunit nandiyaan palagi si Alexander Belserion, ang kasintahan niya, sa tabi niya upang pagaanin ang loob niya.

Inakala ni Verbeas na ang pumatay sa mga magulang nila ay si Yeref dahil nandito lang sila sa Byun. At inisip niyang dahil ayaw ni Yeref na mapalitan ang kanyang posisyon bilang una sa mga ranggo ng Seven Mage Saints kaya gusto niyang maghiwalay sina Vanbelle at Alexander sapagkat ito'y anak ni Yeref. Dahil mahal na mahal din ni Vanbelle si Alexander, hindi siya pumayag dahil ayaw niyang mawalan na naman ng minamahal. Sinabi rin ni Yeref na hindi siya ang pumatay sa mga magulang niya sapagkat hindi niya 'yon kaya. Matalik na magkakaibigan sila ni Zarked kaya sinabi niyang hindi niya kayang patayin ang kaibigan niya. Ngunit hindi naniniwala si Verbeas kaya humanap siya ng ebidensya kung si Yeref ba talaga ang pumatay sa mga magulang niya.

Ngunit wala siyang nakitang ebedinsya tungo kay Yeref. Nalaman niyang wala talagang ginawa si Yeref dahil nalaman nila na ang pangalawa sa Seven Mage Saints pala ang pumatay sa mga magulang niya. Ang sabi nito ay ayaw daw niyang mapalitan sa ranggo niya at gusto pa maging pinakauna kaya binalak niya raw ding patayin si Yeref ngunit natakot ito at baka siya'y matalo lang.

Dahil dito, gustong makuha ni Verbeas ang lahat ng kapangyarihan sa mundo kasama ang kanyang kapatid. Gusto niyang silang dalawa lang ang may kapangyarihan upang walang makakatalo sa kanila. Gumawa siya ng mga eksperimento kung paano makuha ang lahat ng kapangyarihan. Ngunit ang natamo niya ay mga masasamang nadudulot sa mundo. Hanggang sa nagtagal, hindi naging maganda ang mga resulta ng kanyang mga eksperimento. Maraming namatay dahil dito.

Gumawa siya ng mga makinang makakuha ng mga kapangyarihan. May isang naging matagumpay kaya naging Trimaho siya dahil dito. Ngunit sa mga panahong ito, nagsikap si Alexander na makamit din ang Trimaho. Tinutulangan siya ni Yeref. Naging Trimaho din naman siya kaya binalak niyang kalabanin si Verbeas upang matapos na ang mga masasamang ginagawa ni Verbeas.

Meron pang isang makinang nagawa si Verbeas. Tinawag niya itong "Chaos and Peace". Ito'y isang napakalaking makina. Kaya nitong makuha lahat ng mga kapangyarihan sa Byun. Ang una, mag papalabas ito ng gulo dahil sa proseso ng pagkuha ng kapangyarihan. Pagkatapos, kapag makaligtas ang mga tao ngunit wala nang kapangyarihan, iniisip niyang baka maging mapayapa ang mundo.

Nang inilunsad niya ang makina, may lumabas na napakaliwanag na sinag patungo sa langit hanggang sa ito'y naging itim at kinain ang lahat ng liwanag. Ilang araw ding nawala ang liwanag. Ang dilim ang siyang nanaig kaya takot ang lahat.

Mabuti nalang at handa na si Alexander upang kalabanin si Verbeas. Dahil sa paglalaban nila naging Quatmaho siya ng wala sa oras. Dahil dito natalo niya si Verbeas. Ngunit hindi niya alam kung paano pahintuin ang makina. Ginawa rin itong magic proof ni Verbeas kaya hindi niya ito masisira gamit ang kapangyarihan. Ang makakagiba ng makina ay ang pagamit ng isang buhay. Nagsakripisyo si Alexander kaya ginamit niya ang isang spell kung saan ito'y nagpasira sa makina ngunit kahit isang bakas ni Alexander ay walang natira.

Moon VermillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon